Ch2: cafeteria

671 7 2
                                    

SHEENA'S pov...

"mas gusto ko sa cafeteria na lang tayo ngayong araw na to para malapit lang sa office." reklamo ni hanna habang papasok na kami ng cafeteria.

"ok fine. baka hanapin rin tayo ng boss natin agad." -ako

"speaking of boss, buti pa siya petix lang. parang nagbabakasyon lang kasi siya sa mga ginagawa niya eh." sabi ni cha.

"pano mo naman nasabi? eh lagi kaya siyang updated satin. kailangan niya pa talagang malaman kung ano oras breaktime natin at kung

pumapasok tayo." sagot naman ni sydney.

"i mean, lagi siyang nasa France. ni hindi pa nga natin siya namimeet simula nung matanggap tayo sa trabahong ito. wala ba siyang balak magpakita sa atin at puro updates lang ang nais niya." -cha

"haha! ang oa niyo.hayaan niyo na yung boss natin. boss nga eh!" natatawang sabi ko.

"atleast nga walang nagsusungit sa atin sa office. diba!" nakangiting sabi ni hanna sabay akbay sa akin.

'ring.ring.ring'

"tumatawag si Louie.wait lang." agad naman akong pumuntang restroom para doon sagutin ang tawag niya."hello? bakit ka napatawag?"

"busy ka ba tomorrow?" -Louie, ang boyfriend ko.

"ah hindi naman.saan mo ba balak bukas?" naeexcite na sabi ko.

"it's a surprise, babe.i'll pick you tomorrow at 7pm." -louie.

***

a/n: mas marami pa ang cast na darating. so stay tune! :))

pic nila on the side -->

My BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon