Ch21: what happened?

123 0 0
                                    

SHEENA's pov

nandito kami ng mga kaibigan ko sa Shakey's. nanlibre kasi si Cha dahil may boyfriend na daw siya. NBSB daw kasi siya kaya masasabi niyang bagong yugto ito ng buhay niya. :)

"...dapat, sinigurado mo na ikaw lang babae niya!" sabi ni Hanna.

"girls, don't worry! kahit saglitan lang ang ligawang naganap, sigurado akong ako at siya lang ang kukumpleto ng hinihintay kong love story!" kinikilig na sabi ni Cha.

"hahahahaha!" tawanan naming lahat.

"...nga pala, Sheena." tawag sa akin ni Sydney.

"yes, girl?"

"...napapansin namin, na madalas kayong lumabas ng boss mo after work. kasama ba talaga sa trabaho yun?" tanong ni Syd na may halong parang nanghuhuli.

"...a-ano ba kayo. hehehe. p-pati ba naman yun pinapansin niyo. w-wala yun noh. hehehehe!" sagot ko. sana di nila napansin yung pagkaba ko sa pagsagot. ~_~

"...WEH??" sabay nilang tanong with matching ayaw-maniwala-face.

"...b-bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin? mga kaibigan ko ba talaga kayo?" sabi ko sa kanila.

"yun nga eh. kaibigan mo kami at alam ko ang bawat kilos nang isa sa atin." sabi naman ni Syd. *ang usisera sa aming apat*

"...osige na! aamin na ko."

"...really? may relasyon kayo??" gulat na tanong ni Cha.

"...no!!!" tanggi ko.

"eh ano nga??" sabi naman ni Hanna.

"ok girls. nagba-bonding lang kami. sinasamahan ko lang siya dahil...a-as his secretary, d-damayan ko siya sa mga problema niya." paliwanag ko.

"...alam ba ni Louie yan?" tanong ni Syd.

"...no." sagot ko.

"pero sinusundo ka niya after office hours." sabi ni Hanna.

"...hindi na. busy kasi siya sa collaboration nila. and, tumatawag na lang siya kung masusundo niya ako or hindi." sagot ko.

"...so, close na pala kayo ng boss mo, Sheena." pangaasar ni Cha.

"h-hindi naman. may mga bagay pa rin na private at yun hindi niya sinasabi sa akin." sagot ko.

natapos rin ang pagiinterogate nila sa akin. SA WAKAS! ~_~

after namin kumain, nagpunta muna ako sa office. ichecheck ko lang kung anu-ano ang mga kailangan gawin ni boss kumag next week.

gusto ko rin sana sa payday, day-off muna ako. gusto ko rin makasama si Louie. miss ko na rin naman siya.

"...why are you here?" may biglang nagsalita kaya nagulat ako. nandito pala si kumag.

"...n-nandito ka pala kumag." sabi ko.

"sabi ko naman sayo, bahay ko na rin ito." sabi niya. "...bukas pa ang pasok mo ah."

"tinitignan ko kasi kung anu-ano ang mga kailangan mong gawin next week. baka sakaling may free time. gusto ko kasing magday-off. hehehe." sagot ko ~_~

"...hahaha!" pinagtawanan na naman niya ako!

hindi ko na pinansin ang pagtawa niya. tumawa siya hangga't gusto niya. bakit kasi hindi ko naisip agad na si kumag nga pala ito. hindi ako papayagan magday-off nito.

aalis na lang ako. uuwi at magpapahinga. medyo, naiilang pa rin naman ako sa kanya dahil sa nangyari sa amin nung nakaraan.

"...Sheena." tawag sa akin ni kumag bago ako makalabas ng office niya.

"...bakit?" nilingon ko siya.

"...don't go. we have something to talk about." sabi niya.

sigurado akong paguusapan namin ang nangyari nung gabing magkasama kami. nakuuuuu! ~_~

*** 

a/n: ano naman kaya ang nangyari nung gabing magkasama sila? hmmmm....

sana namiss niyo ko! :)) nagupdate na ako habang maaga pa. dahil mamaya, busy na muli! :))

edit ko na lang muli sa comp later! :)

vote and comment :)

My BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon