Ch12: reasons why we fell

288 0 0
                                    

LOUIE'S pov

sobrang nabusog kami ni Sheena sa mga kinain namin. kahit kailan,ang takaw talaga niya sa pizza! :)

habang nagaayos na nang mahihigaan ko si Sheena, dahil dito ako matutulog sa bahay niya, nilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. nakita ko malapit sa salamin niya ang stuff toy na binigay ko sa kanya.

"That stuff." nakangiti kong sabi. "yan yung unang binigay ko sayo nung naging admirer mo na ako." patuloy ko.

napatingin siya sa tinitingnan ko..."stalker ang peg mo non, babe." sabi ni Sheena na papalapit sa stuff toy na yon at hinagis sa akin. "araw-araw mo kong binibigyan ng kung anu-ano. nakakatakot kaya." sabi niya habang nakangiti.

"natatakot ka pa non kasi di mo pa nakikita yung nagbibigay sayo ng kung anu-ano. haha! pogi talaga ng fiancè mo Sheena" -me

"conceited much, babe!" naiiritang sabi ni Sheena pero halata namang kinikilig. :)

"Sabi ko nga non, kapag hindi ikaw ang babaeng makakatuluyan ko, hindi na ako magaasawa." sabi ko habang naglalakad papunta sa inuupuan niya at tumabi.

"hindi ko nga akalaing maiinlove ako sayo eh. kasi, hindi ko naman ginustong mainlove noh!" sabi ni Sheena sabay hampas sa braso ko. "pero dahil sa kasweetan mo, pati ako nilalanggam. haha!"

"isa pa na nagustuhan ko sayo, ang cute mo magblush." sabi ko sa kanya sabay kurot sa pisngi niyang mataba.

"araaay ko, baaabe!" reklamo niya habang ako naman ay pinaghahampas niya ng mga unan. :D "nagba-blush ako pero sa ginagawa mo! hindi sayo! hmf!" sabi niya sabay lipat ng pwesto. ang cute talaga :D

"ok lang. atleast na sakin ka." sabi ko. "naalala ko pa nga, yung first kiss natin, yung pisngi mo sobrang pula. haha!" natatawa kong sabi.

"hoy! kalimutan mo na nga yan!" binato na naman niya ako ng unan.xD "eh ikaw nga eh, hinalikan lang kita sa labi nung nasa labas tayo ng room, bigla kang nautot sa sobrang kilig! hahahaha!" natatawa niyang sabi, hawak-hawak pa ang tiyan niya. ~_~

"grabe ka! atleast ikaw at ako lang nakarinig." at lumapit na ako sa tabi niya. "tama na kakatawa. matulog na tayo." at hinalikan ko siya sa noo.

"sige, babe. sure ka bang ok ka lang diyan sa lapag?" tanong niya sa akin.

"sure na sure babe. lalaki pa rin ako. baka matempt ako pag tumabi ako sayo. sige ka." pangaasar ko sa kanya.

"haha! oo na.sige na. goodnight!" kiniss niya ako sa labi at niyakap.

."sige babe. goodnight. i love you so much." at hinalikan ko siya sa noo, ilong, at labi.

"i love you too, babe." at pinahiga ko na siya sa kama niya. ako naman, ay nahiga na rin sa hinanda niyang higaan sa akin.

i really love this girl so much from the day i met her til now and i promise to make her every day so meaningful and lovely. so gay but sorry, i'm really inlove.

*** 

a/n: hope you like this chap! vote and comment :)

ipromote niyo po yung story ko sa iba KUNG ok lang. hehehe :) THANKS :*

My BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon