SHEENA'S pov
grabe! nung mga nakaraang araw, puro pang-aasar at pagpapahirap ang naranasan ko sa kong boss. ~_~
nung minsan, inutusan niya akong bigyan ko siya nang milk tea. pagbalik ko sa office niya, biglang sabi cappuccino coffee na raw ang gusto niya. pagbalik ko naman, ayaw na daw niyang uminom. ~_~
at nung minsan din, sinabi niya sa akin na dapat daw hindi ako nagsusuot ng maiikling skirt. hindi daw bagay sa akin. tinanong ko naman sa mga kaibigan ko sabi nila bagay na bagay naman daw sa akin. sobra siya ah! ~_~
pero napapansin ko, parang may mabigat siyang problema. masungit siya, oo. pero iba ang dating ng masungit sa may dinadalang problema.
gusto ko siyang kausapin. pero, baka ayaw niya naman sa akin. i mean, hindi niya ako kaibigan kaya hindi siya sa akin magoopen ng mga ganung bagay.
kahit naman inaasar niya ako, parang natutuwa rin naman ako. pero, hindi ko alam kung bakit. baka kasi, gusto ko lang din mapalapit sa isang katulad niya. asungot pero kaakit-akit.
LOUIE'S pov
hindi na ako nakapag-lunch. madami pa kasi akong tatapusin. gusto ko matapos ito agad-agad para makasama ko na ulit si Sheena ng matagal.
"haaay! sakit sa likod." sabi ko at nag-unat ng katawan. "...magcocoffee na nga lang muna ako."
habang naglalakad ako papuntang cafeteria, napapansin kong may sumusunod sa akin.
hindi ko na lang nilingon. baka kasi, sa cafeteria din ang punta niya. pero, parang ako talaga ang sadya niya.
huminto ako sa paglalakad.
"ouch!" sabi ng sumusunod sa akin. nauntog kasi siya sa likod ko. "bakit ka naman huminto?!" tanong niya.
"ano ba ang kailangan mo?" sabi ko at nilingon ko na siya.
"wala akong kailangan sayo." sabi niya. tinaasan ko lang siya ng kilay. "hindi mo na ba ako natatandaan, ha?" sabi niya sa akin na nakapameywang pa.
"...sabihin mo na lang sa akin kung sino ka. marami pa akong dapat gawin." sabi ko at magtatangka na sana akong umalis pero hinawakan niya ako sa braso.
"Louie, ako to. ako to, si Gwen. remember?" at pinataba niya yung mukha niya. para siguro magets ko kung sino siya.
Gwen? yun ba yung, naging classmate ko nung 1st year college ako? yung lagi kong kaseatmate?
"Oo, tama. ako nga yan!" sabi niya sa akin na may kasamang ngiting sobrang tuwa.
"paano mo nalaman ang naiisip ko?" tanong ko sa kanya. nakakapagtaka kasi.
"napakunot ka kasi ng noo mo. ganyang-ganyan ka kapag pinagtitripan ko mga gamit mo. mapapaamin mo ko sa pagkunot ng noo mo. hehe!" sabi niya. siya nga si Gwen :)
"ikaw nga si Gwen." sabi ko sabay yakap sa kanya. magka-height lang sila ni Sheena kaya sa ulo niya ako nakahagkan.
"akala ko hindi mo na ako makikilala." sabi niya at niyakap niya rin ako. :)
"ano? tara? treat kita. namiss kita eh." nakangiti kong sabi.
"dapat lang no! gawain mo naman talaga yan nung 1st year tayo. kapag nga bibili ka ng fruitshake, automatic na dalawa na agad ang bibilhin mo dahil kung hindi, pipingutin kita. haha!" sabi niya.
nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi niya. namiss ko talaga itong babaeng to. siya lang yung naging seatmate ko na kahit saan mo dalhin, hindi ka magiging boring. :)
para ko na rin siyang little sister dahil lagi ko siyang kadikit sa loob ng classroom. pero hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya after ng 1st year niya sa college.
"...pinag-aral kasi ako ng mga parents ko sa New York. doon na rin ako nagtapos. hanggang sa, umuwi na ako ulit dito." sabi niya.
nagkekwentuhan na kasi kaming dalawa dito sa cafeteria. at ang laki na talaga nang pinagbago niya. :)
"good for you, Gwen. at akalain mong, New York lang pala ang katapat mo para pumayat ka ng ganyan. haha!" pangaasar ko sa kanya.
"ang sama mo naman!" sabi niya sa akin. "siyempre nagpapayat ako para naman may magkagusto sa akin."
"as if naman, Gwen! haha!" inasar ko pa rin siya. at nagmake face na lang siya sa sinabi ko. "...pero, you look awesome now. sino ba ang boyfriend mo ngayon? or, shall i say, do you have a husband now?" tanong ko.
"actually, kaya nga ako bumalik sa Pilipinas, eh para balikan ang taong pinapangarap kong maging husband ko." sabi niya while looking straight into my eyes.
***
a/n: lumalabas na ang mga bagong characters. hahaha! are they bida, extra, or kontrabida?? :D
medyo mabagal update ko :))
vote and comment :)
BINABASA MO ANG
My Betrayal
KurzgeschichtenA loyal boyfriend and a loyal girlfriend One lie may be forgiven... but, a lifetime lies and mistakes, can take the relationship breaks apart. note, "It takes a lot of truths to gain trust and lies to destroy it all."