Chapter Ten- Day 18 (Ayeeee Elkyu!!)

696 22 2
                                    

*Alden's P.O.V.*

Bakit ganon? Hindi nagrereply saakin si Maine, alam na niya kaya na ako ang may pakana nuon??

"Ate Jules!!" Tawag ko ulit

"Bakit?" Tanong niya

"Galit ka pa ba saakin??"

"Alden, hindi naman talaga ako galit, naiinis lang ako dahil nga sa nangyari..." Mahinahon niyang sagot

"Ah ganon po ba?? Sige po pala..." Ngiti ko nalang at ngumiti din siya pabalik

Nakaka-miss pala ka-text si Maine... Wala na akong kinukulit...

'Nicomaine Dei Mendoza!! Wala ka bang load?!' Text ko at agad na may nagreply

'Wala' text niya... Wala daw pero nag reply

'Anyare?? Bakit ang sungit mo??' Kinabahan na ako

'Wala, mamaya nalang may ginagawa ako' reply niya ulit... Ang cold niya naman

"Alden boy! Nakasimangot ka diyan!" Bati saakin ni kuya Sam

"Kuya may load ka?? Patawag naman!" Hirit ko at agad niyang binigay an phone niya

'09*********' calling

"Hello??" Tanong niya, bigla akong napangiti nuong narinig ko ang proffesional niyang boses "hello? Sino to?"

"Maine sagot ka ng sagot mamaya fan yan na nakuha ang number mo" dinig ko kay kuya Wally sa background

"Hi" bati ko, hindi ko mapigilan ngumiti "si Bae mo to"

"Sorry, wrong number wala akong Bae" sagot niya sabay end call

Ang sungit niya talaga!! Baka alam na niya!!

"Ate Julia!! Alam ba ni Maine na ako yung nag set up nuon??" Habol ko nuon nakita kong dumaan si ate Jules

"H-ha?? Hindi ka pa ba nagso-sorry??" Tanong niya "wala naman akong sinabi sa kanya, tayo lang naman ang nakakaalam nuon so... " sagot niya, tumungo nalang ako tapos umalis na siya

Ano ba yan... Baka busy lang talaga siya... Alam ko na.

'Maine! Kapag hindi ka nagreply pupuntahan kita mamaya sa bahay niyo!!' Text message sent

*Maine's P.O.V.*

'Ayos lang! Edi hindi ako uuwi!!' NAKO! bakit ba nireplyan ko pa! Nakakainis!

'bakit ba ang sungit mo?? Alam mo kahit hindi ka umuwi alam ko kung nasaan ka, si Richard Faulkerson Jr. Kaya ito!'

'ANO BANG PROBLEMA MO?!?!'

'wow ha, hindi pa tayo nag-llq na tayo!' Pangasar niya

'Wala talagang tayo! Bahala ka diyan!' Pagkatapos nito ay hindi ko na sya nireplyan

Buong araw niya ako tinetext, kahit pauwi na ko nagtetext parin siya

'Maine pauwi ka na no?? Otw na ko sa bahay niyo!! XD' text ni Alden

"Manong sa beanery muna tayo" sabi ko kay manong driver, wow ha! Daig pa ko ni manong driver! May katext! "Huy Manong! Sa beanery muna kako tayo!"

"Ay! Opo ma'am!" Mabilis niyang binitawan ang phone niya sabay nag drive, maya maya ay nagparking na siya at bumaba na ako suot suot ng hoodie ko

Umupo ako sa isang sulok at tahimik na ininom ang kape ko, tumingin ako sa labas at lumalalim na ang gabi pero kung pupunta si Alden sa bahay edi wala siyang aabutan...

'Nasa beanery ka?? Bakit di mo ako ininvite?? Btw, ang cute ng hoodie mo kamukha ko! Jkjk' text ni Alden

Bigla akong napalingon sa paligid pero wala naman akong Alden na nakita, pagharap ko ay nakita ko siyang nakaupo sa upuan

"A-alden?!" Mahina kong sigaw

Ngumiti siya ng pacute at lumabas nanaman ang malalim niyang dimples kahit nakatago din siya sa hoodie

"Pa-paano mo nalaman na n-nandito ako?!" Tanong ko

Tumingin siya sa labas at Kumaway kay manong driver

"Hanap ka ng hanap sa malayo nandito naman ako sa harap mo!" Tawa niya, ah tinutukoy niya nung hinanap ko siya kanina.

"Ano ba?! Stalker ka ba?!" Sabi ko ng may kunot sa nuo, kunwaring galit pero kinikilig

"Bakit ba ang sungit mo?? Parang nagseselos ka ah!" Hirit niya

"Se-selos?! Kanino naman ako magseselos?! Kay rit---" nabigla ako sa sinabi ko

"Kay Rita Daniela??" Ngiti niya "nakita mo daw ako sa starbucks? Kasama siya?"

Bakit ba hindi ko naisip na sasabihin ni Miss Julia yun sa kanya!

"Hindi ko siya dinadate! May nanliligaw na sa kanya!"

"W-wala akong pakialam no!" Tayo ko sabay walk-out

Bakit ba ganto ang reaction ko?? Napaka defensive, possesive, Hindi naman ako ganito eh!! Nakakainis!!

Ng malapit na ako sa van, biglang may mga kamay na yumakap saakin... Ang init ng pakiramdam...

"Nicomaine Dei Mendoza, balik na tayo sa dati... Yung may innocenteng kilig... Yung hindi nakakapagselos... Yung magandang ikaw kasi nakangiti" bulong niya saakin, aaminin ko kapag tinatawag niya ako sa buong pangalan ko kumakalma ako

"Si-sige, bitawan mo na ko... N-nakakaisa ka na ha!" Niluwagan na niya ang yakap sa akin kaya nakaharap ko na siya

Ito yung unang pagkakataon na niyakap niya ako... Kahit hindi na niya ako yakap, ang lapit parin namin sa isa't isa. Nakatingin siya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Ang sarap ng ganitong pakiramdam, ang saya.

"Gabi na, umuwi ka na ha... Dilekado na eh" mahinahon niyang sabi sabay bukas ng pinto sa van ko at alalay saakin umakyat

Wala akong nagawa, nadala niya ako. Napakalma niya ako, wala akong nasabi kung hindi sumunod lang sa ginagawa niya... Nakaka-lutang.

"Ma'am! Nandito na po kako tayo!!" Sigaw ni Manong driver

"Ikaw manong driver gumaganti ka ha!!"

Hala, hindi ko namalayan na halos mahigit 1 oras ko iniisip yun! Juicecolored!! Tinamaan nanaman ako!! YANG TATAA?!?

The DubstoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon