Chapter Thirteen - Linggo

697 17 0
                                    

*Maine's P.O.V.*

"Oo eh, nasabi niya na saakin na nahihilo siya hindi lang naagapan" pamilyar na boses ang narinig ko mula sa labas

Sinubukan kong buksan ang mata ko, sa umpisa ay nahihilo pa ako pero ng luminaw na ang paningin ko, puting pader, kama, aircon at maliit na side table lang ang nakita ko. Natawa ako ng narealize kong nasa ospital ako.

"Meng??" Tawag ni Nanay galing sa labas "gising ka na ba?" Tanong niya ulit sabay lapit saakin. Sinabihan niya si Kuya na tawagin ang doctor dahil gising na ako

"Anyare Nay?"

"Hinimatay ka sa set anak" sagot niya

"S-sa set?" Sa sandaling iyon ay bigla kong naalala ang lahat "hala! Seryoso po??" Sabi ko habang nakita kong pumapasok si Kuya Wally, Kuya Paolo, at Kuya Jose. Confirmed.

"May, naiwan mo yung phone mo sa set kanina kaya dinala namin para madalaw ka na din namin" ngiti ni Kuya Wally sabay abot ng ribbon cased iPhone ko.

-- Alden 17 missed calls --

Biglang nanlaki ang mga mata ko, tumingin ako kay Kuya Wally nakatingin din siya sa akin na parang oo, alam na niya kaya?? dahan dahan kong nilagay sa bag ni Nanay ang phone

Kinumusta lang ako nila kuya Wally at umalis na din, sila nanay ay nagpalitan sa pagbabantay sa akin... As usual, matatapos ang araw ko na hindi dumadalaw si Alden... Syempre hindi pwede... Or busy... Or may date... Or hindi concerned. Tapos biglang pumasok sa isip ko, concerned siya. Ikaw ba naman iwan ng 17 missed calls eh. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nagdududa ako sa kanya, dahil siguro ayaw ko talagang umasa oh dahil napakataas lang talaga ng chance na hindi siya titingin sa isang kagaya kong dubsmash queen.

'Incoming call... Alden...' Tunog ng iPhone ko pagkalabas ni Nanay para ayusin ang mga papel sa paglabas ko

Hinayaan ko lang hangang tumigil na ang pag ring, ayaw ko pang makipagusap, nagdududa talaga ako... Naguguluhan.

*Alden's P.O.V.*

Hindi siya sumasagot... Nakakapagalala naman... Biglang pumasok sa isip ko si Rita, nagtatampo ata.

'Calling... Rita...' Di tulad ni Maine, sinagot niya agad

"Hey" bati niya, napakaingay sa background ng boses niya.

"Hello??" Tanong ko, hindi malinaw ang sinasabi "hello?? Nasan ka?"

"K-kasama nung ex ko! Hahaha!" Tawa niya, parang lasing na siya ah!

"Teka! Yang non-showbiz living perv na yan?! Bakit ka sumama diyan?! Umuwi ka na!! Wag kang magpapahatid sa kanya!!" Pag aalala ko

"Pa-papano ako uuwi?" Tanong niya, halos bulol na siya sa pagkalasing

"Ah-eh susunduin kita!" Sagot ko, mapanindigan ko lang ang sinabi

Tinanong niya sa akin kung nasaan siya at sinundo ko na. Pumasok ako sa bar at nakita ko siyang natutulog sa bar table. Hinanap ko ang boyfriend niya at nakita kong nakikipagsayaw sa ibang babae. Tumakbo ako papunta kay Rita at binuhat siya palabas.

"Hello?" Tumawag ako sa Mama niya

"Oh iho!" Bati naman ni Tita "bakit ka napatawag??"

"Tita si Rita po eh--"

"Lasing? Huh, as usual" sabi niya "can you please take care of her muna? I'm currently out of town and the fact na i trust you naman" dugtong niya, with those simple words i ended up leaving Rita in my room at ako ay natulog sa sofa.

Hindi ako makatulog, nagaalala ako kay Maine... Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kapag kasama ko siya~~

'Anak, makinig ka sa akin, ang dapat mong pakingan ay payo ng kapwa kong babae' naalala ko ang sinabi ni mama... Bigla akong napatingin kay Rita, tanungin ko kaya siya bukas?

Maya maya biglang tumayo si Rita at tumakbo sa CR, alam na alam niya na talaga itong apartment ko. Teka~~ halaa! Sumusuka siya! Mabilis akong tumayo para tulungan siya sa CR.

Inipon ko ang buhok niya sa kamay ko at hinimas ko ang likod niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti at tuluyan nang hinimatay. Dahan dahan ko siyang binuhat pabalik ng kama at kinumutan...

Kinaumagahan ay naabutan niya akong nagluluto ng breakfast. Tumayo siya mula sa kama at umupo sa dining chair, hawak hawak ang ulo at papungas pungas pa.

Tumingin ako sa kanya

"Goodmorning" ngiti ko sabay abot ng pancakes

"Anong nangyari? Pano ko napunta dito??" Tanong niya

"Nalasing ka sa bar kagabi kasama ng manyak mong ex" tawa ko ng mahina habang pinapatay ang kalan at umupo sa harap niya

"Teka~~" nanlaki bigla ang mata niya at tumingin sa akin "ma--may nangyari ba sa-"

Mabilis kong pinutol ang salita niya

"Wala ah!" Sabi ko at tumingin aiya ng may pagdududa at huminga na ng malalim

"Akala ko naman~~" ngiti niya na parang natawa din sa tanong niya

"Huy... May itatanong ako sayo" mas seryoso kong mukha.

The DubstoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon