Chapter Five - Day 11 (Pakitang Motibo Talaga Eh!!)

837 23 2
                                    

*Alden's P.O.V.*

"wow Alden sarap ng pagkain ah!" bati saakin ni ate Julia

"hahaha, kuha po kayo" tawa ko naman

"sige okay lang" sagot niya, umupo siya sa sofa malapit saakin "si Maine ba yan?" tanong niya nuong nakita niya ang naka-pause na video sa laptop ko

"opo, dubsmash queen" ngiti ko

"ahh, teka parang nuong isang araw mo pa yan pinapanood ah. eh maiba nga ako... iyan bang dubstory niyo eh may chance?" tanong niya saakin

"hala" bulong ko ng may pagkamot sa ulo "ehh syempre po meron..." ngiti ko naman

"hahaha, wala ka bang pinopormahan? ikaw ha! bumibinata na ha!" kanchaw niya

"hahaha, meron naman po..." kamot ko nalang sa ulo

"oh? talaga? sino? kilala ko ba?" tanong niya "ay, hinde sige, okay lang kahit wag mo na sabihin... i respect your privacy" ngiti niya,

tumayo na siya at bumalik sa labas. niligpit ko na ang pinagkainan ko at tinuloy ang panonood... itext ko kaya siya?

'gud morning Yaya Dub!! gudluck sa kalye-serye natin mamaya!! hahaha 😄' text message sent ✔️

hala, bakit naman ako kinakabahan bigla? hahaha, kulet... nako... hindi siya nagrereply, galit kaya? kinakabahan din? kinikilig? nakooo...baka ayaw niya akong replyan... or walang load?

'haha morning din 😁 gud luck din sayo!' reply nya, nako masyado lang pala akong atat, nagreply naman pala...

'ah hahaha ano gawa mo?'

'wala naman, nagreready para mamaya...'

"hahaha kaya mo yan! ikaw pa! 😉'

nako, parang natagalan sa pagrereply ah...

'sige kita-kits nalang sa split screen!' text niya...

wala na kaya siyang masabi? baka busy kasi... hayaan mo na nga.

*Maine's P.O.V.*

'hahaha Aldub you...' ay wag na nga... erase erase erase 'sige kita-kits nalang sa split screen!' reply ko

nakakainis, hindi ako makapagtext na mukhang hindi umaasa kaya pinutol ko na yung text... mukha talagang interesado siya saakin kaya lang baka iniisip ko lang to dahil gusto ko siya, YAN TAYO EH! pati ang alam ko talaga eh hindi kami pwede mag-usap, so texting is a major NO-NO. Pero itatago naman ako ni Lola Nidora mamaya, kaynis. Di ko nanaman makakamoment si Alden mahlabs-- ay mahlabs tuloy, si Alden... itext ko nalang ulit!

'psst, thanks sa boquet nuong weeksary! 💐' text ko

'ah, yun ba? wala un! welcome 😍' reply nya agad

HALA! MAY HEART! NAKO JUSKOOOO!! 🙀🙀🙀

'busy ka ba o ayaw mo lang talaga ako kausap? hehehe 😊' sunod niya

sabi ko na nga ito yung iisipin nun eh, azzaar...

'hinde, kasi sabi daw di tayo pwede magkita...' reply ko

'sabi hindi tayo pwede magkita pero nagtetext lang naman tayo 😉'

'pero pumunta ka sa bahay after show nuong weeksary diba?...' text ko naman

'hayaan mo na yun! wala namang makakaalam! pati wala naman tayong ginawa no! 😁😅😂'

'... 😐 ... awkward' text ko, aaminin ko... kinikilig talaga ako! hindi ko mapigilan! kahit inaalis ko yung ngiti ko maya-maya bumabalik talaga!

'ikaw ba? busy?' tanong ko

'hinde naman... kausap naman kita hihihi' sagot niya

'ayeee, kakilig. nako, dyan ka na nga mainlababo pa ko sayo jkjkjk'

HAY JUSKO, ANO BA ITONG TINEXT KO?!!??!!?

'ay, sige na nga hahaha'

'see you nalang sa split screen! 😘' message sent ✔️

HALAAAAA!! MAY KISS EMOTICON PA NA NASAMA!! ANO BANG NANGYAYARI SAAKIN?! NABABANGAG NA AKO! JUSKOOOOO! NASOBRAHAN YATA AKO SA KAPE!! JUSKOOOOOOOO NAMAN!! asdfghjkl aaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!

maya-maya lumipas na ang kakilig-kilig na kalye serye, nakakainlababo talaga... kahit ayaw kong umasa nanduon na eh, pakitang motobo din tong si Alden eh... hindi mo malman kung ano ba talaga! tumunog ang iPhone ko at chineck ko kung sino.

'cute mo kanina hehehe 😊' galing kay Alden

Napangiti naman ako ng bonggang bongga duon

"oh Maine! makangiti ka diyan wagas wagas ah!" Bati ni Kuya Wally

"abot tenga ba?" dagdag ni Kuya Paolo

"sino ba yang katext mo?" tanong saakin ni Kuya Wally, umupo siya sa tabi ko at tinago ko agad yung phone ko

"wala po!" ngiti ko nalang

"ohoooo ikaw ha! lumalablayf ata?" pangaasar niya na may kasamang panggigitgit sa braso ko

'Maine! kain tayo?' text ulit ni Alden

'hindi nga tayo pwedeng magkita 😑' reply ko nuong pagkaalis ni Kuya Wally. pero yung totoo gustong gusto ko na rin siya makita...

'ah oo nga pala hehehe 😁😁😁' text niya ulit

"Kuya Wally!" tawag ko sa kanya

"oh bakit?"

"may nasabi po ba si direk kung kelan yung tamang panahon? hehehe" ngiti ko

"ayuuuuun! inaantay nga ang tamang panahon!!" singit ni Kuya Jose

"hahaha, eh wala pa eh... go with the flow lang din ako dito eh" kamot niya sa ulo

"ah, sige po salamat... sige mauuna na rin po ako at baka gabihin ako" sabi ko at tumayo na rin at sumakay sa van

The DubstoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon