Chapter Twelve - Day 21 (May Nakakaalam Na!!)

668 18 2
                                    

*Alden's P.O.V.*


'Calling... Maine'

Hala... Ayaw niyang sagutin... Pagkatapos ng show ay tinawagan ko agad si Maine pero hindi siya sumasagot. Ano kayang nangyari dun? Hinimatay siya obviously, pero bakit?? Nakakainis! Kung kelan na kami magkikita nangyari pa iyon!!

'Calling Maine... No Answer' nagaalala na ko

'Incoming call... Rita' oh, bat bigla naman tumawag to

"Hey!" Bati ni Rita

"Let me guess, your gonna ask if scripted yung nangyari or ano ang nangyari tama??" Tanong ko

"Nope, i think i know why though... Pero hindi iyon ang reason! Kukumustahin kita!"

"Ha? Wait, you said you know why??"

"Yeah"

"Why??" Tanong ko, nacucurious sa isasagot niya

"Ha, i never imagined my opinions mattered to you!" Tawa niya

"Of course it does!" Sabi ko naman

"Well, ayaw niya sigurong magtapos ang career niya sa eatbulaga and or wanted to extend her currently famous career knowing na kapag na meet ka niya magkakaroon na ng limit ang career niya plus, i heard na secret dream niya yan so maybe she does wanted to extend things~~" explain niya

"W-wow... That's some explanation..." Nabigla ako...

"Maybe her short time career is more important than meeting you..."

"So your saying she wants to extend her short time career??" Tanong ko

"Mhmm"

"Im pretty sure Maine's not like that" depensa ko

"I knew my opinions never mattered to you... Geh mamaya nalang" sabi niya sabay end call

... Anyare? ...

*Rita's P.O.V.*

HA! good thing he bought that subject agad, maybe I'm right though... What does social climbers do anyway?? Use someone to be famous, im pretty sure she's using him...

'Incoming call... Alden'

"Teh, someone's calling you!" Sabi ni Julie habang umiinom ng kape sa harap ko, beanery.

"Ah, hayaan mo lang" sabi ko

Tinignan niya kung sinong tumatawag at biglang napasimangot

"S-si A-alden pala oh" mahina niyang ngiti

"Yeah, galit pa ko sa kanya so..."

"Nililigawan ka ba niya?" Diretsong tanong ni Julie

Hah, hit two birds with one stone. Dalawang babae sa isang plano...

"Yes"

*Wally's P.O.V.*

"Hala, okay na si Maine? Nasaan si Maine??" Panic ko habang hinuhubad ang wig at nagbubura ng make up

"Okay na okay lang siya, sinugod na sa ospital" sabi ng isang staff

"Binulong na niya sa akin kanina eh, dapat naagapan!" Sabi ni Jose

"Sige na kumalma muna kayo" sabi ni Paolo

Umupo muna kami habang binubura ang make up, maya maya ay may tumutunog na iPhone

"Oh! Naiwan ni Maine yung phone niya!" Sabay kuha ng phone

'Incoming Call... Alden'

Hala, Alden?? T-tumatawag si Alden sa kanya? Seryoso??

"Sinong tumatawag??" Tanong ni Paolo

"W-wala, hindi ko naabutan" sagot ko habang binaba ang phone ni Maine

"Baka parents na niya... Nako nagaalala na siguro yun" sabi naman ni Jose

"Oo nga, tawagan niyo kaya"

"Eh wala naman akong number nila... Sila direk nalang bahala"

'Incoming Call... Alden...' Tunog ulit ng iPhone ni Maine

"Oh Wally sagutin mo na kung parents niya" sabi ni Jose, palapit na siya kaya kinuha ko nalang ang phone at sinagot

"Maine?! Anong nangyari?! Okay ka lang?!" Pasigaw na tanong ni Alden

"Ah, tita yes si Wally po ito..." Sabi ko at sa sandaling iyon eh napahinto si Alden sa pagsasalita

"Kuya Wally?! Nasaan po si Maine?! Ano pong nangyari?!" Tanong niya ulit ng tuloy tuloy

"Yes tita, she was sent to the nearest hospital po kasama ng ibang staffs" sagot ko at dumistansya nang kaunti kila Jose at Paolo

Hindi sumagot si Alden, siguro nakuha na niya ang ginawa ko kaya inend ko na ang call. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko ang sarili kong itago and sikreto na ito... Dapat siguro hinayaan ko nalang na makita ni Jose pero hindi, merong something sa loob ko na nagsasabing isang malaking sikreto ito...

"Sino yun?" Tanong ni Paolo

"N-nanay ni Maine" sinungaling ko "k-kinukumusta yung nangyari" dugtong ko pa

"Ha? Hindi man tinanong kung saang ospital??" Sabi ni Jose na parang nagdududa

"H-ha?!" Nagpapanic kong tanong at saka ko lang naintindihan ang sinasabi niya "ipapa-text ko nga kay direk eh... Kalma" ngiti ko

Hindi ko talaga alam kung bakit pinagtatakpan ko si Maine at Alden... Parang napakahalaga na wag nilang malaman ito... Teka, may nangyayari na kaya kila Maine at Alden?? Hala~~


The DubstoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon