CHAPTER 5 - 7

139 8 0
                                    

Chapter 5: Deal

Witch tara na!” sabay akbay niya sa akin.

“At saan naman lakad naten ha?”

“Kahit saan, gusto mo Eastwood tayo o kaya naman BGC?”

“Gusto ko mag pahinga! Pinagod mo ako ngayong linggo!” napagod talaga ako huhuhu

“Nag paalalam na naman ako kila Tita eh, sabi nila okay ka lang daw. Please pumayag na na?”

Hindi. Ayaw ko masasayang oras ko sa monster na tulad mo!” sabay piglas dun sa kamay niya na nasa balikat ko.

WHAAAAAT? Siya mismo nag paalam kay mom at dad? Close sila? No way! Hindi pwede yun.

“Sayang ililibre pa naman kita ng ice cream” nag wistle siya na parang nang iinis nanaman.

“Eh!” kahit anong suhol pa yan di ako sasama, may lakad pala kami nila Kaye. Dahil sa mokong ‘to hindi na kami nakakapag gala. Lagi niya kasing hinaharangan eh, di ko nga alam anong pinakain niya sa mga yun at pinagkakalulo na ako.

*sigh* “anong tinitingin tingin mo dyan ha?” Pag tataray ko sa kaniya. Naiinis ako kapag tinitingnan niya ko ng mata sa mata. Feeling ko natutunan na ako o kaya niluluto ng tingin niya. Jusko lord!

“wala naman. Ililibre na din sana kita ng new movie ngayon plus may super fries ka pa” panlilinlang nanaman niya sakin. Akala niya siguro madadaan niya ako dun. Pero hindi! Hindi... Hindi ako sure kung makaka hindi ako hahaha.

“tama ba narinig ko? Super fries?” yung kina-aadikan ko na pagkaen sa lahat. Kahit wala ng rice at chicken basta may ganun masaya na ako!

Tumango siya sa akin habang dahan dahan na nag lalakad.

“DEAL!” walang pag aatubili na sinabi ko yun sa kaniya.

Ewan ko talaga anong meron ‘tong lalaking ‘to at napapayag ako kahit ngayong sabado lang pahinga ko at pati ang parents ko napapayag niya. Naks, anong sekreto nito? E dati may nagyaya ng date sakin halos ipalapa ni Dad yun sa aso namin na si Cheenee.

Hindi naman talaga date ‘to, ang ilusyonada ko talaga eh!

Chapter 6: War

Kinabukasan.

Maaga ako umalis ng bahay para mag execise. Friday ngayon at wala kaming pasok dahil holiday. Dumiretso sa park at sinalpak na ang aking earpods.

Hindi ko napansin na kasabay ko na pala si Ethan sa pag jogging.

"Heeey! Ikaw pala yan Careen. Don't forget the date okaay?"

“Kapag umulan di ako sasama” sabi ko sa kaniya nandiretso pa din ang tingin sa daan. Kunwari nag doubt pa ako sumama. Hahaha pa hard to get kuno. Pweee

“Pero what?! Unfair naman yun sakin diba?”

“Unfair your face!” sabay binilisan ko na ang pag takbo.

Sa kaunting katahimikan naala ko na bumili na pala sila ng bahay at lupa dito sa village. Mas lalong malapit dahil isang bahay lang ang pagitanp! Diba ang saklap nun? Last week lang sila lumipat. Bukod sa araw-araw ko pa siyang makikita, wala na akong takas sa kanya. Jusko! Kaimbyerna talaga kasi eh.

Naglakad na ako pauwi na sana ng bahay.

“Sinusundan mo ba ako?” narinig kong tanong niya. Nakatalikod pa din siya sa’kin tapos biglang hinarap yung ulo niya sa direction ko. Naunahan na pala niya ako.

50th personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon