18 - Room 309

103 2 0
                                    

"Yen. Nandito na tayo." Marahang gising sa akin ni mama sa mahimbing na pagkakatulog ko sa Van. Whew! Nakatulog nga talaga ako sa biyahe.

Pagkagising ko. Ako nalang pala nasa Van, sila kasi busy na sa pagkuha ng gamit mula sa likuran ng van. Wala narin yung dalawa sa tabi ko kanina.

Napasilip ako sa likuran. Nakabukas kasi yung pinto sa likod kasi nga diba kinukuha nila yung mga maleta.

Binubuhat ni Jap yung isang maleta then si Yona, ayun, nakatayo sa di kalayuan, mukhang hinihintay si Jap. Tss. Edi kayo na!

*sigh*

*yawn*

Naginat inat muna ako bago bumaba. Ansakit ng ulo ko. Natulog naman ako pero parang nakakahilo yung biyahe. Aish. Pinupukpuk pukpok ko nanga yung ulo ko habang pababa ng van. Grabe! Parang binibiyak. Pero siguro pagod lang to. Kailangan ko lang ng pahinga.

After maibaba lahat ng gamit namin e may mga lalaking nagbuhat agad nito. Hmmm. Teka nga. Nasaan pala kami ngayon?

Aaaaaah. Hotel malamang. Oo nasa hotel nanaman kami. Hay! Mabuti naman. Infairness ang ganda ng labas ng Hotel. Yung harapan. Malawak at ang peaceful. Nangingibabaw yung pagkagreen ng mga damo at halaman. So refreshing!

Pagpasok namin. Ambongga ng pinto! Automatic nagbubukas at naigno naman ako syempre. MWAHAHA teeneng!

"Welcome Mam! Welcome Sir!" Bati nung mga hostess ng hotel sa amin.

Nuks! PangGV ang ambiance ng hotel. Narerelax talaga ako. Gusto ko na talagang makapagpahinga. Grabe! Isang oras lang naman yung biyahe from Sabang pero parang pagod na pagod talaga ako. HAHAHAHA hindi kaya nasapian ako kanina at nagwala ng hindi ko alam? HAHA Imba!

Saglit lang naman akong naghintay dun sa couch habang sila mama nagchecheck in saglit lang kasi nakapagpareserve naman sila e.

"Yen. Here's your Room key. 3rd floor, Room 309. Magpahinga ka muna." Inabot sakin ni mama yung susi then tinapik ako sa likod at ngumiti. Ramdam nya ata yung pagod ko. Hehe.

Dumiretso na ako agad sa 3rd floor. Hindi na muna ako namasyal sa hotel. Maraming araw ko pa pwedeng gawin yan e. I first need some rest.

Mukhang lahat man ata sila pagod din gaya ko. Grabe! Di tulad nung kakarating namin, halos parang di kami bumiyahe mula Manila. Di ata nabawasan mga powers. Pero ngayon? Lantang gulay. Haaaaay! Baka nagutom lang sa biyahe to.

Speaking of gutom. Ano nga kayang masarap kainin mamaya para sa tanghalian. Hay! Grabe lang. Gusto kong bumakbak mamaya. May eat all you can kaya sila ngayon dito? Papatusin ko yun.

Humilata na ako agad ako sa kama. Yung gamit ko naman, nauna narin kasi sa akin. In fairness, ambilis ng services nila dito. Steeeeg!

*sigh*

Namiss ko narin palang magGM. Wala na silang update sa akin e. Madami na sigurong nakakamiss sa akin. HAHAHA Chooos!

Kinuha ko na agad yung phone ko sa bag.

Ang Ooops! Kita mo nga naman. Tambak pala yung message na nagsisipagdatingan. Madalang kasi sa biyahe yung signal e. Kaya eto napuputakte na ako ng mga delayed messages.

Puro GM. GM. GM ng mga tao. Pero may isang unknown number na nakapukaw ng atensyon ko. Agad kong binuksan yung message.

[Can I call you later? :)]

From: 09*********

Huh? Ai wait! Kilala ko tong number na to e. Pero para makasigurado ako, tinignan ko nalang sa Call Register ko. At chukchakchenis. CONFIRMED! Si Jet nga yun.

Bato Bato PickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon