5 - Buhangin Fight

199 1 2
                                    

"Yen. Halika. Kumain ka na." tawag sakin ni tita Mai.Tss. At ayun. Nakita ko agad ang kutong lupa na si Jap. As usual. Tumatawa habang nakatingin sakin.

Gagong to. Manyak ang puga!

Umupo na ako para kumain ng almusal.

Tss. Pesteng surot to. Nakakawalang ganang kumain. Ngiti parin ng ngiti.

"Jaaaaaaaap!" sumigaw ako bigla.

Tapos nagtinginan yung ibang kumakain pati narin sila mama.

"Yen?!" bulong sakin ni mama.

"bakit?" sagot ni Jap habang pigil sa tawa at akala mo walang alam.

"Tumigil ka nanga! Ang manyak mo!" sagot ko.

"Are you insane Yen?" sabi agad ni Yona nung nagsabi ako ng ganun.

"shut up Yona!" nagantihan ko din.

Tss. Tameme sya.

"bakit Yen? May problema ba?" tanong sakin ni Tita Mai.

"eh kasi naman tita ya---" magsasalita na sana ako nung biglang sumabat si Jap.

"Ahm. Ma wala po. Wala yun. Nagbibiruan lang kami." sagot agad ni Jap.

Tapos nilakihan agad ako ni Jap ng mata. Tss. Kahit hindi naman talaga lumalaki mata nya. Tss. Pesteng singkit to.

"mamaya nalang po ako kakain." sabi ko sabay tayo sa upuan.

"Yen san ka pupunta?" tawag sakin ni Mama.

"magpapahangin lang po." sagot ko.

"kumain ka muna." sabi ni Tita Mai.

"Mamaya nalang po tita." sagot ko tapos nagpatuloy na maglakad.

---

"Bwesit talagang Jap yun. Eeerrr! Sana hindi nalang ako sumama. Sana naiwan nalang ako sa airport. Tss. Atleast sana kung naiwan ako tinulungan pa ako ni Jet at baka mas naging mas close pa kami. Kakainis talaga." sabi ko sa sarili habang sinisipa sipa yung buhangin.

"eeeeerrrr!" sigaw ko habang full forced na sinisipa sipa yung buhangin.

"araaaaaay!" syeeee! Napuwing pa ako. Peste! Nakakainis talaga!

Bwesit talagang Jap to. Kung ano anong kamalasan tuloy ang nasasagupa ko.

Syeeete! Wala akong makita! Pesteng buhangin to. Bat pa kasi may buhangin sa mundo. Kainis!

"eeerrr! Ay heyt yu Jaaaaaaap!" sigaw ko sa kawalan habang pilit na tinatanggal yung buhangin sa mata ko.

Potek. Wala akong makita. Di ko alam kung san ako pupunta. Tuloooong!

"ay pusang kinal---" What the F! Muntik pa akong madapa ha.

Banas talaga! Buti nalang may nakahawak agad sakin.

Ha? Sino naman kaya itong bayani na to?

Huwaw! Kahit puro kamalasan. Palagi namang nagkakatagpo ng tagapagligtas. HAHAHA

Pantasya mode muna. 

Sino ba to sya wala akong makita naman kasi. Sana naman gwapo to sya. HAHA poging superhero ko.

"okay ka lang?" tanong sakin nung lalaki.

"ha? Ah. Okay na sana. Kaso hindi e. Yung mata ko kasi." sagot ko.

"akin nanga." sabi nung lalaki sabay naramdaman ko nalang na iniihipan nya na yung mata ko.

"aray aray." sabi ko.

Bato Bato PickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon