14 - Who Saved Who?

89 0 0
                                    

"Tulong! Tulong!"

Patuloy parin akong nalulunod.

Parang walang namang nakakakita sa akin.

Parang kahit anong sigaw gawin ko walang makakarinig sa akin.

Anlalaki ng alon.

Mauubusan na ako ng hangin.

"Tulo---ng! Tu-----lo-----ng!"

Hindi na ako makahinga.

*hingang malalim*

Syeeeeeeet! Nananaginip lang pala ako.

Pero nasaan ako?

"Yen? Anong nararamdaman mo?" May boses agad na nagtanong sa akin.

"O-o-okay na ako." Sagot ko.

Nung maklaro na sa akin yung mukha nung kumausap sa akin, si Jap.

Anong ginagawa nya dito?

Ano bang nangyari?

[FLASHBACK]

Anlalaki ng alon, sarap maligo yihiiiiii!

Dito lang ako sa mababaw. Mamaya malunod pa ako.

HAHAHA

Anubayan! La manlang thrill! Dun nga sa malalim lalim konti. Para makapagswimming swimming chuchu ako. HAHAHA

[END OF FLASHBACK]

Ah! Kaya naman pala.

"Nasaan ako?" Tanong ko.

Pero hindi sinagot ni Jap yung tanong ko, instead, niyakap nya ako bigla.

"Sorry hindi kita naligtas."

Ha? Ano bang pinagsasabi ng Jappo na to? Ano nanaman bang trip to?

"Ano ba----"

"Hindi ka sana hahantong sa ganito. Sorry! Sorry!"

Tinulak ko sya.

"Teka! Di kita maintindihan."

Ang gulo nya ha! Di ko gets. Ever!

Pero nakita ko yung mga bandage sa ulo nya.

"Napano yan?" Tanong ko.

"Ah. Wala wala." Sagot nya pero...

[Flashback]

Habang nagpupumilit akong iligtas ang sarili ko sa malakas na alon na to. May naaninag akong lalaking papalapit sa akin.

Syeeeeeeeeet! Si Jap! Thank you Lord! Mabubuhay pa ako.

Jap. Iligtas mo ako! Please!

Pero biglang....

[End of flashback]

"Sorry. Sa nangyari last last night." Sorry parin ng sorry si Jap.

"Aish. Tumahimik ka nanga. Ingay mo. Sige lumabas ka na magpapahinga pa ako." Sagot ko nalang sa kanya. Nakakaiya at nakakainis!

Muntik na syang mapahamak dahil sa akin, nagpakabayani nanaman kasi sya e! Pabib!

Nakakainis din kasi, kapal ng mukha nyang magsorry sa akin, matapos nya akong sigaw sigaw at hindi ko naman alam yung dahilan.

Tapos...

Ngayon, parang wala lang, sorry lang. Feeler sya..

Pero...

Pangalawang beses nya nanga pala akong niligtas. Aish!

Bushit ka talaga Jappo!

Dagdag ka sa mga iiniisip ko!

"Sige pahinga ka muna." Sabi nya.

Papalabas na sana sya ng kwarto nung pinigilan ko.

"Sandali.."

"Thank you!" Sabi ko habang nakatalikod sa kanya pero nakangiti.

Tapos lumabas na sya ng kwarto.

Jap! Jap! Jap! Kahit gaano ka pala ka sama sa akin. May natitira parin palang bait kahit papano. Hihihihi :))

--------

Thanks for reading! :(

Bato Bato PickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon