''Hesusmaryusep!''
Nag sign of the cross si Mamang lulu ng madatnan niya kami ni Charles Darwin sa ganoong ayos. Napabalikwas agad ako at hinawi ang kamay ni Charles Darwin na nakahawak pa rin sa butunes ko. Ni hindi man lang siya nagulat sa pagdating ng bakla. Samantalang parang hihimatayin na ako sa kaba.
''Pati backstage hindi pinatawad!''
''N-nagkakamali po kayo!'' Sagot ko habang pilit tinatakpan ang nakabukas kong blouse. Nakita ni Charles Darwin ang paghihirap ko kaya tinago niya ako sa kanyang likuran.
''Alam ko ang nakita ko! Dalawang naglalakihang melon! Naku, Liwanag! Mapapatay ka ng nanay mo!'' Namaywang siya habang ang isa niyang kamay ay maarteng nakaduro sa akin.
''Mamang relax...'' ani Charles Darwin. Nagulat ako sa lumanay ng boses niya na parang hindi siya nag-aalala. ''Tinutulungan ko lang siyang makahinga ng maayos''
''Pero yung kamay mo nasa...nasa dibdib niya!? Magaling!'' Pumalakpak siya. ''Ako nga din! Tulungan mong makahinga ng maayos! Naninikip ang dibdib ko!''
Ah?
''Ayoko po!'' Marahas na umiling si Charles Darwin. '' Hindi po pwede!''
''Oo nga po, hindi pwede!'' Hinila ko ang laylayan ng damit ni Charles Darwin at itinago ko siya sa likuran ko. Aba't ang baklang to! Kukumpetensyahin pa yata ako.
Tinakpan ko ang aking dibdib dahil nawawala ang isang butunes nito.
''At bakit hindi?'' Tumaas ang kilay niya.
''Unang-una, wala po kayong dibdib.'' Kinapa tuloy niya ang kanyang dibdib.
''Pangalawa, hindi po magandang tingnan. At pagatlo...uhm...pangatlo...''
''Sabihin mong busy ako.'' Bulong ni Charles Darwin sa akin.
''Busy siya!''
Natigilan ang bakla at parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Naririnig ko ang utak kong nagchachant 'maniwala ka~ maniwala ka~'
Umismid si mamang at taas noong humalukipkip. '' Two minutes na lang! Pag hindi ka pa bumalik sa rehearsal, tanggal ka na.'' padabog siyang nagmartsa palabas.
Narinig ko ang paghinga ni Charles Darwin ng malalim. May phobia ata siya sa bakla.
Hinarap ko siya at nadatnan kong nakapikit siya at malalim na humihinga. ''Okay ka lang?''
''Bumalik ka na.'' Aniya at bumalik din siya sa pagkakabit ng cord.
''Kinuha ka ba ni Konsehala Sita para maging utility man?'' Tanong ko at umupo rin sa tabi niya.
''Two minutes, Isay. Bumalik ka na.''
''May two minutes pa. Magkwentuhan muna tayo.'' Nakita ko ang isang rolyo ng cord malapit sa backdraft. Tinungo ko ito para kunin.
''Tangna, Isay!'' Agad niya akong dinaluhan at inagaw ang may kabigatang cord. Namangha ako dahil walang kahirap-hirap niya itong binuhat. Nakita ko tuloy ang mga pandesal niya sa braso. ''Ano bang ginagawa mo!?''
''Tinutulungan ka para hindi ka na mahirapan.'' Ngumisi ako. Sinundan ko ulit siya sa kanyang pwesto.
''Hindi ko kailangan ng tulong. Lalo na kung manggagaling sayo.''
Ngumuso ako ''bakit naman?'' umupo ako sa speaker kung saan niya ako pinaupo kanina. Uminom rin ako sa tubig na bigay niya. Itatago ko ang bote nito bilang remembrance!
''Kasi babae ka. Lalake ako.'' Sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. Abala siya sa pag-angat ng malilit na speaker sa tuntungan.
''Oh tapos?'' Kumunot ang noo ko. Tiningan ko ang aking relo at may natittira pang one minute.
''Cumlaude ka pero hindi mo makuha ang punto?
Uhm, bukod sa nakakahipnotismo ang kagwapuhan niya, e nabobobo rin ako kapag andiyan siya. Truly love is blind. So...ano nga ang punto?
''Ang punto ay masyado kang pakipot! Ma-pride!'' Bumaba ako sa aking upuan. ''Gusto kita Charles Darwin. Gustong-gusto kita. Mahal na nga kita e! Bakit ba di mo makita yun?''
''Isay...'' bumuntong hininga siya. Tumayo rin siya at hinarap ako. Kita ko ang paghihirap sa mukha niya. Na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi ''tangna naman kasi e!''
''O, tapos minumura mo pa ako?'' Gusto ko ng umiyak! Naiinis ako. Naiinis na ako!
''Hindi kita minumura!'' Nanlaki ang mga mata niya. ''Minumura ko ang sitwasyon. Naiinis ako kasi hindi tayo bagay!''
Aba, kailan pa siya naging si kupido para sabihing hindi kami bagay?
''Makinig ka, Isay...'' sumagap siya ng hangin bago muling magsalita ''Mag-aral kang mabuti. Huwag mo munang isipin ang pag-ibig na yan. Yang nararamdaman mo sa akin ay parang gutom lang yan, lilipas din. At kapag dumating ang tamang panahon, maghanap ka ng lalakeng babagay sayo. Wala kang mapapala sa akin.''
''Pero ikaw ang gusto ko...'' yumuko ako. Kung mababaw lang ang nararamdaman ko sa kanya ay bakit hanggang ngayon siya pa rin? Bakit hindi ko makita na hindi kami bagay? Bakit? Ang nakikita ko lang ay ang pagiging totoong tao niya. Yung magagandang katangian niya. Aanhin ko naman ang lalakeng mapera kung ang sama naman ang ugali?
''Hay! Ang kulit mo naman e!'' Kinamot niya ang kanyang ulo. ''Bahala ka. Sinasabi ko sayo. Wala kang mapapala sa akin. Kung masaktan ka man, hindi ko na kasalanan.''
''O sige. Kung ayaw mo sa akin, kay kuya Estong na lang ak-''
''Anak naman ng!'' Marahas niyang hinampas ang ang speaker dahilan para magfeedback ang mga mic. ''Nilalayo nga kita sa akin dahil ayokong masira ang buhay mo pero mas lalo mo namang nilalapit ang sarili mo sa MAS tiyak na kapahamakan!''
Nagulat ako sa pagsabog niya. Nanlilisik ang mga mata niya si galit.
''Huwag si Estong!'' Aniya sabay hampas ulit sa speaker. Nangangamba ako na baka masira niya ito sa kakahampas niya. Jusko tong lalaking to! Naghahanap ng babayaran!
''Edi si Enrique na lang. Matalino yun at gwapo rin kagaya mo.''''Hindi rin siya pwede! Babaero yun.'' hinampas ulit niya ang speaker. Napapapikit ako sa bawat hampas niya. Nagdadasal na sana ay hindi niya masira. At tsaka ano naman ngayon kung magpaligaw ako sa iba e ayaw nga niya sa akin?
''Kasasabi ko lang na huwag mo munang isipin ang lecheng pag-ibig na yan!'' Namaywang siya. Hindi ko alam pero nasisiyahan na ako sa sinasabi niya. Ayaw niya akong angkinin pero ayaw din niyang ipamigay ako sa iba. Totoo nga yata ang hinala ko. Ipinaglihi siya sa pakipot.
Ngumisi ako. ''Oo na. Hindi na ako magpapaligaw sa iba.''
''Good!'' Aniya at muling binalingan ang kanyang ginagawa.
''Sayo na lang ulit ako magpapaligaw.''
Pumikit siya ng mariin at ilang beses huminga ng malalim. Tila ba kinakalma ang sarili.
''Bumalik...ka na...sa rehearsal'' nakaigting ang panga niya at mabigat ang pagkakasabi niya sa bawat salita habang itinuturo ang labasan.
_itutuloy...
_arlene92_
BINABASA MO ANG
Maginoo Pero Medyo Bastos
RandomKapag ngumingisi siya kinikilig ka, pero pag umandar na ang kapilyuhan niya kikiligin ka pa rin kaya? Hindi siya milyonario. Walang kompanyang pinapatakbo. Walang sekretarya na uso sa mga Billionaire protagonist. Wala rin siyang mustang, chevy, ferr...