''Isa siyang bakla! Lalakeng walang paninindigan!" Hinaing ko matapos hindi matuloy ang paghatid sa akin ni Charles Darwin. Payag na nga akong magpakaladkad e!
''Hoy! Anong binubulong-bulong mo diyan? Nagmumura ka ba?" Tanong ni Mama.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang t.v. Nakakaurat ang umagang ito.''Hindi po,Ma''
''Akala ko kasi minumura mo ako.'' May hawak siyang martilyo at plais. Tila may kinukumpuni. ''Barado ang lababo natin. Kung kailan nakaalis ang kuya mo saka naman nag-alburoto ang lecheng lababo.''
''Kahit naman nandiyan si kuya ay hindi pa rin maaayos yun. Wala naman pong alam si kuya sa ganyan.''
''Kung ganun kukuha na lang ako ng gagawa niyan. E si Gringo kaya?''
Ngumiwi ako. Si Gringo na pinsan ni payaso?
''Mas wala pong alam yun''
''E di Estong. Balita ko siya ang nag-ayos sa sirang gripo ni Nana Sita.''
Mas lalo akong napangiwi. Iniiwasan ko ngang magtagpo ang landas namin dahil naaalibadbaran ako sa kanya.
''Busy daw po siya'' sagot ko.
''Anong busy, e tambay nga siya.'' Namaywang si Mama.
Naalala ko tuloy si Charles Darwin sa sinabi niyang 'tambay'. May raket kaya siya ngayon? Pwede kayang...''Si Charles Darwin na lang, Ma! Magaling yun. Pang all around.'' Nagningning ang mata ko sa pagyayabang kay Charles Darwin.
''Ay oo nga no? Mas tambay ang isang yun kaysa kay Estong''
Napawi ang ngiti ko sa tinuran ni Mama. Maka-tambay naman mama!
Nagprisinta ako na, ako na ang tatawag kay Charles Darwin kaya lang pinigilan ako ni Mama. Sabi niya siya na lang daw total ay pupuntahan daw din niya si konsehala. Gusto niya akong isali sa beauty contest sa darating na pista.
Kahit ayaw ko pumayag na lang ako. Naisip kong isang pagkakataon na naman ito para mapanganga si Charles Darwin sa kagandahan ko.Nagmadali akong nag-ayos ng sarili para sa pagdating ni Charles Darwin. Gusto kong presentable akong masilayan niya. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya tinatablan ng kagandahan ko samantalang ang damimg patay na patay sa akin.
Naglagay ako ng kaunting lipstick. Halos ipanligo ko pa ang pabango para siguradong maamoy niya ako. Magmimistulan siyang bubuyog na naaakit sa bulaklak!
Kumalampag ang gate tanda na may taong dumating. Sinulyapan ko sa huling pagkakataon ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto.
Ngising aso ako ng makita ko sa Charles Darwin na nakabuntot kay Mama. May dala siyang gamit sa pagkukumpuni.Pero bago ko pa man mabati si Charles Darwin ay sumingit kaagad si Mama. ''Dun ka sa taas, Lisa. Maglinis ka dun.''
Bumusangot ako. Tiningnan ako ni mama na parang alam niya ang iniisip ko.
''Ma naman... kanina pa kayo linis ng linis dun eh. Magluluto na lang ako.''
Pinili ko talaga ang trabahong may kinalaman sa kusina. Para-paraan na to.
''Hindi ka kaya marunong magluto.'' Tumaas ang kilay niya. ''Aynaku, tigilan mo ko Lisa. Papunta ka pa lang pabalik na ako. Kala mo siguro hindi ko alam na sinadya mong si Darwin ang kunin ko.''
Nahiya ako sa sinabi ni mama. Nahihiya ako dahil walang preno ang bibig niya. Parang wala si Charles Darwin sa likuran niya kung magsalita. Nasasaktan tuloy ako para sa kanya.
Kaya kahit labag sa kalooban ko ay sinunod ko ang gusto niya. Nagkulong ako sa aking kwarto. Sayang ang lipstick ko! Naghanda pa naman ako para ipangalandakan kay Charles Darwin ang kagandahan ko.
BINABASA MO ANG
Maginoo Pero Medyo Bastos
DiversosKapag ngumingisi siya kinikilig ka, pero pag umandar na ang kapilyuhan niya kikiligin ka pa rin kaya? Hindi siya milyonario. Walang kompanyang pinapatakbo. Walang sekretarya na uso sa mga Billionaire protagonist. Wala rin siyang mustang, chevy, ferr...