''Kapag akoooo ay nagmahaal, umiyak man ako, hindi ko ito ikakahiyaaa~ Hindi matatakooot, hindi maghahangaaaad ng anumang kapaliiiit~''
''Pwede ba Brenda? Tumigil ka, ang pangit ng boses mo!'' Tinakpan ko ang aking tenga para hindi marinig ang pag-alulung niya. Boung byiahe siyang kumkanta at ang sakit na sa tenga.
''Nagprapractice ako para sa talent portion. Palibhasa, wala ka kasing talent!'' Umingos siya at tinalikuran ako.
Papunta kami ngayon sa isang bayan sa Zambales kung saan nakatira ang mga katutubo. May outreach program ang mga kandidata sa pageant. Isa daw ito sa mga kailangan naming gawin. Nagtataka nga ako dahil pang baranggay lang naman ang contest pero dinaig na namin ang Bb. Pilipinas pageant.
Maglilinis at magdodonate daw kami. Kasama siyempre si Charles Darwin. Tagabuhat ng mga bag at iba pang kakailanganin. Pati nga si Kuya Estong rumaket din.
''Dapat sama-sama lang tayo. Walang maghihiwalay!'' Sigaw ni konsehala. Oo, siya ulit ang punong abala.
''Dapat may kapareha ang bawat isa!'' Sigaw naman ni mamang Lulu.
Kinuha ko ang isang bamboo stick para may suporta ako kapag umakyat na kami sa bundok. Sina Charles Darwin naman ay may buhat-buhat na box ng school supplies. Kasama niya sina kuya Estong and friends.
''Angel and Marian.'' Sabi ni mamang. Hawak niya ang isang papel na kinalalagyan ng pangalan namin. ''Antonette and Rica. Isabel and Bianca.''
Hinampas ko ang lamok na dumapo sa aking binti. Anak ka ng- nakalimutan kong magdala ng insect repellant! Maiksi pa naman ang shorts ko.
''At pang huli... Liwanag at Brenda.''
''ANO!?'' pareho kaming umalma ni Brenda.
''Mamang! Ayoko!'' tila batang nagdadabog ang payaso. ''Ayoko sa kanya!''
''Ayoko rin sayo, ano! Wag ka nga! Kala neto.'' umismid ako. Dibdiban kita makita mo.
''Wag ng magreklamo! Kailangan na nating simulan ang pag-akyat para maaga rin tayong makarating sa destinasyon natin.'' ani konsehala. Palihim niyang isinuksok ang tabako sa kanyang suot na bra.
Nagsimula na kaming maglakad. Hinahawi ko ang mga damo at bato gamit ang tungkod ko.
''E kasi naman! Pa-sosyal tayo masyado! Pa-outreach-outreach pang nalalaman.'' umingos si Antonette. Nahihirapan siya sa pagtawid sa hanggang tuhod na ilog. ''Pero yung pondo nagkukulang naman.''
''Ingatan ang buto, Antonette. Baka kumalas!'' Sagot ni konsehala. Narinig pala niya ang reklamo ni Antonette. Inaalalayan si Konsehala ng mga mountain guide.
Sinasadya ko namang magpahuli para makasabay si Charles Darwin na mukhang hindi napapagod sa pagbubuhat. Nakita ako ni Brenda kaya nagpahuli din siya. Tumabi rin siya kay Charles Darwin na ngayon ay pinapagitnaan namin.
''Partners tayo kaya hindi tayo dapat maghiwalay.'' Sabi niya sa akin pero sa t-shirt ni Charles Darwin siya kumapit.
Hindi rin ako nagpatalo, kumapit din ako sa t-shirt niya. Sumimangot naman si Brenda sa ginawa ko.
''Isay...'' malumanay ngunit may pagbabantang sabi ni Charles Darwin. Ngumuso ako.
Naku! Huwag mong sabihing kakampihan mo si payaso?Pero mukhang seryoso siya kaya bumitaw na ako. Sa inis ko ay mas nauna na akong naglakad sa kanila. Tumitilamsik ang tubig sa pagdaan at nababasa ang shorts ko. Pero wala na akong pakealam. Kay konsehala na lang ako tatabi kahit amoy tabako siya.
Ilang oras din kaming naglakad. Mayayabong ang mga puno kaya hindi masyadong ramdam ang tirik na araw.
''Magpahinga muna tayo konsehala.'' Sabi nung isang guide.
BINABASA MO ANG
Maginoo Pero Medyo Bastos
RastgeleKapag ngumingisi siya kinikilig ka, pero pag umandar na ang kapilyuhan niya kikiligin ka pa rin kaya? Hindi siya milyonario. Walang kompanyang pinapatakbo. Walang sekretarya na uso sa mga Billionaire protagonist. Wala rin siyang mustang, chevy, ferr...