Prologo

1.3K 21 2
                                    

Si Charles Darwin ay isang makisig na mamayan ng Pilipinas. Moreno, maganda ang hugis ng panga, hindi pango ang ilong  pero hindi rin naman masyadong matangos. Katamtaman lang. May mapungay na mata dahil palagi itong nakangiti. Matangkad para sa kanyang edad. At higit sa lahat siya ay isang maginoo.


'' Go Charles Darwin!!!'' Sigaw ko habang winawagayway ang maliit na folder kung saan nakasulat ang magandang pangalan niya. Nilagyan ko pa ito ng maliliit na puso sa dulo.'' Yuhooo! Galing!''


Tumingin sa akin ang lalaking dahilan ng pagwawala ko. Nakangisi siya pero biglang sumimagot  nang makita ang plakard ko.


Lagi siyang sumasali tuwing may basketball game dito sa baranggay. Magaling siya kahit ang mga kalaban niya ay pareho din niyang tambay. Well, minsan may trabaho din naman siya, madalang nga lang ang 'minsan'


''Umuwi ka na, Lisa!'' Sigaw ng kapatid kung nakikipagbalyahan na sa kalaban dahil muntik ng maagawan ng bola. Minura pa niya ang kakampi niyang si kuya Estong dahil nakatungaga saakin imbes na magbantay. ''Tang-ina kapatid ko yan!''


Pawisan na si Charles Darwin pero mas gumwapo pa siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang nakita ko sa lalakeng yan at patay na patay ako sa kanya. Maging si Mama at kuya ay ayaw sa kanya.


Maganda naman ako, kaya maraming nanliligaw sa akin. Kung sa estado ng pamumuhay naman ay di hamak na mas nakakaangat kami kaysa sa kanya. May paupahan si Mama, at si Papa naman ay maganda ang trabaho sa Dubai bilang Engineer. Malaki magpasweldo ang boss niya. Samantalang sina Darwin naman labandera ang mama niya. Ang papa naman niya ay mahina na ang baga kaya madalas sa bahay lang nila, hinihimas ang tupadang manok.


''Nandito ka rin pala'' tumaas ang kilay ni Brenda na nasa gilid ko na pala. May hawak rin siyang placard na ikinausok ng ilong ko dahil nakasulat dito ang pangalan ng Charles Darwin ko!


''Syempre para sa mahal ko!'' Tumaas din ang kilay ko. Iwinagayway ko ng mas mataas ang placard ko. '' Go, Charles Darwin! I-shoot mo na!''


Humagikhik ako ngunit napatigil din ako bigla dahil sa pagmamaldita ng payaso sa gilid ko.


Sina Brenda ang may-ari ng sari-sari store na palaging inuutangan ng nanay ni Charles Darwin.


''Dinidistract mo sya! Hindi mo siya chinicheer!'' Humaba ang pulang nguso ni Brenda at tinaas din ang placard niya '' Go Charlie Baby!''


Ngumiwi ako. Bukod sa naaalibadbaran ako sa presensiya  niya ay nauurat din ako dahil hindi lingid sa kaalaman kong may gusto din siya sa Charles Darwin ko.


''Bat naman siya madidistract? Dahil maganda ako?'' Tanong ko. Bahagyang bumaba ang placard ko dahil naiintriga ako sa sinabi niya.


Ngumiwi din siya at napatigil sa pagchi-cheer.


''Patawa ka! Hindi no!'' Namaywang pa siya. Ang mga kasamahan naming nagchi-cheer din ay napatingin na sa amin. Ang pinsan niyang si Susana na may hawak ng bag na punong-puno ng energy drink ay nakikisa bay din sa pagtaas ng kilay. ''Alam mong ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa buo niyang pangalan. Tingnan mo, wala siyang ibang ginawa kundi ang simangutan ka.''


Napatingin tuloy ako kay Charles Darwin na kasing haba na ng bangs niya ang nguso niya. Tinanong ko siya noon kung bakit ayaw niya sa pangalan niya samantalang nagagwapuhan naman ako. Hindi naman niya ako sinasagot. Kaya kay Kuya ko na lang tinanong. Sabi niya lagi daw kasing tinutukso si Charles Darwin noong nasa high school pa lang sila na 'King of Apes', na agad ko namang iprinotesta dahil wala iyong katotohanan. Kitang-kita naman ang ebidensiya


Maginoo Pero Medyo BastosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon