Pumikit ako. Yung mariin na mariin. Oo naman, kahit patay na patay ako sa kanya ay kailangan ko pa ring magpigil ng sarili. Baka kasi bigla na lang akong magpatuklaw sa ahas niya!
Pero ano kayang itsura, no? Itim? Albino? Mabuhok o kalbo? Nak-nang! Ano ba tong pinag-iisip ko!
"Ch-Charles D-D-Darwin! Maghulos dili ka! Nagjo-joke lang ako!" Pag-iinarte ko.
Pero naririnig ko pa rin ang pagkalansing ng kanyang sinturon. Pati ang nakakaikot-tumbong niyang halakhak.
"O-o na! Hindi na maliit! Malaki na kung malaki! Nagjojoke lang naman ako, e!" Jusko! Mahabaging bathala! Ilayo niyo po ako sa tukso. Pero kung kagustuhan niyo po talaga ito, sige, thy will be done.
Unti- unti kong minulat ang aking mga mata. Pero napanganga ako dahil wala na pala anlalaking pinagnanasaan ko sa aking harapan.
Hinanap siya ng aking paningin at natagpuan siya ng aking mga mata sa gilid ng malaking puno, jumi-jingle!
Pagkatapos ay bigla na lang siyang naglakad palayo . "Let's go, Isay.'' Sabi niya ng hindi man lang ako nililingon.
Muli akong napanganga, hindi dahil sa pag- iingles niya kundi dahil sa hindi man lang niya pagsulyap sa akin! Punyetang pabitin to!
''Uy, sandali!" Pumiksi ako para iwasan ang nga malalaking damo. "Sandali lang naman! Ang bilis mo, e!"
Pero parang wala siyang naririnig dahil patuloy lang ito sa paghahanap sa tamang daan.
"Charles Darwin!" Hinihingal na ako sa pagod. Pero ayokong mawala siya sa paningin ko kaya binilisan ko pa rin ang paghabol. Kahit nahihirapan at nasasaktan na ako ay hahabulin ko pa rin siya! Maghahabol pa rin ako sa kanya!
"Bilis, Isay. Kailangan na natin silang makita."
" Pwede bang konting bagal lang? Ang hapdi na..." ...yung mga sugat ko sa paa.
" Hindi pwede, Isay. " pagsusungit niya ng hindi pa rin tumitingin sa akin. Hinawi niya ang mga malalaking sanga na nakaharang sa daraanan namin.
Nararamdaman kong pupulikatin pa yata ako. Hindi ko na maigalaw ng husto ang mga muscle sa binti ko.
"Charles Darwin, naninigas na ang mga binti ko! Kaya pwede ba kunting bagal lang!?"
''Ako din! Kanina pa naninigas! Kaya kailangan nating bilisan, Isay, para makarating na tayo agad!"
Uhm, hindi ko alam kung bastos ako mag-isip, o bastos lang talaga minsan ang bunganga niya?
Hanggang sa may maulinigan na kaming mga tinig.
"Alisto dapat ang paningin para mahanap agad natin sila!" Si mamang Lulu yun! Sisigaw sana ako para malanan nila ang kinaroroonan namin kaya lang narinig ko ang pag-atungal ni Brenda.
"She's just a waste of time! E, kung hayaan na lang kaya natin si Lisa mamang? Pati si Charlie nadadamay ng dahil sa kanya!" Umalulong si Brenda.
BINABASA MO ANG
Maginoo Pero Medyo Bastos
LosoweKapag ngumingisi siya kinikilig ka, pero pag umandar na ang kapilyuhan niya kikiligin ka pa rin kaya? Hindi siya milyonario. Walang kompanyang pinapatakbo. Walang sekretarya na uso sa mga Billionaire protagonist. Wala rin siyang mustang, chevy, ferr...