Chapter 5

597 9 0
                                    

They went to Forrest House for dinner, the place is so nice and cozy. Richard and Maya opted to eat in the veranda so that they can enjoy the view. They ordered their food and while waiting hindi namalayan ni Maya na napapikit na pala siya while enjoying the evening breeze.

"Relaxing?" si Richard.

"Yes." Huminga pa siya ulit ng malalim.

Nakangiting pinagmamasdan lamang ni Richard si Maya. He really enjoys staring at her especially at times like this. This woman really knows how to appreciate simple things and it makes him love her even more. Nang maramdaman ni Mayang parang may nakatitig sa kanya ay binuksan niya ang kanyang mga mata.

"Bakit?" tanong n'ya kay Richard.

"Anong bakit?" balik-tanong niya kay Maya.

"Bakit mo ako tinititigan?"

"Wala ...I just find you so cute."

She started pouting and his smile widen sa isip-isip ni Richard "ang cute-cute ng misis ko"

"Ikaw kasi hindi ka marunong mag-relax. Puro ka trabaho." Tumayo ito at pumunta sa likuran ni Richard. She covered his eyes using her hands.

"Anong ginagawa mo?"

"Just let me cover your eyes ok... promise relaxing ito." Then she whispers on his ears... "Now inhale, exhale, inhale, exhale. Just enjoy the moment."

Yes it was so relaxing, so relaxing that he leaned against her lower body. He is really enjoying the moment, enjoying her scent, enjoying everything pero ilang sandali pa ng maramdaman niyang medyo itinulak siya ni Maya palayo.

"What? Why?"

"A-andito na ang pagkain natin." Bumalik sa kanyang upuan si Maya and she knows that she's blushing. Mabuti na lang at medyo madilim na kaya hindi napansin ni Richard ang pamumula niya. She too is enjoying the moment, muntik na nya'ng makalimutan that it's just a marriage on paper.

"I will definitely not go back to eat here." Parang batang sabi ni Richard.

"Ha, bakit naman?" tanong ni Maya kay Richard.

"Ang wrong-timing ng service nila dito." Nakasimangot na sabi nito. "Ngayon lang ako nakakapag-relax sa piling ng misis ko naputol pa."

"Alam mo Richard ikain mo na lang yan... gutom lang yan."

Nanahimik na lang si Richard. He doesn't want to push his luck tonight. Gusto niyang maging maaliwalas ang kanilang "dinner-date". Ayaw na niyang maulit ang "konting-tampuhan" na nangyari kanina ng dumating sila sa hotel. This is their honeymoon and he wants it to be memorable for both of them. Nang matapos ang hapunan...

"I have something for you honey." May kinuhang maliit na kahon si Richard sa bulsa nito at inabot kay Maya.

"Kanina baby ngayon naman honey, gusto mo talaga ng "term of endearment" ha." Naiiling na lang na sabi nito habang inaabot ang kahong ibinibigay ni Richard.

"Of course, like I said gusto kong may nicknames tayo for each other 'coz we're married and napag-isip-isip ko na you we're right kung baby ang itatawag ko sa'yo baka nga naman sabay kayong tumingin ni Abby sa'kin malito ang bata."

Natawa na lang si Maya sa sinabi ni Richard. Ayaw na niyang makipagtalo dito dahil alam naman niyang hindi siya mananalo. "So HONEY ano na naman ito?"

Nangiti si Richard ng marinig ang salitang "honey" sa bibig ni Maya. "Just open it."

Binuksan ni Maya ang maliit na kahon at natigilan siya sa nakita. The box contains a bracelet with their names engraved on it.

"Do you like it? I also have one and I'm wearing it right now." Ipinakita ni Richard ang suot na bracelet na kaparehas ng ibinigay niya kay Maya.

"I like it, actually I love it. Thank you!" Hindi niya maitago ang tuwang nararamdaman niya.

"Here let me put it into you." Isunuot niya kay Maya ang bracelet na bigay sabay sabing... "There you go. Bagay... parang tayo."

Natawa na lang si Maya sa sinabi ni Richard. "Alam mo ikaw magmula ng makasal tayo naging palabiro ka na. Asan na ba yung seryosong Ser Chief? Pero in-fairness masarap makasal sa'yo ha sweet ka pala." At natawa na lang ulit si Maya. "Ano let's go?"

"O-ok." Pilit na ngiting sabi ni Richard.

*******************

Kanina pa nakaupo sa gilid ng kama si Maya, hindi siya mapakali. Iniisip niya kung paano ang gagawin kung ganung iisa lang ang kamang nasa kuwartong tinutuluyan nila ni Richard. Kaya naman lalo siyang nataranta ng lumabas na ng washroom si Richard.

"Don't worry di ako diyan matutulog." Ang sabi nito kay Maya ng makitang di ito mapakali. Kumuha ito ng extrang kumot mula sa cabinet at inayos ang sofang balak tulugan.

"Pero Richard di ka magkakasya diyan. Di komportable para sa'yo."

"Mas ok na rito kaysa sa sahig." Sagot nito kay Maya.

Lalong na-guilty si Maya sa sagot ni Richard sa kanya. Oo nga naman hindi sanay ang isang Richard Lim na matulog sa lapag. Tumayo siya sa kinauupuan sabay sabing "OK, OK... d-dito ka na rin matulog sa kama."

Nabigla si Richard sa narinig kay Maya. Humarap siya dito sabay tanong "Are you sure?"

Tungo lang ang naging sagot ni Maya sa kanya.

Tumalikod ulit si Richard para ituloy ang pag-aayos sa hihigaang sofa. "Napipilitan ka lang yata eh, ok lang ako." Hindi niya mapigilang di ngumiti.

"Ricardo magpapapilit ka pa ba?"

"OK, OK madali naman akong kausap eh." He went on his side of the bed at pasalampak na humiga."Yes... this is what comfortable means." Nakangiting sabi nito.

Naiiling na lang si Maya sa inasal ni Richard, minsan talaga may pagkaisip-bata ito. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang napakaseryosong si Richard Lim ay may ganitong pag-uugali pero ok lang din dahil she finds it really cute. Tumayo siya para kunin ang ilang throw pillows na nasa sofa at dinala sa kanilang kama. Sinisimulan na niyang ilagay ito sa pagitan nila ni Richard ng dumilat ang huli at nagtatakang bumangon.

"What are you doing?"

"Nilalagyan ko ng harang." Ang simpleng sagot niya kay Richard.

"But why?"

"Richard..."

"Ok na, alam ko na." Patalikod siyang humiga ulit sa kama. Ayaw na niyang marinig ang reason nito na they are only married in paper.

Pinabayaan na lang ni Maya si Richard, ayaw na niyang makipagtalo dito at ulit-ulitin ang rason kung bakit sila kinasal. When she called his name again and he didn't answer minabuti na lang niyang patayin ang ilaw. Gusto man niyang kiligin o kaya naman ay bigyan ng malisya ang mga ginagawa nito ay ayaw na niya. Tapos na ang mga araw ng pagiging assumera n'ya. Ilang beses na ba siyang pinahamak ng pagiging assumera niya lalo na nung yaya pa siya ni Abby. Ayaw na niyang umasa pagkatapos ay wala rin naman.

Saka lamang muling dumilat si Richard ng maramdaman niyang pinatay na ni Maya ang ilaw. He really wanted her to know that he loves her through his actions pero mukhang mahihirapan talaga siya dahil lahat ng ginagawa o sinasabi niya ay ginagawang biro ni Maya. Pero hindi siya susuko he loves this woman at kung "crush" lang ang nararamdaman ni Maya noon para sa kanya sisiguraduhin niya na ma-iinlove ito sa kanya bago matapos ang isang taon.

to be continued...

-roxygirl5-



Of Love and MarriageWhere stories live. Discover now