Chapter 4

593 7 2
                                    

Dumating ang araw ng kasal at tulad ng kahilingan ni Maya isang simpleng kasal lamang ang nangyari kasama ang kanilang mga pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Richard is patiently waiting for his bride at the altar and when he saw her walked down the aisle with her father, he knows right there and then that he wants this marriage to last forever. He just stares at her, amazed on how simple but elegantly beautiful Maya is. He really loves this woman... kung kelan nagsimula hindi na niya alam.

He is just so disappointed with himself, kinailangan pang gisingin siya ng kanyang ina sa pagiging mabagal niya, sa pagiging tulog niya at sa kung ano mang nararamdaman niya para dito. Kinailangan pang magkasakit ito para hingiin ang isang bagay na alam naman niya sa sariling gusto rin naman niya. And he thanked his mom and God for giving him a chance to love Maya and to marry her.

********

Maya nervously walks down the aisle with his father on her side. IIsang tao lang naman ang unang hinanap ng kanyang mga mata and that is Richard Lim. Napabuntung-hininga siya ng makita ito, there he is... so perfect in his black tuxedo. She felt butterflies on her stomach... iba talaga ang dating ng isang Richard Lim, para siyang isang teenager na kinikilig dahil nakita ang crush n'ya. Ang kaibahan lang niya hindi lang crush ang nararamdaman niya towards him. He really loves this man kaya naman iniwan niya sa hotel ang kung ano mang lungkot na nararamdaman niya sa isiping isang taon lamang ang itatagal ng kasal nila. Richard Lim will be her husband for a year... siguro for now tama na muna yun, she just wanted to enjoy the moment. She then smiled and walk towards the man waiting for her in the altar.

***********

"You may kiss the bride."

He really wanted to kiss her... on the lips. It took a lot of effort on his side but he promised her and siya ang tipo ng lalaking ginagawa kung ano ang sinabi niya. Kaya naman nagkasya na lang siya na halikan si Maya sa pisngi nito.

***********

She knows that he asked him not to kiss her on the lips but deep-inside she is hoping na sana kahit ngayon lang hindi tuparin ni Richard ang pangako nito sa kanya. But then again he is a man of his word kaya naman kahit nalungkot siya ng halikan lang siya nito sa pisngi ay lalo siyang humanga dito.

***********

"Talaga bang kailangan nating gawin ito?" tanong ni Maya kay Richard habang pababa sila ng hagdan.

Pupunta sila ng Baguio para sa kanilang "honeymoon". Ang unang plano ni Richard ay out-of-the-country pero hindi pumayag si Maya dahil magastos daw. Tutal naman daw ay maraming magagandang lugar sa Pilipinas kaya napagkasunduan nilang balikan ang Baguio.

"Baka naman kasi mahalata tayo kung hindi tayo mag-hohoneymoon." Sagot naman ni Richard kay Maya.

"O Richard mag-ingat kayo ni Maya sa biyahe ha." Si Manang Fe.

"Mama hindi po ba talaga puwedeng sumama?" si Abby.

"Abby it's dad and mama's honeymoon... di puwede ang mga bata dun." Paliwanag ni Nikki sa kapatid. Makahulugang ngiti naman ang binigay niya sa kanyang mama Maya.

Di maiwasan ni Maya ang di mamula dahil sa ngiting ibinigay ni Nikki sa kanya. "O basta Luke ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo ha. Kung may emergency just call us and babalik kami kagad ng daddy n'yo ok."

" Of course ma babantayan ko ang dalawang 'to. Don't worry just enjoy your honeymoon." Sabay kindat naman nito sa ama.

Isa-isang yumakap ang mga ito sa mga magulang at nag-paalam. Tulad ng dati hindi natulog si Maya sa biyahe kahit ilang beses pang sinabi ni Richard na magpahinga siya. Parang hindi sila mauubusan ng kuwento sa isa't-isa... this is what she loves about Maya masarap kakuwentuhan, masarap kasama... masarap mahalin.

***********

Sa El Cielito Hotel sila tumuloy. Si Maya ang naghanap nito via internet ng malaman nitong sa isang mamahaling hotel binabalak ni Richard na tumuloy. "It's not the place Richard, ang importante ang kasama mo." Ang sabi ni Maya sa kanya and who can argue with that?

Sinalubong sila ng isang tauhan ng hotel para kunin ang mga gamit nila and guide them to the reception area.

"Good afternoon sir, ma'am." Bati ng receptionist sa kanila.

"Good afternoon, we have reservation here for Mr. and Mrs. Richard Lim." Si Richard.

"Let me check it sir." Ilang sandali pa. "Yes sir. You have made a reservation for an Executive Suite. Let me just get the key card and..."

"Ah miss wait lang hindi yan ang pina-reserve ko. Deluxe Room lang with two be—"

"Yes miss you got it right. Just give me the key card so that we can go to the room. Baby, pagod na ako... let's go." Agad niyang kinuha ang kamay ni Maya at hinila na ito papunta sa kanilang kuwarto.

Pagkatapos bigyan ni Richard ng tip ang bellboy ay agad itong pasalampak na humiga sa kama. Si Maya naman ay nakapamewang na humarap sa asawa.

"Ricardo hindi ito ang kuwartong pina-reserve ko." Alam niyang naiinis o galit na si Maya kapag Ricardo na ang tawag nito sa kanya.

"I know." Nakapikit ang matang sagot nito kay Maya.

"So bakit tayo nandito?"

"Baby I—"

"Baby??? Ricardo hindi ako si Abby."

"Ok, ok I just want us to have something we can call each other with and I think baby is perfect." Tuluyan na siyang bumangon at umupo sa kama.

"At bakit natin kailangan ng "term of endearment"?" inis na tanong niya kay Richard.

"Because we're m-married, and married people should have nicknames for each other."

"Ricardo, baka nakakalimutan mo we're just married in paper?"

"I know, you don't have to always remind me you know." Tuluyan na siyang tumayo at aktong lalabas ng kuwarto.

"Where are you going?"

"Sa labas magpapahangin nawala na yung antok ko."

Naiwang masama ang loob ni Maya. Bakit kailangang itong kuwarto pang ito ang dapat niyang kunin at ang mahirap pa iisa ang kama at bakit kailangan pang may "term of endearment"? Paano kung masanay siya at pagkatapos ng isang taon lalo lang siyang masaktan. Hindi na niya napigilang hindi umiyak.

***********

Maya is sleeping ng bumalik siya sa kuwarto nila. Umupo siya sa upuang nasa harap nito. Kahit natutulog ay may kunot sa noo nito, halatang nakatulog itong may sama ng loob sa kanya. He really hated himself because of this. He gently puts his thumbs on Maya's forehead to ease the creases that formed on it. Nagulat siya ng biglang dumilat ito.

"Hi!" alanganing-ngiting bati niya dito. Inabot niya ang dalang roses at chocolates para dito.

Bumangon si Maya at tinanggap ang mga bulaklak at chocolates na inaabot nito.

"Ano 'to suhol?" Buntong-hiningang sabi niya dito.

"Maya I'm sorry. Aaminin ko tumawag ako sa hotel para baguhin ang reservations na ginawa mo. Kasi naman sinong newly-weds ang magpapa-book ng kuwartong may dalawang kama?"

"And the "term of endearment"?"

"Wala lang I just want us to have nicknames for each other. To feel that we are very-much married. Alam ko sasabihin mo na naman na it's only for a year pero can we just enjoy being married?"

Sandaling nanahimik si Maya... "Ok you're forgiven. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa pero nagpa-reserve ako sa Forrest House so that we can have dinner. It's still early so you still have time to prepare."

"Ok I'll just go to the washroom and prepare." Aktong pupunta na siya sa washroom ng hawakan ni Richard ang braso niya.

"Maya, again I'm really sorry."

Ngumiti si Maya kay Richard at tumuloy na sa washroom. Nang masigurong nakandado na ang pintuan nito ay napangiti siya at kinilig sa mga bulaklak at tsokolateng binigay ni Richard. "Ikaw talaga Sir Chief ha ang galing mong magpakilig, kakainis ka."

to be continued...

-roxygirl5-


Of Love and MarriageWhere stories live. Discover now