Chapter 6

651 7 10
                                    


Chapter 6

Natapos ang kunya-kunyariang honeymoon nila Richard at Maya ng maayos. Hindi na nila pinag-usapan ang nangyari nung unang araw nila sa Baguio. They just enjoyed each other's company. Inisip na lang din ni Richard na he needs to take it slowly but surely.

*****************

Halos isang linggong nawala sa mansiyon si Maya dahil kailangan niyang bumawi sa kanyang schedule kaya naman ganun na lang siya ka-miss ng mga bata lalong-lalo na si Abby. Buti na lang at nagkaroon ng change of schedule kaya Sabado pa lang ay nasa mansiyon na siya.

"Mama, I miss you po akala ko po tomorrow ka pa dadating." Yakap na salubong ni Abby kay Maya.

"Oo nga mama, kung alam lang ni daddy na ngayon ka dadating for sure hindi yun pumasok sa work n'ya." Si Nikki naman na yumakap din sa kanya.

"Naku baby, Nikki akala ko din kaso lang nagkaroon ng change of schedule kaya eto maagang umuwi ang mama n'yo." Walang mapagsidlan ng tuwa si Maya tuwing naririnig niyang tinatawag siyang mama ng mga bata. Paano na lang kapag natapos na itong palabas nila ni Richard, iniisip pa lang niya ay nalulungkot na siya.

"O ma why the sad face? Oh-my-geeh you miss daddy no? Anyway we can always call him naman and tell him to go home na." tukso sa kanya ni Nikki.

"Naku Niks huwag na baka busy ang daddy n'yo mabuti pa tawagin na lang natin sila Manang Fe at ang kuya n'yo para mabigay ko na ang mga pasalubong ko sa inyo. After nun mag-barbeque tayo beside the pool ok ba yun?"

"Yes mama namimiss na rin po namin ang pool eh." Ang tuwang-tuwang sabi ni Abby.

******************

Nagkakasiyahan ang mga bata habang naliligo sa pool habang si Maya ay busy naman sa paghahanda ng makakain ng mga ito.

"O Luke si Abby ha bantayan mo at hindi pa ganun kagaling lumangoy yan, sa mababaw lang kayo."

"Yes ma akong bahala, diba Abby?"

"Yes kuya."

Napakasarap tingnan ng mga bata lalong-lalo na kapag nagkakasiyahan ang mga ito. Natatandaan pa niya nung unang dating niya sa mansyon ni hindi marunong ngumiti ang mga batang ito pero ngayon dinig na dinig sa buong kabahayan ang halakhak ng mga ito. If only this would last pero one year lang ang palabas nila ni Richard so she might as well enjoy it while it last.

"Ahh Manang Fe ako na po yan." nakita niyang hinahanda na ni Manang Fe ang mga pagkain sa lamesang malapit sa pool.

"Ano ka ba naman Maya kagagaling mo lang sa trabaho ni hindi ka pa nagpapahinga hayaan mo na kami nila Doris at Sabel."

"Oo nga naman Maya kami na." si Sabel na tumutulong na rin sa paghahanda ng pagkain.

"Kayo naman bumabawi lang ako sa mga bata, halos isang linggo ko silang di nakasama dahil sa schedule ko. Ako na pong bahala dito kumain na po kayo."

"Basta Maya ha tawagin mo kami pag ililigpit na ang mga pinagkainan ninyo." Ang sabi ni Doris.

"Oo na sige na at alam ko marami pa kayong gagawin." Ngiti n'ya sa mga ito.

"Maya!!!"

Nagulat siya ng makitang papalapit sa kanya si Richard medyo nakasimangot ito pero diretso pa rin ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nakakasanayan na nitong halikan siya sa pisngi. Minsang sawayin nya ito tungkol dito ng sila na lamang dalawa ang sagot lang nito sa kanya "Akala ko ba sa labi lang hindi puwede". Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ito naisip niya baka mahalata sila kung kahit ganun lang e hindi pa niya mapagbigyan ang asawa.

Of Love and MarriageWhere stories live. Discover now