Chapter 2

644 9 2
                                    

Loveless marriage? Hindi siguro, atleast on her part.  Matagal na niyang crush si Richard at alam yun ng huli.  Ang hindi na lang nito alam ay napunta na iyon sa pagmamahal.  Yes, she loves HIM, matagal na pero siguro nga hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya kaya nagkakasya na lang siya sa ganun. Kaya siguro kahit maraming nanliligaw sa kanya hindi pa rin siya nagkaka-boyfriend hanggang ngayon.  Mahirap kasi pantayan ang ano mang nararamdaman n'ya towards Richard.   Kanina ng sabihin nito sa kanya na he wants to marry her, akala niya sa isang iglap natupad ang pangarap n'yang mahal din siya nito.  Yun pala there's a big reason behind it, si Donya Esmeralda.  Napakabait sa kanya ng matanda tinuring siya nitong parang anak na rin.  Lagi siyang binibiro nito na sana sila na lang ni Richard ang magkatuluyan pero lagi niyang sinasabing magkaibigan lang sila.  Hindi niya lubos maisip na iyon ang hihingiin nitong pabor sa anak na si Richard, so paano siya ngayon tatanggi sa ina nitong maysakit.


Bukas kailangan ulit nilang mag-usap ng masinsinan... pero sa ngayon kailangan muna niyang piliting makatulog.


********


Luke:  What you're getting married???


Nikki:  OH-MY-GEEH!!!


Abby:  Yesss!!!


Hindi sigurado si Richard sa magiging reaksyon ng mga anak maliban kay Abby.   Nasa sala silang lahat para kausapin ang mga anak tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa ni Maya.  Nang tingnan niya si Maya nakita niya ang kaba sa mga mata nito that's why she took her hand and entwined it with his.


R:  Luke, Nikki I think it's about time that I should get married again.  I mean...


Luke:  Finally dad akala ko pakakawalan mo na lang talaga si Tita Maya.


Nikki:  Haaay thank-god I thought you will be forever pagong na lang dad.  Buti na lang mas mabilis ka pa pala kay Tito James.


Tumayo ang mga ito para batiin silang dalawa at isa-isang yumakap para batiin si Maya at ang ama.


Abby:  So I will be able to call you Mama na?


Maya:  Ahhh


R:  Yes Abby, of course you can call Tita Maya mama now (pinisil niya ng bahagya ang kamay nitong hawak niya)


Abby:  Mama


M:  Yes baby


Abby:  Wala naman Mama nagpa-practice lang ako (ngiti nito sa kanya)


Nikki:  So Mama when will be the big wedding?  Saang simbahan?  Who will do the gowns etc.?  Oh-my-geeh  I am so excited talaga.


M:  Ahh Niks gusto ko sana yung simpleng wedding lang.  Yung tayo-tayo lang para solemn.


N:  Sabagay but Mama you still need a dress and of course the cake.  Let's go to my room to discuss everything (Hinila niya si Maya pati na rin si Abby para pumunta ng kanyang kuwarto)


M: Ha a e (Tumingin siya kay Richard para humingi ng tulong pero nakangiti lang ito.  Tuluyan na siyang nahila ng mga anak nitong babae sa room ni Nikki.  Naiwan si Richard at Luke sa sala)


Luke:  (Inakbayan niya ang ama sabay sabing)  Akala ko dad talagang pakakawalan mo na lang si Tita Maya.  Mahirap na kayang makahanap ng katulad niya... she's one-in-a-million (sabay ngiti nito sa ama)


Richard:  Yes she is... SHE is.


to be continued...


roxygirl_5

Of Love and MarriageWhere stories live. Discover now