Snivelling

80 6 7
                                    

Is this what she always wanted?!

What the heck is she trying to prove to me? That she can take everything that I have? That she can make me broken the second time? Well then, she did a good job!

I am BROKEN. There is NO ONE who can FIX me again. I am LOST. There is NO WAY to FIND me. I am BEWILDERED. There is NO ONE who can make me think STRAIGHT again. I am NUMB. I feel nothing, anymore. I am HURT. There is NO ONE to protect me and leave me UNSCATHED. I am INSANE. The worst I could get is this, forgiving my 'best friend' for I thought she was my sister and there is no sibling that would intentionally hurt her sister. I was WRONG. I was wrong for thinking of the best positive reasons why she stole my guy.

Mark this day. I will be the REAL ME again, aloof, unapproachable, impassive. This way, I will neither hurt myself nor anyone else. If I do, I will inflict pain on myself only.

From the Day Book of

Audrey Macalintal,

Written this day, Monday,

6 May 2013

Narinig kong may kumakatok mula sa labas ng kwarto ko. Nakalimutan kong meron nga pala siyang duplicate key ng flat ko. Nagsisimula pa lang siyang bumigkas, dire-diretso na naman ang pag-iyak ko. "Baby, I know you don't want to talk about what happened," sinabi niya mula sa labas. Sa palagay ko, hindi niya binuksan 'tong pintuan ng kwarto ko kasi alam niyang gusto ko ngayon mapag-isa. "I'll wait here, outside your door, until you are ready to talk to me. I know you're just right behind this block of wood, crying." Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa sinabi niya. "I caused you this much but remember, Baby, I love you so much." Umiiyak na rin siya. Tumawa siya nang mahina. "Nababading ako 'pag ikaw na ang pinag-uusapan." He sniffed. "Pero okay lang, kung para naman sa'yo, handa akong mapahiya."

Nagsalita lang siya nang nagsalita kahit hindi ako sumasagot. Ikinwento niya sa'kin simula noong makilala niya ako hanggang sa mga future plans niya para sa'min. Naubos na ang luha ko pero alam ko, umiiyak pa rin ako. Pagod na ang mga mata ko. Pumikit na lang ako. Naramdaman kong nawala na 'yong presence niya sa likod ng pinto ko. Basa na ulit ng luha ang mga pisngi ko. Umalis na siya. Napagod na rin siya. Bakit na naman ako umiiyak? 'Di ba ito ang gusto ko, ang umalis na siya hindi lang sa bahay ko pati na rin sa buhay ko? Bakit nasasaktan na naman ako?

Sobrang pagod na pagod na ako. Humiga na lang ako sa sahig. Ang lamig. Sana magkasakit ako para mamatay na ako kasi wala rin naman akong kasama rito. Walang mag-aalaga. Walang mag-aalala. Walang mag-aabala para hanapin ako. Walang malulungkot hanggang sa malaman ng mga magulang ko. Hindi ko na kaya 'to.

Napaidlip na pala ako nang hindi ko namamalayan. Ginising lang ako nang sunod-sunod na katok. "Baby, alam kong kararating mo lang at dumiretso ka sa bahay kanina." Nagsimula na naman akong umiyak nang marinig ko ang boses niya. Bumalik siya. "Hindi ka pa kumakain. Ipinagluto kita ng lunch mo." Hinintay kong magsalita siya ulit. Affter maybe 8 minutes, "Sige. Sa labas na lang muna ako ng flat mo kung ayaw mo akong makita basta kumain ka, okay?" sinabi niya at narinig ko ang mga yabag niya na unti-unting nawawala.

Hindi ko kinuha 'yong pagkain kahit gutom na gutom na ako. Mas mabuti na 'to. Mas mapapadali akong mamatay. After an hour, kumatok na naman siya. "Uy naman, papatayin mo ba ang sarili mo?" nag-aalala niyang tanong. Oo, papatayin ko ang sarili ko, tinutulungan niyo nga ako eh. Kayong mga manloloko ang motivation ko. "Siguro naman may crackers ka diyan. Kumain ka, please." Tsk. What for? I'm dying, either way.

Nang maramdaman kong umalis na naman siya, pinilit kong tumayo at pumunta sa kama ko. Doon ako humiga. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko. Ayaw ko na. Ayaw ko nang magpakatanga. Palagi rin naman akong naaabuso. Sobrang sakit na. Palagi na lang ako ang nagpapaubaya, nagpaparaya. Hindi ba pwedeng ako naman ang pagbigyan nila ngayon? Pagod na akong masaktan. Pagod na akong maiwanan. Pagod na pagod na akong magpakatanga.

Not Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon