She acts so nice when she's facing me but she's giving me Judas kiss behind my back after her every thoughtful act.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya kailangang gawin 'to sa'kin. Masyado ba akong gullible? Masyado ba akong mabait? O bulag lang talaga ako para hindi makita ang mga pinaggagagawa niya sa'kin?
Pinatawad ko siya noong una, ngayon hindi ko na yata kaya. Hindi ko na talaga kayang patawarin pa siya. Sinasadya ba talaga niyang saktan ako? Pero bakit? Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala akong inagaw sa kanya, bakit ganito siya?
Ngayon, hindi na talaga ako papayag na saktan pa niya ako. She's a total mess. Simula nang dumating siya, nagkandagulo-gulo na ang buhay ko.
Pupuntahan ko siya ngayon para magkaroon na rin kami ng closure. Nakiusap siya, eh di pagbigyan. Mabait ako eh.
I didn't believe that she's sort of a BITCH, NOT UNTIL NOW. . .
From the Day Book of
Audrey Macalintal,
Written this day, Wednesday,
15 May 2013
Binasa ko 'yong sinulat ko kanina. Punong-puno na ako sa kanya. Umaapaw na ang galit ko sa kanya. Inilagay ko ulit sa ilalim ng kama ko 'yong journal ko at saka inayos ang damit ko. Naka-plain white shirt lang ako at jeans. Itinali ko rin ang buhok ko at isinuot ang doll shoes ko.
One week. Lampas one week na mula noong nangyari 'yon. Sa loob ng lampas one week na 'yon, araw-araw ay may iniiwan si Jay sa tapat ng pintuan ko. Gustong-gusto ko pa siyang bigyan ng chance pero ayaw ko nang masaktan. Siguro pag-iisipan ko pang bigyan siya ng chance kung hindi si Leila 'yong kahalikan niya. Natatakot na kasi akong masaktan pa ulit ni Leila. Palagi na lang siya. Kaya kahapon, pinilit kong harapin siya para sabihing, "'Wag ka nang mag-abala pang suyuin ako kasi wala na. Ayaw ko na at hindi na magbabago 'yon."
Nakayuko lang siya n'on at noong tumingin siya sa'kin, ngumiti siya. Nakita kong may tumulong luha sa pisngi niya. "Pero mapapatawad mo pa naman ako, 'di ba?"
Naiiyak na rin ako pero kailangan kong pigilan. "Yeah," walang emosyon kong sinabi. "I forgive you." Ngumiti siya. Hindi ako gan'ong kabuti katulad ng iniisip nilang lahat. "But I don't forget. My apologies for that." I gave him a weak smile as I lock my main door. Iniyakan ko na naman siya, natural. Napakahina kong tao. Kaya siguro nila ako nasasaktan nang ganito.
Nag-drive ako papunta sa isang park kung saan sinabi ni Leila na magkita kami. Nang makalabas ako sa sasakyan ko, hinanap ko siya. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench hindi kalayuan. Naglakad ako papunta d'on at nakita naman niya ako agad. Napatayo siya at nagulat. Hindi siguro niya inaasahan na darating ako. Ngumiti siya pero halatang nahihiya. "Please," hindi makapaniwalang sinabi ko sa sarili ko. Marunong pa pala siyang mahiya.
I smiled at her then I said while waving my hand, "Hey there, Slag." Her eyes widened and I saw her clenched fists. I smirked. "What? You're surprised I know your real name?" I gestured while saying, "Oh, please. Don't be. I am the least to know about that, how ironic." Nakita kong pinipigilan lang niya ang sarili niya. Ngayon lang ako gumanti, lulubusin ko na. "Not only that, I know your full name. Harlot Slag Bitch Skank Hooker." Umakto ako na nagulat sa sinabi ko at inilagay ang mga kamay ko sa bibig ko. "Oops! It's a long name. More so, it's offensive. My-" Sasampalin niya dapat ako pero napigilan ko ito. "Nah. Don't you dare touch my uncorrupted self. You might be contagious and get me contaminated." Ngumiti ako at binitiwan ang braso niya. "Shall we sit?" alok ko.
Naupo kami. "Gusto ko lang magpaliwanag kaya pinapunta kita rito," panimula niya. Dapat lang, 'no. "'Yong kay Zac, nainggit talaga ako sa'yo kasi bago ka pa dumating, ako ang mahal niya." Tanga ka pala eh. Pakipot pa, teh? Umirap ako. "Noong naging kami, hindi nagtagal eh." Kaya si Jay naman ang inagaw mo? Psh. "Three months lang 'tapos nakipag-break din siya kasi na-realize niya na ikaw pa rin daw ang mahal niya." Kaya ginulo mo na naman ang buhay ko para damay-damay. Lahat miserable. "May sasabihin ka ba?" Sinampal ko siya sa kanang pisngi niya nang buong lakas. Nagulat siya at napahawak sa pisngi niya. Ngumiti ako at sinenyasan siya ng 'Go on.'
BINABASA MO ANG
Not Until Now
Teen FictionThere is always that one person whom we truly trust. A confidante, they might say. To Audrey, it was Leila, her best friend. But due to a fortuitous event, the wall of trust they built for years collapsed. What would Audrey do about it? Would they b...