Not worth it.
She never is, she never was.
Why did she have to do this to me? What have I done wrong? I was the best-est friend to her, she said.
Pinagkatiwalaan ko siya. Lahat ng problema ko, siya ang nakakaalam. Apat na taon na kaming best-scratch that, apat na taon kaming 'naging' best friends. Sa apat na taon na 'yon, marahil ay mabibilang sa mga daliri ko sa isang kamay kung kailan siya naging totoo sa pagtrato niya sa akin.
Una: Sa nakakabulag niyang pag-welcome sa akin noong pumasok ako sa eskwelahan kung saan siya pumapasok. Bakit nakakabulag? Iparamdam ba na naman sa'kin ang warm welcome sa high school na 'yon, malamang nabiktima ako. Baguhan eh, siyempre, sa isang taong matagal nang pumapasok sa school na 'yon ako sasama. At noong panahon na iyon, alam kong totoo siya.
Ikalawa: Inilibot niya ako sa buong campus para mafamiliarize ko ang sarili ko sa environment. She made me feel at home then.
Ikatlo: She helped me adjust and cope with how it is like attending her school. She knew I was someone so distant, farfetched, and introvert. She helped me transform from a cocoon to a butterfly.
Ika-apat: Noong isinama niya ako sa group study ng iba pa niyang friends kasi alam niyang nahihirapan ako sa Algebra. That moment was totally remarkable. It was when I met Zachary Lastimosa, my first boyfriend. I actually gave her credit for that.
After all those good deeds, she was just a concierge whose pretense was to get my trust and later on, sabotage my serene life! But I am awaken. I cannot let her ruin my life!
From the Day Book of
Audrey Macalintal
Written this day, Saturday,
9 April 2011
I closed my journal. Inilagay ko ito sa ilalim ng kama ko at pagkatapos ay nahiga ako. "Aargh!" Gusto kong maging ganoon ako ka-blunt kapag kaharap ko siya. Pero hindi ko kaya. Si Leila Ynares 'yon, best friend ko. Alam mo 'yong gusto mong magpakasama para makaganti ka o mailabas mo man lang 'yong hinanakit mo pero hindi mo magawa kasi importante pa rin siya sa'yo? Na kahit na inagaw na niya sa'yo 'yong boyfriend mo, tatanggapin mo na lang kasi kapatid na ang turing mo sa kanya? Nakakatanga na 'to! Naalala ko na naman 'yong mga nangyari.
Sa bahay ni Leila kami ngayon mag-aaral. Pagkapasok sa gate nila, makikita mo agad na may verandah at may isang set ng mesa at sampung silya sa may kanan. May dalawang palapag ang bahay nila. Nakita ko rin na mayroon nang mga tao doon sa may verandah. "Doon siguro kami mag-aaral," naisip ko.
Nakatingin lang ako sa dinaraanan ko hanggang makarating kami sa may verandah. ". . .and this is Zachary Lastimosa, the Math Wizard," pagpapakilala niya sa'kin sa mga grade school friends niya na sa high school din namin nag-aaral. Kumaway lang ako at ngumiti katulad ng ginawa kong pagbati sa mga nauna niyang ipinakilala.
Nagsimula kaming mag-aral para sa first periodical test namin. At ang grupong ito ay naka-focus sa Math, Algebra. Malaki ang pasasalamat ko kay Leila kasi kung hindi niya ako isinama rito, malamang baliw na ako kung paano mag-come up sa mga ganoong solution.
"Hi," bati niya sa'kin at nakikipag-kamay. Tiningnan ko lang ito. "I'm Zac." Umupo siya sa tabi ko. Nakaupo ako ngayon sa balustre ng verandah habang nakatingin lang sa labas. Hindi ko siya pinansin. "And you're Audrey. Audrey Macalintal," nakangiti niyang sinabi. Paano niya nalaman, hindi naman ako nagpakilala? Nakita niya sigurong nagulat ako kaya sinagot niya ang tanong ko sa isip ko. "Ikinukwento ka sa'min ni Leila." Wala akong naisagot kundi "Ah" at tumingin na ulit ako labas. "Tahimik ka pala, 'no?" Natawa siya bigla pero hindi ko pinansin. Anong problema niya? "Sorry, hindi ko kasi maimagine kung paano kayo naging magkaibigan noong madaldal na 'yon." Itinuro niya si Leila na may dalang tray na may pitsel ng juice at mga baso.
BINABASA MO ANG
Not Until Now
Teen FictionThere is always that one person whom we truly trust. A confidante, they might say. To Audrey, it was Leila, her best friend. But due to a fortuitous event, the wall of trust they built for years collapsed. What would Audrey do about it? Would they b...