Retrospection

82 3 3
                                    

He's right. Chase is right.

He never did see me cry but when I'm all alone here in my flat, I break down. Always.

Two years na dapat kami ngayon ni Jay pero wala na. Hindi na mangyayari 'yon. Itinaboy ko na siya. Nasaktan na ako nang sobra-sobra eh. Pero mahal ko pa siya. Mahal na mahal pa rin.

Matahimik na ang buhay ko ngayon. Walang kasama, walang kaibigan, walang mga magulang, walang kahit sino. Tahimik. Hindi masaya pero, at least, hindi ako nasasaktan. Hindi rin ako nakakasakit. Fair play.

Si Chase lang naman ang bubuyog na nagpapaingay sa paligid ko eh. Ang kulit-kulit niya. Hindi siya sumusuko. Accomplishment na yata para sa kanya ang makarinig kahit isang salita mula sa bibig ko sa loob ng isang araw. Hindi pa rin siya nauubusan ng kwento. Diary na nga yata niya ako. Feeling ko, kilalang-kilala ko na siya. Pero ayaw ko nang sumugal pa ulit at maging malapit sa kanya. Tiyak, masasaktan lang ako.

At the end of the day, mag-isa lang ako. Nakakalungkot pero pinipilit kong kayanin.

From the Day Book of

Audrey Macalintal,

Written this day, Tuesday,

19 November 2013

Tapos na ang klase ko para sa araw na 'to. Nakita ako ni Jay kanina na kasabay sa paglalakad pauwi si Chase. Ano kayang iniisip niya? Iniisip niya kayang naka-move on na ako? May bagong boyfriend? O hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya na nagpipilit pa rin akong labanan ang sakit na dulot ng panloloko nila ni Leila? May tumulong luha sa journal ko. Heto na naman ako, umiiyak. Hobby ko na yata ito. Araw-araw na lang lalo sa mga pagkakataong ako na lang mag-isa. Hindi ko maiwasang hindi siya isipin.

Lumabas ako sa kwarto ko at naglakad papunta sa kabilang kwarto, sa dating kwarto ni Jay. Nagsisimula na namang umagos ang mga tubig mula sa mga mata ko. Noong gabing kinantahan niya ako nang pitong oras ay ang gabi rin na nagpahagulgol sa'kin ng sobra-sobra dahil sa ginawa niya.

Nandito pa rin sa may pinto, nakadikit, 'yong sticky note na may nakasulat na, "Baby, pasensya na. Nakita ko kasing napakarami mong sticky notes na nakatambak lang, hindi mo ginagamit. Kaya heto, napagtripan ko tuloy." May smiley pa sa dulo ng pangungusap. Kinuha ko it. Ngayon ko lang ito tinanggal sa pagkakadikit sa pinto. Inihanda ko ang sarili ko bago pihitin ang doorknob. Huminga ako nang malalim. Binuksan ko ang pinto at bumungad na naman sa akin ang kwarto na araw-araw kong iniiyakan. Pinuno niya ang apat na pader ng sticky notes na lahat ay may nakasulat kung gaano ako kahalaga at kaimportante sa kanya.

Umiiyak na naman ako habang binabasa ko isa-isa ang mga nakasulat. Marami. Sobrang dami ng gusto niyang sabihin sa'kin. Kaya mahal ko pa rin siya. Hindi ko na nga lang kayang ipagkatiwala ulit ang puso ko sa kanya.

"I always tell you you're beautiful not because I love it when you flush, but because I want to wipe away those insecurities you have." Palagi ko kasing sinasabi na bakit ako pa, marami namang maganda sa paligid, wala siyang mapapala sa akin. Pero palagi niyang sinasabing, "E ano naman? Maganda lang sila, ang tanong mahal ko ba? Hindi. Kasi ikaw lang ang mahal ko." Palagi niya akong napapangiti sa assurance na 'yon.

"Alam mo, ang immature, childish, at higit sa lahat, ang brat mo! Siguro gusto mong maging BABY ko, 'no?" Napangiti ako kahit umiiyak ako. Sobrang gustong-gusto ko 'pag binibilhan niya ako ng sweets as peace offering 'pag nagkakaroon kami ng tampuhan. Kaya nga dati, gumagawa pa ako ng away para lang mabilhan niya ako eh.

"I treasure you not only because you are precious, but, more importantly, because you are rare." Ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Ito rin ang nag-iisang nakadikit sa kama. Sana kasi hindi na lang ako umuwi nang maaga. E di sana, hindi ko siya mahuhuli. O kaya, dapat binigyan ko siya ng second chance kasi isang pagkakamali lang 'yon. Pero hindi ko na kaya. Durog na durog na ako.

Not Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon