Sa kanya ba talaga umiikot ang mundo ko? Or better yet say, sa mundo niya ba ako umiikot?
Leila, Leila, Leila. Palagi na lang siya! Palagi ko na lang siyang kahati! Pati ba naman si Chase, kahati ko pa rin sa kanya? Tangina! Pinaglalaruan niya ba ako? Am I a piece of her game? Won't she leave me alone?
Sobrang natatandaan ko pa ang mga nangyari last April. Lumabas kami ni Chase n'on at nagpunta sa mall para manuod ng sine at kumain sa isang restaurant. Nagkwentuhan kami n'on at inisip ko pa nga na date 'yon kasi mukhang nagpaparamdam din naman siya na gusto niya ako. Nang dahil sa kanya, bumalik ang mga ngiti at tawa ko. Pero hindi rin nagtagal. 'Yong araw na ginusto kong buksan ulit ang puso ko para sa kanya ay ang araw kung kailan ulit ako sinaktan ni Leila Ynares. Kaya pala hindi siya nagbibigay ng pangalan 'pag pamilya na niya ang pinag-uusapan. Kaya pala ayaw niyang ipakilala sa akin ang bunso niyang kapatid na kasing edad ko lang daw kasi. . . kasi. . .
";Kuya, siya ba 'yong girlfriend mo?" masayang sinabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Natigilan lang si Chase at hindi alam ang gagawin.
Kaya ako na lang ang nagsalita. "Nahuli ka yata ng kapatid mo, Chase," biro ko. "Hi-" Lumingon ako nang nakangiti bago nagsalita. "Ikaw!" gulat na may halong galit na sinabi ko kay Leila. Bumalik ang tingin ko kay Chase. "Ano 'to, joke? Siya-" Itinuro ko si Leila habang nakatingin pa rin kay Chase. "ang kapatid mo?" hindi makapaniwalang itinanong ko sa kanya. Tumango lang siya at saka tumayo.
"Let me explain, please." Ayaw kong gumawa ng eksena sa mataong lugar kaya pinakalma ko ang sarili ko. Nagnginginig na ang mga kamay ko sa sobrang galit. I was breathing unevenly then while listening to him. "'Yong sinabi ko sa'yo kung paano kita nakita, totoo 'yon pero mas naging interesado akong kilalanin ka noong nakita kong sinampal mo si Leila. Ang gusto ko talagang malaman dati kaya kita gustong makilala ay kung bakit mo ginawa sa kanya 'yon," sinabi niya na parang ipinararating na natural lang 'yon sa isang kuya. Psh. ";Pero habang tumatagal, nagugustuhan na kita." Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ko 'yon. "Kaya nga sinamahan kita noong pasko at bagong taon, na birthday mo pala, kasi ayaw kong malungkot ka."
"Wow, utang ko pa pala 'yon. Thank you ha!" sarkastikong sinabi ko sa kanya. Tumayo na ako. Tama na 'to. "'Di ba gusto mong malaman kung bakit ko sinampal ang kapatid mo?" Tumango siya. Humarap naman ako kay Leila na nakatayo pa rin at sinampal siya nang malakas. "Kasi lahat ng minamahal ko, inaagaw niya." Ngumiti ako at saka umalis.
Habang hinahanap ko ang exit door ng mall, naririnig kong may tumatawag sa'kin pero patuloy lang ako sa paglalakad nang mabilis. Wala na ba akong karapatang maging masaya? Nagkakaroon pa lang ulit ako ng pag-asa, pinatay na niya agad. Ang sama-sama niyang tao to think na BEST friend ko siya dati.
Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa pad ko. Nagkulong na naman ako sa kwarto at doon umiyak nang umiyak. Naaawa na ako sa sarili ko. Palagi na lang akong pagod sa pag-iyak. Hindi ko naramdaman na nakatulog na pala ako.
Nang magising ako, bakit siya nandito? Ngumiti siya. "Sorry. Tinatawag kita kani-" Hindi ko napigilang hindi siya yakapin. Umiyak na naman ako. Bakit ba hindi ko siya pinagbigyan agad noon?
Until now, that incident remains vivid in my mind. But I feel no pain anymore. I accepted the fact that she ain't and never had been my best friend.
From the Day Book of
Audrey Macalintal,
Written this day, Wednesday,
24 December 2014
After all that's happened, I know who to trust. Again. I know who will stay by my side, who won't leave me, who is willing to wait for me, who sticks to his words. He who promised not to love me less but to love me more than he could the second time. Joshen Andrei Yochingco. J.A.Y.
I promised myself a year ago that I will move on but I can't. He still is the one I love, I cherish, I yearn for. And I am enchanted with the idea that he'll be my last, hopefully. Ngumiti ako at inilagay na ang journal book ko sa ilalim ng kama.
"Madam, nakahanda na po ang fettuccini na niluto ng napakagwapong chef mo," sinabi ni Jay mula sa labas ng kwarto ko. Simula n'ong naging kami ulit, tinupad talaga niya 'yong plano niyang makipag-live in sa'kin kasi para raw hindi na ako malungkot. Siyempre, nagpaalam siya sa parents niya at sa parents ko. Pero hindi siya nagpaalam sa'kin. Dumating na lang siya na may dalang maleta na sa dami ng laman ay parang naglayas siya.
"Oo, sandali lang," sigaw ko at saka tumayo mula sa kama ko. Lumabas ako sa kwarto ko at nagpunta sa kitchenette. Kahit naman magkasama kami sa iisang bahay, wala namang nangyayaring hindi dapat. Malaki ang respeto niya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.
"From your prince, with love," sinabi niya habang ibinibigay ang plato na may pasta. Ngumiti ako. At hinalikan niya ako sa pisngi. Kahit na pasaway 'yan, hindi niya inaabuso ang tiwalang ibinigay ko at ng parents ko sa kanya. Niyakap niya ako mula sa likod. "Anong iniisip mo, Baby?" bulong niya sa'kin.
Marami kaming balak gawin nang magkasama gaya ng: gusto kong maging anesthesiologist at siya naman ay surgeon, gusto namang puntahan lahat ng bansa sa mundo nang magkasama, at siyempre, gusto naming tumanda nang magkasama. "Ikaw," sinabi ko at hinalikan siya sa labi. "Sino kasi ang tanong hindi 'ano'." Pinisil ko ang mga pisngi niya. "Pero okay lang na 'ano' ang tanong kung bagay naman tayo," nakangiti kong sinabi sa kanya.
Pinisil naman niya ang ilong ko. "Ang cheesy mo na, Baby. I love you," sinabi niya at hindi na hinintay ang sagot ko, hinalikan na niya ako sa labi.
Ngayon, natatawa na lang ako sa sarili ko 'pag naiisip ko na ang dahilan talaga kung bakit siya nakipaghalikan kay Leila ay dahil pa rin sa'kin. Dahil nami-miss na niya ako. He's longing for me and wishing that I was the one he's kissing. Dahil gusto niyang makita na ulit ako. Pero okay na rin siguro na nangyari 'yon. It even made us stronger, made us profess our love for each other every second of every day, and it also made me sure about the person I'm willing to spend the rest of my days with.
And more than any of those, I didn't believe in happy-ever-afters, NOT UNTIL NOW. . .
BINABASA MO ANG
Not Until Now
Teen FictionThere is always that one person whom we truly trust. A confidante, they might say. To Audrey, it was Leila, her best friend. But due to a fortuitous event, the wall of trust they built for years collapsed. What would Audrey do about it? Would they b...