TAX PA, POTA!

78 9 6
                                    

Walang kwenta ang Pilipinas !!!

Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawatisa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, SILANG patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.

SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG! TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang masa! Mahalin ang masa!

MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA BANSANG TO?

SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NILA?

KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA – KAMI ANG BUMUBUHAY SA BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA SILA NG TAX???!!!!

KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INI-INTINDI NG GOBYERNO.

KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION, SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

SILA LAGI ANG BIDA.

KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG
NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX – KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya at ang bansang to. Ni hindi na ako makabili ng latest na cellphone. Nag-tya-tyaga ako sa 1 year old ko ng telepono. Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana may luho pa rin ako kahit papaano. Nakabili na sana ako ng bago.

'Yung tax na binabayad ko, karamihan nun deretso sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!

PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

'Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap , kung umasta akala mo inaapi sila ng sobra.

SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!

At karamihan pa eh mga mandurukot at holdaper. Piniperwisyo ang mga taxpayers na matitino. Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan.
Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila. Eh mas madali nga naman magnakaw, mang-holdap at mang-snatch kaysa magkargador sa pier.

TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!

Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar – SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!

MGA HIPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL! NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.

KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

Alisin ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit sino.

At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.

Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok.  Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.

Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck! Sana tama kayo at mali ako.

●●●◎●●●

© September 2015
J.Bree

MINDFUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon