Nagpabangon ako bigla na napagtanto kong hindi ko kwarto at kama ang hinihigaan ko ngayon. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto kulay pink lahat ng nakikita ko.
Dalawang beses ang laki nito kaysa sa tarlac.
S*hit asan si Moo kanina lang nasa kotse niya ako tapos ngayon nandito na sa kwartong to.
Tanga lang Sam syempre binuhat ka niya papunta dito.
Huwag ka ngang sumabat jan alam ko naman yon no. Paano naman ako nakarating dito kong hindi nya ako binuhat.
Malay mo pinabuhat ka niya.
Grabe pati sarili ko kinakausap ko na.
Humiga ulit ako kasi parang ayaw kong lumabas sa silid kong asan ako ngayon. Kinakabahan kasi ako anong sasabihin ko pag nagkita kami.
Moo makinig ka naman sa paliwanag ko hindi lang ako ang nagsinungaling dito ikaw din diba?.
Ahhhh! Bakit ba ako kinakabahan si Jm lang yon. Tama si moo lang hidi ako dapat kabahan.
Tumayo ako para hanapin ang phone and bag ko pero naalala ko na naiwan pala yon kanina sa table kong saan kami umupo nila Mike and Sassy cafeteria.
Kaya umupo nalang ako ulit sa bed. Masyado naman atang girly tong room na to kong kai moo. I think sa sister niya tong room.
Maya-maya pa may narinig akong ingay bandang ulunan ko.
" Baka sa kabilang kwarto."
Lumapit ako sa ulunan ng kama at lumuhod at idinikit ang tenga ko sa ding-ding.
Hindi familiar sa akin yong music at sigurado akong galing yon sa piano na nasa kabilang silid.
Tumayo ako at lumabas baka si JM yon. Sinilip ko muna kong may tao sa hallway ng bahay at naglakad pakanan kong nasaan ang direction ng silid na pakay ko. Pagdatig ko sa tapat noon ay pinihit ko ang doorknob.
Hindi nga ako nagkamali nakatalikod ito sa akin, nakaupo at nasa harap ng piano ang kanang kamay nito ay nakapatong sa taas ng piano ang isa naman ay tumitipa sa piano.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya pero malayo ng ilang hakbang mula sa kanya.
Base sa silid isa itong music room dahil puro ibat ibang instrument ang makikita doon.
Tinitigan ko lang ito naka harap kasi ang ulo niya sa kanan, lalo siyang naging gwapo sa buhok niyang may kulay at suot niyang puting long sleeve.
" Tititigan mo nalang ba ako?" Nagulat nalang ako ng marinig kong nagsalita siya naka pikit ito at patuloy parin ang pag tugtog.
" A-e-i kasi." Utal-utal kong sambit.
"Butler John nakaayos na ba yong mga foods sa baba?" Napakunot naman ang noo ko.
" Yes young master." Nagulat nalang ako ng may magsalita sa likuran ko hindi ko siya napansin sa likod ko.
Ang mas ikinagulat ko ng malaman ko kong sino yon. Yong lalaki palang humarang sa amin.
" Good dalhin mo na siya sa baba susunod nalang ako." Napakalalim ng boses niya boses lalaki.
" Young Lady Sumunod po kayo sa akin." Sumunod nalang ako sa kanya papuntang First floor ng bahay. Napakahaba ng hangdan hindi manlang sila nag palagay ng elevator.
Pagkababa namin dumaan kami ng Sala patungong dinning area. Nadaanan naman ang malaking portrait picture ng family nila. Pero tatlo lang sila ate siguro niya yong kasama niya nasa right ito ng lalaking nakaupo at siguradong dady niya at si Moo naman ay nasa left side.
BINABASA MO ANG
Be mine Ms. Brat [editing] (GXG)
RomanceKaya mo bang mag mahal ng isang taong wala kang ka alam- alam sa tunay nitong pagkatao. At kaya mo bang magpatawad sa taong nanakit sayo.........
![Be mine Ms. Brat [editing] (GXG)](https://img.wattpad.com/cover/13838707-64-k550108.jpg)