Sam POV
Isang nakakabinging sampal ang inabot ko kay Dad and mom.Never pa nilang ginawa sa akin ngayun lang.
Nang nalaman nila ang nangyari dali dali silang umuwi. Yong bweset na Lance na yan kainis may araw ka din sa akin.
" Hiwalayan mo yang babaeng yan or else..." Sabi ni Mom. Si Dad hindi masyadong umiimik pero galit itong nakatingin sa akin.
" Or else what Mom?" Tanong ko kay mommy umiiyak na ako. Hindi dahil sa sakit ng pagkakasampal kundi hindi nila tanggap kong ano ako.
" Itatakwil niyo ako kagaya ni ate ha?"
" Don't you shout at your mom like that!!" Sigaw ni dad sa akin
Kaya iba na ang pakikitungo mila mommy sa akin simula ng mamatay si ate dahil sa akin. Tinulungan ko kasi itong sumama kasama ang girlfriend nito para mag tanan at nalaman ito nila mom and dad.
Yup Lesbian si ate namatay siya dahil sa akin sinisisi nila ako kong hindi ko ito tinulungan sana buhay pa ito. Nag crash ang eroplanong sinasaktan ng mga ito papuntang Cebu.
"Bakit hind niyo nalang tanggapin na ganito ako. Katulad din ako ni ate mahal ko si Jm dahil sa kanya ko nahanap ang pag mamahal na hinahanap ko na hindi ko nakita sa inyo."
"Oh my God!! Samantha alam mo ba yang sinasabi mo ano nalang sasabihin ng mga kamag anak natin ng mga amiga ko"
" Mom mas mahalaga pa talaga sa inyo ang reputation at business kaysa sa akin"
" Huwag mong isusumbat sa amin yan sam dahil sa iyo din naman mapupnta ang lahat ng ito" -Mom
" Hindi ko sinusumbat sa inyo mom gusto ko lang malaman niyo at mahal ko si Jm tanggapin niyo nalang yon."
" Tanggapin ang alin yang kadiring pakikipag relasyon mo sa kapwa mo babae, nag papaka immoral ka, ang yang tomboy na yan idadamay ka pa papuntang hell" galit na turan ni mommy.
"Alam niyo ba? Every time na may mga occasion kami sa school kayo ang hinahanap namin ni ate, sa bawat pag akyat namin sa entablado para kunin ang award namin na nakukuha sa school kayo ang inaabangan namin." Nakita kong umiba ang itsura nila.
" Birthday namin, maraming handa , gift and also mga bisita pero lahat ng karangyaan na binigay niyo hindi kami naging masaya kasi wala kayo ni dad." huminga akong malalim bago ulit nag salita.
"Antay kami ng antay, until one day napagod nalang si ate ka aantay at every time na nag aantay ako sasabihin niyang Baby bunso wag na mag antay alam mo namang hindi sila dararating. Hanggang sa isa narin ako sa sumuko na katulad ni ate hindi na umasa na sa kahit isang pag kakataon makasama namin kayo ." napaupo ito sa couch si daddy naman tumingin sa ibang direction.
" I know, until now sinisisi niyo parin ako sa pag kawala ni ate, pero alam ko kong nasaan man siya ngayon masaya siya sa taong mahal at nag mamahal sa kanya na kahit kailan hindi niya nakuha sa inyo, at sa sinabi niyong kadiring pakikipag relasyon sa kapwa babae ay doon namin nahanap ang tunay na hkasiyahan. Tumayo si mommy at tumalikod ito sa akin.
" Go to your room! Now!" She screams, pointing towards the stairs. Wala na akong nagawa kundi sumunod.
Pagpasok ko ng kwarto ko, I slam my door shut and cry until my eyes dry.
Kinuha ko ang phone ko tinawagan si Sasy,
" Sasy payag na ako sa suggestion ni mike susundan ko si JM.
" Sege sasabihin ko nalang sa iba." sagot nito.
" Thanks a lot bye"
Flashback
BINABASA MO ANG
Be mine Ms. Brat [editing] (GXG)
RomanceKaya mo bang mag mahal ng isang taong wala kang ka alam- alam sa tunay nitong pagkatao. At kaya mo bang magpatawad sa taong nanakit sayo.........