Let her go nga ba?

3.4K 91 1
                                        

JM/Salva POV


" I let you go babe, I mean Ran dapat na talaga kitang sanayin na tawagin sa name mo." Ngumiti siya.

Pagkatapos naming kumain ng breakfast kanina, nag decide kaming pagusapan ang bagay na kailangn na niya akong e let go. Kasi kahit anong gawin ko, wala akong makapang pagmamahal sa kanya.

"Thank you Hannah and sorry for not loving you. Pinilit kong mahalin ka pero siguro si heart(hawak sa dibdib) hindi ko talaga maturuang ibalik sayo yong pagmamahal na ibinibigay mo." Nakita ko ang pag tulo ng mga luha niya.

I hate it whenever she cries. Hindi talaga ako sanay na makita siyang umiiyak.

Pinunasan ko ang luha niya.

"Im so sorry Hannah." I hug her.

" No! wag kang mag sorry, just be happy Ran yun lang. Kapag pinaiyak ka niya, iniwan at sinaktan, nandito lang ako." Humiwalay ako sa kanya and then, I kissed her forehead.

"Thank you so much." Tatayo na dapat ako ng hawakan niya ako sa kamay.

" Ano yon? Don't tell me binabawi mo na yong pag let go sa akin?" Napatawa naman ito ng bahagya.

"Hindi! pwede ba akong humiling sayo?" Bumalik ulita ako sa pagkaka upo .

" Okay tell me."

" Can I kiss you, promise last na to." Kita ko sa mga mata nito ang pagmamakaawa.

"Sure basta ikaw."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Pumikit ako hanggang sa naglapat na ang mga labi namin.

Kusang gumalaw ang labi ko. Ramdam ko ang lungkot at pananabik sa halik niya parang pinaparamdam niya sa akin na sa kanya lang ang mga labi ko.

Bago pa man ako makalimot ay itinigil ko na ang halikan namin. Nakita ko naman ang paglungkot ng mukha niya.

" Sorry sa lahat Ran sana after ng lahat maging best of friend ulit tayo, katulad ng dati nong time bago pa man ako umamin sayo." Bago mangyari ang lahat bestfriend kami ni Hannah pero after ng may mangyari sa amin at ipinilit niya ang sarili niya sa akin nawala na ang pagiging mag bestfriend namin.

"Ano ka ba Hannah. Don't be sorry and yes bestfriend ulit tayo." Yumakap ito sa akin ng mahigpit.

Humiwalay ito ng yakap sa akin ." Lalabas na ako ayusin mo na ang gamit mo para mapuntahan mo na siya." Tumango lang ako sa kanya.

" Pagkasara ng pinto napangiti lang ako. Pero alam ko nasaktan ko nanaman siya.

---------------------------

**Airport**

" Paging all the passengers of flight AR-92673,please proceed to departure lounge now. Again, paging all the passenger flight AR-92673 please proceed to departure lounge now.

"Ayan na tinawag na yong flight mo." Si Hannah talagang tinutoo niya yong sinabi na ihahatid niya ako.

" So? Goodbye for now Hannah bestfriend."

Bigla naman niya akong niyakap.

" I love you Ran tandaan mo yan, mahal na mahal kita bestfriend."

" I love you too, take care of your self."

Bumitaw kami sa yakapan namin.

" Sege na pumasok ka na sa loob baka bawiin ko lahat ng sinabi ko."Tinapik ako balikat ko.

" Okay bye." At ttumalikod na ako sa kanya.

( Lumingon naman si Ran bago pumasok sa departure area. Kita niyang kumakaway ito at may sinasabi hindi naman maintindihan kaya kumaway nalang ito at tumalikod ulit. Hababang sa kabilang banda.)

" Hindi ito ang last Ran, akin ka lang hindi ako papayag na mapunta ka lang sa kanya. Gagawa ako ng paraan para maging akin ka lang ng buo at kalimutan mo na yong Samantha na yon." Kita niyang kumaway din ito sa kanya at pagkatapos ay tumalikod.

After 17 hours and 51 minutes nakarating narin ako sa Manila. Sinalubong naman ako ni John.

" Welcome back po young master." Pinagbuksan niya ako.

" Bago ako sumakay sa loob ng sasakyan ay nag paalala muna ako.

"John after mo ako ihatid sa mansion may gusto akong ipasundo sayo."

" Okay po young master." Sagot nito at tuluyan na akong sumakay sa sasakyan.

Ngayon kailangan kong makausap si Mike para magkaroon ng linaw ang lahat.

"JM!" Yon ang salitang bungad sa akin ni Mike pagkapasok niya sa living room namin.

" Take a sit Mike." Umupo ito sa itinuro kong upuan.

" Hindi ko akalain na magkakausap ulit tayo sa ganitong paraan." Seryusong saad nito.

" Siguro naman may idea ka kong bakit kita pinasundo?" Malamig na tanong ko dito.

" Yup! Let's talk." Seryuso pa ring saad nito.

" So ano ba ang gusto mong malaman?" Dugtong nito sa sinabi kanina.

" Do you want anything to drink?" Pag aalok ko sa kanya.

" Juice." He answered.

Tumawag ako sa intercom para sabihan na magdala ng juice, nasa second floor ng living room kasi kami kong saan nag usap kami ni Sam dati.

" Manang pakidalhan kami ng juice and cake dito sa taas?"

Pagkatapos ay humarap na ako sa kanya." Everything Mike." Sagot ko sa tanong niya kanina.

"Why do you wanna know?" I rolled my eyes and signed.

"Gusto kong malaman ang lahat kasi....."

" Kasi?" Tanong nito sa akin.

" Kasi, I still love her." napangiti naman ito sa sagot ko

" Okay, sasabihin ko sayo lahat."

" Sege makikinig ako."

Nag simula na iton mag kwento na hindi daw ako niloko ni Sam. Nong una pustahan lang ang lahat, pero unti unti nakilala niya ako at minahal.

" Pinagtatakpan mo ba siya?"

"Hindi ko siya pinagtatakpan Ran, aminin mo man sa hindi ramdam mo ring minahal ka niya diba? And one more thing, tandaan mo hindi siya ang nagtago ng tunay niyang pagkatao, hindi siya ang unang nangloko na umpisa pa lang pati kami niloko mo." nakatingin lang ako sa kanya pero walang makikita na emotion sa mukha ko.

" Okay fine, tulungan mo akong makausap siya."Ngumiti ako na parang baliw.

" I want her back." Dugtong ko na ikinalawak ng ngiti niya.

Sorry sa wrong grammar ito na yong ud, busy sa thesis kaya short ud lang. Ako na kasi ang nag uud nito tumiwalag na si cousin.

I would like to say thank you to everyone for taking the time to read, vote, comment, and putting my story in your reading list.

.

.

.

..

.

"Thanks guys malapit narin matapos itong be mine ms. Brat. Sorry sa typo error ayusin ko to pag natapos ko na ito.    


Be mine Ms. Brat [editing] (GXG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon