Hi ako pala si Shini, kalilipat lang namin nina mommy dito sa Makati. Galing kaming Pasig dati, sa isang subdivision doon.
Walang natira saken maliban sa mga dress kong matagal na at iba pang gamit na medyo may kalumaan na. Simpleng buhay lang meron kame, hindi mayaman, hindi rin naman naghihirap. Ngayon lang talaga kami nabaon ng ganito sa utang at parang nawala sa ayos lahat.
Lahat kase ng pera namin, nawala. Sa isang iglap natanggal si Daddy sa trabaho sa pinapasukan nyang building sa Ortigas pagtapos nyang malulong sa droga.
Ganunpaman, naging kalmado si Mommy. Sa kanya nga siguro ako nagmana na nagiisip ng solusyon kaysa problema.
Nandito ako ngayon sa isang fastfood sa Makati. Nasa counter ako nakapwesto at talaga namang nakakapagod.
"Hi sir! Good morning! What is your order?"
Nakangiti kong tanong.
"Miss, yung chicken nyo na nasa letter C ba yun, may kasama bang side dish yun?"
Napapasingkit nyang tanong. Siguro Malabo ang mata ni kuya hindi makatingin ng maayos. Pero infairness, may itsura si Kuya.
"Ah yes sir, pwede po siyang macaroni salad or mashed potato"
"How bout the soup? di ba pwede yon?"
"Hm, pwede po sir kaso magaadd nga lang po kayo ng 15 pesos"
"Okay, kukunin ko na."
Binigay ko sa kanya ang order nya habang nakangiti. Syempre umaga, bawal bad vibes.
Maya maya pa nagulat ako ng sumigaw tong si Kuya.
"What the hell miss, ano to? bakit ganito kaonti? ganyan kamahal tapos sobrang onti."
Ay aba teka, bakit ako ang sinisigawan ni Kuya? Hindi ba pwedeng ako lang ang nagserve at hindi ako ang gumawa.
"Ahm, weyt sir, I will expl.."
Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay ibinato nya lahat ng order nya at ang masaklap tumapon sa mukha ko ang Rootbeer na drinks nya.
Syempre naginit na din ang ulo ko, at napasigaw ako.
"HOY KUYANG WALANG MODO AT NI HINDI MARUNONG RUMESPETO, UNANG UNA SA LAHAT PWEDE NAMAN PO NAMING GAWAN NG PARAAN YAN KUNG AYAW NYO, EH DAHIL SA MASAMA ANG UGALI NINYO AT NAPAKABASTOS NINYO, ISUNGALNGAL NYO SA BAGA NINYO YUNG SOUP NA YAN! ANTIPATIKO!"
Nagulat na lang ako na lahat sila nakatingin sakin at ang buong paligid ay sobrang tahimik na.
Kaya naman nakahalata na ko, tinignan ko sa gilid ko ang isa kong manager na nasa gilid at halatang halata na gulat na gulat siya sa ginawa ko. Nakita ko din ang dalawang kaibigan kong lalake na nagpipigil ng tawa at gayundin ang masamang tingin sakin ng lalaking nasigawan ko.
Kaya naman unti-unting humina ang boses ko at sinabi ko sa lalaki na I'm sorry habang nakayuko.
"Where is your manager?"
Tangina naman, lagot na. Hinahanap nya na ang pinakabakla sa lahat ng mga bakla. Pogi pa naman din tong customer, for sure ako ang bubulyawan nito.
Hays, malas.
"Shini, pack your things and change, go to my office later, We'll talk."
sabi ni Manager Germie. Guillermo talaga pangalan nya, pero dahil bading nga siya, eh naginarte siya sa pangalan niya at yan na nga ang resulta.
Ginawa ko ang inuutos nya, hindi ko na alam ang susunod na mga nangyare pero kinakabahan ako ano man ang magiging katapusan non.
"Shini, what did you do earlier? Are you completely out of your mind? Do you even know how much part of this management will be put into shame dahil sa ginawa mong kabastusan?"
"Sir."
Tinitigan nya ko ng masama na parang mas nagiinit ang paligid kaya naman pinalitan ko.
"Mam"
"No need to explain Shini." sabi niya na may kasamang irap.
Sa isip isip ko, wow akala mo naman may matres para makapag-irap ng ganon.
At dahil umay na umay na ko sa sistema ng management nila, matapang akong sumagot ng parang nasa teleserye lang.
At dahil English siya ng English kahit napakamonotone ng boses niya, ay di na rin ako nagpakabog. Excuse me sa kanya no, champion kaya ako ng elementary sa English Declamation.
"We'll Guillermo, who even told you that I would waste my time explaining my side, the fact that you won't listen is enough and clear to me and everyone here knows that you are just a fucking retard supervisor who keeps on flirting because your life is miserable for being a shitty gay your entire life. By the way, you cannot fire me, because I quit."
Sabay bagsak ko ng pinto. Pagkalabas ko, nagulat ako. Lahat sila nagpapalakpakan, masaya at parang gusto nila kong bigyan ng trophy.
Ilang Segundo pa ay lumabas si Guillermo, at nakataas ang kilay.
"Yes guys? What's funny?"
Nakatalikod ako. di lumilingon. Nasa bandang pinto na ko ng biglang narinig ko si Yorks na nagsalita.
"Kayo sir, nakakatawa. Hahahhaha!"
Nanahimik lalo sila at lahat ay nakatingin kay Yorks. Si Evan naman ay tinapik siya sa braso na parang nagsasabing, tangina mo ano yun.
Maya-maya pa ay huminto si Yorks sa pagtawa at binaba ang apron nya.
"Hoy bading, quit na din ako wala na si Shini eh."
Atsaka siya kumindat Kay Guillermo na talagang may pangaasar.
"Shini, wait! Sabay na tayo. Ge van! kitakits sa dorm mamaya."
BINABASA MO ANG
Let the games, Begin
Teen FictionHindi naman pala laging masaya, meron din palang parte na malungkot, mas malungkot at pinakamalungkot. Pero yung importante, ang bagsak nyo sa isa't isa.