CHAPTER V: SHADOW FIEND

15 0 0
                                    

Wreck

Grabe napakasunget nitong babae na to. Pero okay lang, babae siya, for sure my weak spot din to.

Ang cute nya ngumiti talaga namang mapapangiti ka rin. Ang kulit din ng mga kwento sa kanya ni Yorks ng naginuman kame.

Nagdodota pala siya at talagang palakaibigan kapag gusto nya yung tao. Mali lang ata approach ako, pero di ako susuko. Papunta ako ngayon sa bahay nila. Ewan ko na lang kung di pa to matouch sa gagawin ko.

Shini

Pagkagising ko nagtext agad ako kay Yorks.

Good morning bish, pero walang good sa morning mo dahil ibinigay mo number ko kay Wreck! Nakakainis ka bish!

Ilang minuto pa ay nagreply siya. Buti naman gising na siya.

Bish? okay kalang di ko nga binibigay number mo sa mga nakakalaro natin ng DOTA eh o kahit kanino diba. kahit tropa ko pa.

Eh bakit nalaman ni Wreck number ko?

Baka yan yung naginuman, tinignan nya number mo sa phone ko. Bihis ka na ba? Susunduin na kita.

Hays, bwiset talaga yang kaibigan mo na yan. Maliligo tapos bibihis na ko. Dalian mo ah. Sa may labas ka na lang maghintay, magulo bahay eh.

Sige sige. Papunta na ko, dalian mo kumilos bish.

Yorks

Gago talaga tong si Wreck, nakakatakot isiping gusto nya si Shini. Hindi naman malabo kase na magustuhan mo si Shini. Mahilig kase ngumiti. Nagsusungit lang kapag naumpisahan mo. Cute pa din kahit masunget.

Kung pwede ko lang sabihin sa mga tao na tigilan na nila si Shini, akin lang si Shini. Eh ginawa ko na.

Kaso ayokong masira talaga yung magandang samahan namen. Sa tamang panahon, darating din yun alam ko.

Malapit na ko sa bahay nina Shini ng nakita ko si Wreck sa tapat ng bahay nina Shini. Nagulat ako, sakto namang lumabas si Shini at tinitigan ako ng masama. Akala nya siguro isinama ko si Wreck.

Shini

Lumabas ako ng bahay at nagulat ako sa nakita ko, shit lang. Si Yorks kasama si Wreck.

"Biiiiish bat mo naman sinama yan dito"

Nagkibit balikat si Yorks habang nasa bulsa nya ang mga kamay nya.

"Wag ka magalit sa kanya Shini, ako lang magisa ang nagpunta dito. Susunduin sana kita kaso susunduin ka din pala ni Yorks"

"Nyenye? okay ka lang, nagpapasundo ba ko sayo at sino nagsabing sunduin moko."

"Grabe ka saken ah"

Malungkot nyang sabi habang nakayuko.

Medyo nakonsensya naman ako, baka nga sobra na ko sa pagmamaldita sa kanya. Eh kase naman baka katulad lang siya ng ibang lalaki na trip trip lang.

Pero nagulat ako ng bigla siyang tumitig saken at sinabing,

"Pero okay lang, dalawa na kameng bodyguards mo!"

Grabe. Di nako nakipagtalo at hinayaan kong ihatid na nila ako.

Simula ng araw na yon, Hindi na si Yorks ang nagsusundo sakin, palaging si Wreck na. Busy daw kase si Yorks sa midterm at kay Wreck nya inihabilin ang pagsusundo at hatid saken.

Di nagtagal ay naging close kame ni Wreck, di naman pala siya kagaya ng nasa isip ko.

May mga pagkakataong napapatingin ako sa kanya. Para bang saulo ko na ang bawat detalye sa mukha nya.

Ibang klase na yung pakiramdam kapag wala siya sa tabi ko, parang di na ko sanay, tuwing umaga hinihintay ko na yung text nya. Tuwing matutulog na ko hinihintay ko yung tawag nya. Para bang hawak nya na yung kalahati ng buhay ko at parang sayang yung mga oras ko kapag di ko siya nakikita.

Dumating yung panahong, sinagot ko din siya.

Ang saya sa feeling. Sigurado ako ganun din sya. Yung feeling ng may nagaalala lagi sayo, yung may nagaalaga sayo, yung may nangingielam, yung may nagseselos at may nangaangkin sayo. Eto pala yung love.

Pero dumating yung time na kinatatakutan ko. Yung time na magkakaroon ako ng mga pagsisisi na dapat Hindi. Yung time na nagdoubt ako sa sarili ko. Isang gabi, nakipagbreak si Wreck. Walang dahilan, walang kahit anong maliit na dahilan. Basta isang gabi bigla nya na lang sinabi na,

Shini, sorry, ako may Mali dito, kailangan na nating maghiwalay.

Ang sakit puta, gusto kong lagnatin, gusto kong may bumaril o gusto kong magpakamatay ng gabing yun. Dinudurog ng unti unti yung puso ko. Sabi ko nung gabing yun, di na mauulet to. Di na muling mangyayare sakin to.

Umuwe ako at ilang araw akong parang wala sa sarili. Hindi ako nakakatulog at parang may sakit sa loob ko na hindi matanggal tanggal. Parang winawasak yung mga lamang loob ko.

Ibinuhos ko lahat sa diary ko.

Ganun ba kadaya yung tadhana? Akala ko noon, madali lang lumusot sa mga ganitong problema basta magkasama kayo ng taong mahal mo. Pero bakit may mga taong magaling mangiwan? magaling magtapon ng pinagsamahan. Medyo mahirap yung sabay kayong gumagawa ng ala-ala tapos sa isang iglap, magiging parte na siya ng mga ala-ala na pinagsamahan nyo.

Ganun ba yung resulta kapag nagmahal ka ng totoo? Yung halos kalahati ng pagkatao mo eh isinuko mo sa kanya tapos iiwan ka naman pala. Ganun ba kabilis bumitaw? Anong gagawin ko bukod sa manahimik dito at umiyak. Nababaliw na ko kakaisip san ba ko nagkamali, para bang equation ang pag-ibig na kailangan may formula? Saan ako nagkulang. Tangina Wreck, ubos na ubos ako. Pakiramdam ko, nagiging abo ako sa kinauupuan ko. Napakasalbahe mo. Hindi ka patas lumaban.

Pagkatapos kong isulat yun, biglang nagdilim ang paningin ko. Biglang tumahimik ang buong paligid ko.

Let the games, BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon