CHAPTER VI: REINCARNATION

3 0 0
                                    

Yorks

Niyaya ko na umalis si Evan, alam kong umuwe na si Shini. 120 minutes din kaming naghintay ni Evan kay shini sakaling pumunta siya sa playground.

Sa totoo lang nagaalala ako kay Shini, naalala ko kung pano maging taong in love si Shini.

Nakakatuwa na nakakainggit si Wreck ng mga panahong yun, laging may surprise sa kanya si Shini. Naalala ko ng sinabihan ko si Shini na dapat lalaki ang gumagawa ng mga ganung bagay, nginitian nya lang ako at tinanong, dapat daw ba lalaki lang ang nagpapasaya, nagulat ako nun at sobrang nainggit kay Wreck. Sana ako na lang yun, Sana ako na lang yung nasa posisyon ni Wreck.

Mahal na mahal ni Shini si Wreck. Kaya naman ng nakipagbreak si Wreck, halos mamatay si Shini. Sobrang awang awa kaming lahat. Gusto kong bugbugin si Wreck ng mga panahong yun. Ilang araw nagkulong si Shini sa bahay nila. At ng puntahan ko siya, nakabulagta na si Shini, isinugod ko siya sa ospital.

Ilang araw ay nagising din si Shini. Nagulat ang lahat paggising ni Shini, napakasigla nya. Napakaganda ng mga ngiti nya. Gusto nya ng umuwe agad.

Si wreck naman mga ilang araw pa ay nagkaroon ng Girlfriend. Si Karen, ex ni Evan. Nagulat maski si Evan. Sabi ni Evan ayaw nya daw sa babae, di na sinabi ni Evan kung bakit. Pero okay lang kay Evan na naging gf na ni Wreck ang ex nya.

Ngayon ko lang ulit nakitang ganito si Shini. Mahal nya pa nga siguro si Wreck, walang duda.

Shini

Nasa bahay na ko ngayon, medyo okay na ko. Patulog na ko ng nakareceive ng text mula kay Yorks at Evan.

Hoy bish gising ka maaga bukas, DOTA tayo :) -Yorks

Crying lady, maaga ka gumising, may laban tayo. -Evan

Ito yung magandang solusyon sa mga heartbroken eh, mga kaibigang alam na alam nila ang interes mo lalo na sa mga panahong wala kang gana mabuhay. Eto naman talaga mga kayamanan ng mga single eh, pamilya saka kaibigan. Bakit ba kase walang in a relationship with friends sa FB, hahahahaha!

Nandito na kame ngayon sa Hachibi Shop. Nagulat ako na seryoso pala si Evan sa Laban na text nya. Makikipagpustahan daw kame ng 3v3 sa mga Mars, yun yung pangalan ng grupo ng makakalaban namen. Kilala sila dahil magagaling sila at sumasali sila sa mga tournament. Sa totoo lang hindi ako natatakot dahil mas magaling naman at mas mautak naman sa kanila itong si Evan at si Yorks na kilala ding gamer. Natatakot at sobrang nangangatog ako dahil baka ako ang maging dahilan ng pagkatalo nila.

Sabi ni Evan at Yorks sila na daw bahala sa pusta. Maglaro lang daw ako. Magkaroon ka nga naman talaga ng mga mababait na kaibigang ang hangad ay maging masaya ka lang, napakasarap sa pakiramdam.

Nagumpisa na ang laban, medyo nakakainis kase nakaban lahat ng hero na alam ko, medyo nakakaawa ako dahil parang ang role ko eh hindi support o hitter. Kundi CARRY, AKO YUNG IKECARRY. Hays.

Tumagal ng 45 minutes ang Laban sa first game at 50 minutes sa RM. Pero nakakatuwa panalo kame. Nagulat ako ng ibinibigay na ang pusta. 1500, grabe! Di ako makapaniwala na ganun kalaki ang presyo ng pusta. Pano kung natalo pala yun, siraulo talaga tong dalawang to.

Narinig ko naman na nagsisisihan ang mga myembro na Mars. Kesyo natalo daw sila ng babae. Tumingin naman ako at nabigla ako pagkatingin ko.

Lahat ng mga nakinuod sa Laban ay nakatingin saken at yung iba nakangiti. Yung Mars naman eh halata na gustong gustong bumawi at parang may kasalanan ako sa kanila.

Agad akong nagtanong kay Yorks.

Bish, madumi ba mukha ko, tignan mo nga, nakatingin sila lahat saken. Parang may nakakatawa saken.

Bish, wag kang paranoid. Trip ka ng mga yan, ganda mo daw eh!

Nainis ako sa sagot nya na halatang nagbibiro kaya hinampas ko sya sa braso.

Umalis na kame sa shop at sumakay ng jeep. Habang nakasakay kame sa jeep eh biglang prumeno ang jeep ng biglaan kaya yung mga pasaherong di nakahawak eh nagtalsikan paharap. Kasama ako sa tumalsik.

Nang umupo na ko sa tabi ni Evan at Yorks, nagulat ako sa sigaw nila.

"Shit shini, dumudugo yang boo mo.!"

Nagtaka naman ako at pagkapunas ko ng panyo, shit ang dami ngang dugo.

"Manong, nasugatan po yung kaibigan namen, dalhin nyo po kame sa ospital ngayon kung hindi magsusumbong po kame sa pulis dahil di kayo magingat magdrive."

Mabait naman ang driver at humingi ng paumanhin at pinalipat ang ibang pasahero at saka kami nagpunta sa ospital.

Pagdating namin sa ospital ay tinahi ang sugat ko. Pagtapos ay kinausap ng doktor sina Evan at Yorks.

Yorks

Kayo ba yung kamag-anak ni Shini?

Ay hindi po Doc, mga kaibigan nya lang po kami. Wala pong ibang kasama si Shini. Sya lang mag isa. Sila lang po ng mommy nya magkasama, kaso wala po mommy nya. Nasa ibang bansa.

Ganun ba? Sige sa inyo ko na lang ipapaalam. Si shini ay may sakit na CIPA, ibig sabihin ay Congenital Insensitivity to Pain with Anhidrosis.

Doc, malala po ba yun?

Actually hindi naman malala pero nakakabahala. Ang sakit na to iho ay sobrang bihira. Ang mga taong may sakit na ganito ay walang abilidad na makaramdam ng sakit, ng init o ng lamig. Maski ang sarili nilang pagihi minsan ay di nila mararamdaman. Pero nakakaramdam sila ng pressure. Nakakabahala dahil mas malapit sa mga sakit si Shini. Nakita ko ang mga records nya at ayaw niyang magpagamot.

Po? ayaw nya magpagamot?!?

Yes iho, kaya kinausap ko kayo para ipaalam na hindi biro ang ganitong sakit. Kung makukumbinsi nyo si Shini na magpaggamot eh gawin nyo na habang maaga pa.

Nagulat ako sa mga narinig ko. Maski si Evan ay nagaalala din. Salita ng salita si Evan pero ako sobrang tahimik at awang away kay Shini.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let the games, BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon