Shini
Summer non. Bday ni Evan, sinama ako ni Yorks para ipakilala sa mga tropa nya. Ako lang babae that time at lagi akong kinakantyaw kay Yorks.
"Nice pre, pakilala mo naman kame sa kasama mo." sabi ni Evan.
Lima sila at ako na kasama papunta ng Laguna. Private pool ang venue ng bday ni Evan. May kaya sina Evan kaya naman walang problema sa kanya kapag may importanteng okasyon.
"Easy lang kayo mga gago, besfren ko si Shini, kababata ko din."
Isa isa ko silang shinake hands na medyo nahihiya pako.
Pinakilala naman sila isa isa ni Yorks.
"Shini, yung nagdadrive, si Evan, siya yung may bday, yung nasa tabi nyang panget, si Wreck"
Nagtawanan naman silang lahat sa description na ginamit ni Yorks. Tinignan naman siya ng masama ni Wreck at binato ng plastic bottle.
"Tapos itong dalawang mokong na nasa likod, si Noram at si Norian, magutol yan."
Nasa loob kami ng van, at dahil napakaonti namen madali kong nakabisado ang mga pangalan nila.
Pagdating namen sa resort, agad kaming pumunta sa mga kwarto namen. Ako lang mag-isa sa kwarto tapos sila magkakasama. Medyo inis ako kay Yorks dahil di man lang nya ko ininform na ganito mangyayare.
Medyo pa-gabi na ng nagumpisa kame maginuman. Kaya naman chill na lang ang lahat.
Una na akong natulog at nilock ko ang pinto. Syempre okay na yung maingat, haha!
Sa totoo lang di ako nakatulog dahil napakaingay nila, pero pagdating ng alas tres ng madaling araw, nakita ko na wala na sila sa baba. Sinilip ko sila isa-isa sa bintana at nakita kong tulog na sila.
Bumaba ako at kumuha ng beer, feeling ko gumagawa ako ng movie at ginaya ko yung mga napapanuod ko na umuupo sa tabi ng pool na nagiinom magisa.
30minutes akong nagmumuni muni sa pool habang nakababad ang paa ko sa pool. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng ganito. Sobrang nakakagaan ng problema.
Maya-Maya nagulat ako ng may repleksyon akong nakita sa pool na sobrang ikinakaba ko. Ilang sandali pa ay may humawak sa balikat ko. Sisigaw na sana ako ng nagsalita siya bigla.
"Shini, bakit mag-isa ka lang."
Pagkatingin ko, si Wreck pala. Una akong napatingin sa mukha nya. Sa isip isip ko, gusto ko siyang sigawan kaso di ko pa nga pala siya close.
"Ui sorry nagulat ba kita?"
Whoa, nababasa nya ata nasa isip ko, pero okay lang nagsorry na naman eh.
"Ah eh sa totoo lang sobra, akala ko multo, sisigaw na sana ako."
"Hahahahaha, sira bat mo naman naisip na multo ako?"
"Pano, sinilip ko kayo kanina sa kwarto isa-isa, tulog na tulog na kayo."
"Hahahaha ganun, matatakutin ka pala eh."
"Huh? gusto mo itulak kita sa pool? Magkaiba yung nagulat sa matatakutin"
"Awts, halika!"
Nagulat ako dahil bigla nya kong binuhat at tumalon sa pool.
Shit, shit, shit grabe, halos pumasok lahat ng tubig sa ilong at tenga ko. Pagkaangat ko sa tubig umahon agad ako at nakakainis dahil tawa pa siya ng tawa.
"Bakit mo ginawa yun? Nakakainis ka!"
Tanong ko sa kanya ng pasigaw sigaw habang tumatalon talon para lumabas ang tubig sa tenga ko.
"Alam mo shini, ang cute mo, kung di ka lang girlfriend ni Yorks eh."
Nakangiti nyang sabi saken habang nasa tubig siya.
"Ewan ko sayo, at di ko boyfriend si Yorks, magbesfren lang kame."
Naglalakad na ko paakyat sa kwarto ko at siya naman nakaahon na.
"Hindi mo boyfriend? So pwede ako manligaw?"
Tanong nya habang tumatawa.
"Tse! wala akong pakielam sayo!"
Pumasok agad ako sa kwarto. Inilock ko ulet para sure. Ano daw? Si wreck gusto manligaw.
Kinabukasan, nagiimpake na kame sa van ng mga gamit namen.
"Hi shini, napagisipan mo na ba yung offer ko?"
Tanong ni Wreck habang nilalagay ko yung mga gamit pangihaw sa likod ng van.
Hinila ko naman agad siya at kinausap sa kabilang side ng van.
"Hoy wreck, nahihibang ka na ba? Wag mo kong pagtripan, kase una sa lahat hindi kita type, sa iba mo na lang ioffer yang inooffer mo!"
"Anong offer?" tanong ni Yorks
"Ah wala, may inaa..."
Di pako nagsasalita ng biglang nagsalita to si Wreck.
"Dude, remember, nagpaalam ako sayo kagabi na liligawan ko si Shini?"
Nagulat ako sa sinabi ni Wreck. Pumunta naman agad ako kay Yorks at kinurot siya sa bewang. Sumakay na ko sa Van at inisnob silang dalawa hanggang makauwe.
Ilang sandali pa nakareceive ako ng text kay Yorks.
Bish, wag ka na magalet, laseng na kame non eh, akala ko nagbibiro lang si Wreck, hayaan mo na, proprotektahan naman kita lagi diba? ;)
Hays pasalamat siya besfren ko siya. Nakakainis kase, parang ibinugaw nya ko sa taong di ko naman kilala.
Matutulog na sana ako ng biglang nakareceive ulit ako ng text.
You are my stars and I will be your Sky. Hi shini!
Eh? Sino ka po?
Ako yung knight and shining armor mo.
Wala akong panahon manghula, sino ka ba?
Ang pinakapoging lalaki sa mundo. Si wreck to :) Labyu.
Ah, wrong send po kayo. Bye!
Yun na lang ang nasabi ko saka ako natulog na. Bwiset pano nya nalaman number ko, tae si Yorks siguro hays, tae bukas talaga sakin to si Yorks.
BINABASA MO ANG
Let the games, Begin
Fiksi RemajaHindi naman pala laging masaya, meron din palang parte na malungkot, mas malungkot at pinakamalungkot. Pero yung importante, ang bagsak nyo sa isa't isa.