CHAPTER III: Happy Three Friends

4 0 0
                                    

Shini

Nak ng, mukha kaming happy three friends, kasama na namin si Evan na nagaapply. Pano ba naman, nagresign kinabukasan the day na umalis kame ni Yorks. Nagiguilty tuloy ako dahil parang ako ang may kasalanan kaya nadadamay pa silang dalawa.

Una naming pinuntahan ay yung sa may Serendra, mas okay na kame dito kung tutuusin dahil malapit lang sa school at sobrang lapit lang din sa Mall. Hahahaha!

Swerte naman na kahit yun ang pinakaunang lugar namen na pinuntahan ay tanggap kame agad. Pogi nga ng manager eh, ang kaso, Bading.

Pero malayong malayo si Sir Penny kay Guillermo na nuknukan ng sama. Si sir penny ay mabaet sa mga empleyado nya at napaka down to earth na tao.

Maguumpisa na kame sa Monday, kaya naman meron pa kameng bukas at sunday para maggala at magpakasaya sa buhay.

Naglakad lakad muna kame dito sa serendra, napagdesisyunan naming magTimezone muna at maglaro ng silent hill na kinakaadikan naming tatlo. Kinuha ko ang card kay Yorks at sinabi kong ako na ang magpapaload. Pumunta na ako sa counter at iniwan ko sila sa may dance revo. Ang kulit para lang akong may kasama na dalawang bata.

Yorks

Nagpaload na si Shini sa counter habang kami naman ni Evan ay busy dito sa dance revo. Napahinto kame sa pagsasayaw ng tinabig ko sa braso si Evan.

"Evan, shit!"

"Ha??! shit ka din"

"Gago, hindi tignan mo"

Itinuro ko sa kanya ang magsyota na nasa bandang billiard section. Agad din siyang napamura at natulala gaya ng reaksyon ko.

"Ay pota, masama to."

Agad kameng nagkatinginan ni Evan, at dahil halos para na kaming magkapatid, titig pa lang alam na namin ibig sabihin.

Pumunta kami agad sa counter at hinila si Shini.

Shini

"Shini, Tara na!"

nagmamadaling sabi ni Yorks. hawak nilang dalawa ang kamay ko at hinihila ako palabas. Di ko sila magets, silang dalawa naman ang nagsuggest ng lugar na to.

"Aray, teka bakit? diba dito nyo gusto?"

"Ah, eh kase shini naisip namen ni Yorks na ang, naaaaa.."

Napapakamot pa si Evan kaya nakaramdam ako na parang may tinatago silang dalawa saken.

"Na ano shini, ampanget pala dito. pati sira yung silent hill nila."

"Hays, kung ano man yung tinatago nyong dalawa, bahala kayo, Kain na lang muna tayo gutom na ko eh."

Hindi na ko nakikipagtalo sa mga ganitong kasimpleng bagay, madali naman ako kausap eh.

Kaso may nakakagagong nangyare. Malapit na kame sa exit ng nakasalubong namen si Wreck at ang bago nyang girlfriend na si Karen. Si Karen na ex ni Evan dati, at si Wreck, siya yung ungas na boyfriend ko dati.

Nagkatugma tugma ang mga Mata namen. Sa totoo lang di ko kilala si Karen. pero maganda siya, siguro bukod sa mukha niyang maganda ay maganda din ang ibang personalidad at aspeto ng pagkatao nya. Kaya naman siya minahal agad ni Wreck.

Gustong gusto kong laitin yung babae, pero laging pumapasok sa kokote ko na wala siyang kasalanan. At hindi ako ganun kababaw na tao para manghamak ng kapwa dahil lang sa bitter ako.

Hindi ako kilala ni Karen pero di ko rin sure kung naikukwento ba ko ni Wreck.

Ayan na nga, papalapit na sila at kame. Etong dalawang lalake naman ay hawak hawak ako sa magkabilang braso, parang mga bading.

Nagulat na lang ako ng nangamusta si Wreck kay na Yorks at Evan. Pero sakin, Hindi. parang di nya ko nakita, parang di nya ko kilala, parang hindi naging kame.

Magkakaibigan silang tatlo bago pa ko naipakilala ni Yorks kay Wreck.

Umalis na siya pagkatapos at nilagpasan ako, nilagpasan ako na parang hindi ko siya nahalikan, na parang di kame naghalikan. Nagawa nyang magpanggap na di niya ko nakikita kahit na nasa gitna ako ni Yorks at Evan.

Sabi ko matapang ako, sabi ko matalino ako. Pero hindi sa pagkakataong ito. May kirot sa puso ko na biglang nagparamdam sa buong sistema ng pagkatao ko. Ganun pala kasakit na daanan ka lang ng isang taong pinahalagahan mo ng sobra. Ganun pala kahapdi sa pakiramdam kapag yung taong minahal mo ng sobra ay kayang kumilos na parang wala ka sa paligid nya.

Nagbago yung mood ko na dapat ay okay naman. Kaya nagpaalam ako kay na Yorks at Evan.

"Yorks, Ev, CR lang ako, sumakit tyan ko eh. natatae ako hahahaha"

Ito na naman yung mga oras na nagagawa kong pekein ang sarili kong tawa, yung sarili kong nararamdaman. And I really hate myself when I'm doing this. Parang mahina ako na nagpapadala sa emosyon. Para akong tanga na nagmamahal parin sa isang tao na may bago na at nakamoveon na sakin. Para akong nanghuhuli ng hangin.

"Weh? kanina sabi mo nagugutom ka na, tas ngayon natatae ka?"

Siniko naman siya ni Yorks kaya agad siyang nagsabi na

"Ay sige shini, hintayin ka namen dun sa playground."

Eto yung gusto ko sa dalawang to, alam nila kahit papano yung nararamdaman ko.

Nagtungo na ko sa CR at dun kk ibinuhos lahat, lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kanina ng nagkita kame ni Wreck, lahat ng luha ko dun ko sa CR inilabas. Buti wala akong sounds umiyak, at kapag umiiyak ako hindi halata, talent ko ata yun.

Yorks

Abnormal talaga to si Evan. Alam namang ganun talaga si Shini. Noong bata kame ugali na ni Shini yung aalis o magdadahilan na may gagawin siya kada sumasama na ang loob nya o iiyak na siya. Yung parang akala mo wala lang sa kanya pero deep inside mamamatay na siya.

Alam ko, alam na alam ko. Dahil ilang beses ko siyang nasaksihang ganito.

Una eh yung napagalitan siya ng Prof. namen dahil di niya naisubmit sa oras yung project. Pangalawa eh nung sobrang bata pa kame at sinermonan siya sa harap nameng mga bata. Pangatlo, yung nagbreak sila ni Wreck.

Pinakamasakit sa kanya ay yung pagbebreak nila ni Wreck. Alam ko dahil kitang kita kung paano niya pinipigilan yung luha nya. Para siyang nawawalang bata na naghahanap ng magulang. Isa lang ang sinabi nya nun, ng tinanong namen siya ni Evan.

"Ui mga pre, uwe muna ko samen ang sakit na ng tyan ko eh, natatae ata ako. Hahahaha"

Kaparehas ng mga salitang binitawan nya samen ngayon.

Let the games, BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon