Gustong gusto kong sapakin si Yorks sa kalokohang ginawa nya dun. Ni hindi ko alam ang pumasok sa kokote nya ng araw na yun at sumabay pa siya sakin na mawalan ng trabaho. Imbes na petiks na lang siya dun eh pinahirapan nya pa ang buhay nya. Nakakapagtaka din na walang reaksyon si Evan sa pag-alis ni Yorks.
Super magkasanggang dikit na kase yung dalawang yun. Halos magkapatid na ang turingan. Minsan nga ay napagkakamalan na silang bakla dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa.
Nang araw na yun, isa lang ang sinabi sakin ni Yorks.
"Huwag ka na magtanong, i-update mo na lang resume mo."
Kilala ko si Yorks sa ganyang ugali nya, medyo kaparehas ko siya sa attitude na kapag sinabi ko, gawin mo. Parehas kaming maawtoridad sa mga bagay na gusto or inaasahan naming mangyare. Kaya nga hindi na ko nagtanong pa at nagpahatid na lang sa kanya.
YORKS
Hi ako si Yorks, galing ako sa angkan ng mga Yu. Kilala ang pamilya namin bilang isa sa mga malalaking kompanya na nagaangkat ng langis sa ibang bansa. Pero naglayas ako, walang nakakaalam sa pagkatao ko ngayon. Higit dalawang buwan na ng umalis ako samen.
Lumayas ako dahil nais akong ipakasal ng mga magulang ko sa isang babaeng di ko naman kilala. Ni hindi ko alam kung sino pero dahil sa pera ay talagang pursigido ang mga magulang ko na maipakasal ako sa anak ng mga Aguilar.
Matagal na nila akong hinahanap at may mataas na pabuyang naghihintay. Hindi ako nakikilala dahil syempre iba na yung pormahan ko, iba na rin ang ayos ng buhok ko.
Milyun milyon ang tao dito sa Pilipinas. At hindi iisipin ng tao na ako nga ang nawawalang Chen Yu. Unless mukang pera o kailangan ng pera ang taong makakakilala saken.
Yorks ang gusto kong itawag sakin dahil noong mga bata kame, Yorks ang tawag sakin ni Shini. Magkababata kame, halos sabay na kameng lumaki.
Nagkalayo lang kame ng kinuha ako ng parents ko at muli kameng nagkita ng naglayas ako at sa kasamaang palad eh naghirap sila.
Gustong gusto ko si Shini. Bata pa lang kame pangarap ko ng hawiin ang buhok nya sa gilid ng tenga nya. Pangarap ko ng hawakan ang kamay nya na parang akin lang siya. Pangarap ko ng halikan ang noo nya sa publiko. Pangarap ko nang maramdaman nya na mahal ko siya at Pangarap kong sana ay ganun din ang maramdaman nya.
"Ui kuys, gago si Shini, dali!" sigaw ni Evan.
Nagulat ako kay Evan, pero dahil narinig kong shini ay kumaripas ako ng takbo papunta sa counter. Pagkakita ko ay sinisigawan na ni Shini ang customer.
Hays grabe patay na, minsan yung tapang ng babaeng to wala sa lugar, grabe din ang ikli ng pasensya.
Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Parang sinasabi ng mga namen sa kanya na anong ginawa mo, pero nagpipigil kame ni Evan ng tawa sa ginawa nya.
Ilang oras pa ay natapos na siyang kausapin ni Germie. Nagpalakpakan kame dahil ang galing nya magenglish. Hahahaha super natatawa ako sa kalokohan ng babaeng ito.
Kaya naman di ako nagpahuli, nung tinanong ni Guillermo kung anong nakakatawa ay sinabi kong siya. Dahil siya naman talaga. Siniko ako ni Evan pero di ko pinansin.
Binaba ko apron ko at sinabi kong ayoko na din dahil wala na si Shini.
Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Shini. Pero ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya palabas ng resto.
Nararamdaman kong madami siyang itatanong kaya inunahan ko na siya.
"Huwag ka na magtanong, i-update mo na lang resume mo."
Masunurin naman siya. Hindi nga nagtanong, kaso tae di rin nagsalita.
Kaya naman itinulak ko siya sa pader at inilapit ko ang muka ko sa kanya. Tinitigan nya ko gaya ng pagtitig ko sa kanya na sobra namang ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Langya. ako tong mangaasar pero di ko kinakaya ang titig nya. Ramdam kong medyo nanginginig na ang braso ko. Sobrang lapit ng mukha namen sa isa't isa. Nakikita ko ang kabuuan ng mukha nya. Ang lambing, ang amo. Nakikita ko ang labi nya na parang nangaakit at gusto kong halikan.
Nagsalita ako, gaya ng Plano ko.
"Shini kapag ikaw di nagsalita, hahalikan kita."
Kapag ginagawa ko to ay nahihiya siya at tinutulak ako palayo. Pero sa pagkakataong to. Iba.
"Go, halikan mo."
Nagulat ako kaya napalayo ako.
Maya Maya pa ay bigla na lang siyang humalakhak."Hahahahhaha, kala mo ah, sanay na ko sa ganyan mo. Nakakatawa yung itsura mo gulat na gulat hahahaha!"
Haaaaays nakakahiya, napakaabnormal ng babaeng to. Ganito siya lage, pilipino pero akala mo taga-Amerika sa pagiging liberated magisip.
Tumalikod na lang ako sa sobrang hiya at naglakad.
"Tara na nga, hatid na kita sa inyo."
SHINI
Iniisip ko ngayon saan kami magaapply ng mokong na to. Ang gulo kase niya kase minsan. Parang wala sa ulirat. Minsan siya mangaasar, pero kapag pinatulan mo bigla na lang tatalikod at magsusunget. Mas babae pa sakin minsan. Hintayin ko na lang text nya.
BINABASA MO ANG
Let the games, Begin
Teen FictionHindi naman pala laging masaya, meron din palang parte na malungkot, mas malungkot at pinakamalungkot. Pero yung importante, ang bagsak nyo sa isa't isa.