CHAPTER ONE (SPG)

9.1K 106 4
                                    

ALA-SAIS na nang gabi nang magpasya si Aileen na umuwi na upang ipagluto ang asawa. Nasa labas na siya ng restaurant nang maabutan pa siya ng kaibigan niyang si Czarmaine na siyang isa sa mga chef mismo ng kaniyang restaurant na pinatayo niya, ang negosyong ipinangako niya sa namayapa niyang nanay at tatay.

"O? Wala ka pa ring sundo?" puna nito nang mapansin siya.

"Marami pa kasi siyang inaasikaso sa office kaya hindi ko na inistorbo. Magta-taxi na lang ako."

"Sabagay, ano pa nga bang bago," dagdag pa nito na nginitian niya lang ng tipid.

"Gusto mo sumabay ka na sa 'kin? Susunduin ako ni Ehd," presinta nito na hindi na niya nagawang tanggihan dahil siguradong magagalit ang kaniyang asawa kung wala pa itong maaabutan na pagkain sa bahay.

PAGPASOK niya sa bahay ay ungol agad ang sumalubong sa kaniyang pandinig na tumagos na naman hanggang sa kaniyang talampakan. Matagal na niya iyong nasasaksihan pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa ginagawang pagtataksil ng asawa? Nagkamali ba siya na bumalik pa siya at pumayag na magpakasal dito? Hindi. Kasi umaasa siya na babalik ang pagmamahal nito sa kaniya.

"Fuck! Ugh!" narinig niya pang ungol ni Venus, ang babaeng kaniig ng kaniyang asawa na si Jyo. Oo, asawa na niya si Jyo.

Limang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang ikasal sila pero pakiramdam niya taon na siyang nagpapaka-martyr sa asawa. Ganoon talaga siguro kapag mahal mo talaga ang isang tao, na kaya mong gawin at tiisin ang lahat makasama't makapiling lang ang lalaking mahal mo.

"Hay! Hindi na talaga tinubuan ng hiya," tukoy niya sa babae ng asawa.

Dumeretso na lang siya sa kusina para ipaghanda ng hapunan ang dalawa dahil palagi namang ganoon ang senaryo niya sa tuwing nasa pamamahay nila ang higad at 'yon ay ang pagsilbihan ito. Ginagawa niya 'yon dahil sa kagustuhan ng asawa. Kung noon ito ang takot maiwan, ngayon siya naman ang takot na maiwanan. Isinawalang bahala niya na lang ang kaniyang mga naririnig at inisip na lang na may mga aso't pusa na nag-aaway sa loob ng kanilang pamamahay.

SAKTO naman nakapaghain na siya nang lumabas ang dalawa sa guest room kung saan ang ginawang kwarto ng asawa. Nakita niyang nakasuot lamang ng pang-itaas ni Jyo si Venus habang ang asawa naman niya ay topless na tanging boxer short lang ang suot. Naghaharutan pa ang mga ito nang makita niya kaya medyo naasiwa siya at nag-iwas ng tingin.

Kilala niya si Venus dahil ito ang babaeng unang seneryoso ng asawa na nang-iwan dito noon bago siya. Hindi niya alam kung bakit mas maganda ang trato nito sa babae kaysa sa kaniya. Nasaktan nila pareho ang binata ngunit mas masakit yata ang ginawa nitong panloloko kaysa sa pang-iiwan niya noon.

"O, nandito na pala ang kasambahay mo," sabay ngiting nang-aasar na tumingin si Venus sa kaniya.

Kung wala lang ang asawa niya sa paligid ay baka kanina pa niya sinabunutan ang bruhang 'yon. Iyon kasi ang tingin sa kaniya ni Venus sa tuwing naroroon ito, nag-aala-prinsesa kahit na alam nitong ang kinikilalang nobyo nito ay ang asawa niya.

"Handa na ang hapunan," anunsiyo niya nang hindi pinansin ang sinabi ng babae at kumuha ng maiinom.

Siguro nga martyr siya at manhid na kahit alilain siya ng mga ito ay hindi niya ito magawang iwan dahil sa pag-asang magbabago pa ang asawa niya, na babalik din sila sa dati kahit na hindi ganito ang pinangarap niyang buhay na kasama ito. Mahilig kasi siya sa mga fairy tale noong kabataan niya kaya minsan na siyang nangarap na sana, isang araw ay dumating ang kaniyang prinsipe, na kahit hindi ito literal na prinsipe ay ituring lang siyang prinsesa ay kuntento na siya hindi 'yong ganito na alila at hangin lang kung ituring siya.

Nang matapos siyang maghain ay nagpasya na siyang umakyat sa kaniyang kwarto para magshower at makaiwas na rin sa dalawa nang mapatigil siya nang magtanong si Jyo.

It's Always Been You [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon