Chapter Four

23 1 0
                                    

CHAPTER FOUR 

5PM

Pagkatapos ng klase namin ay andito kami sa Cafe ni Hanna. 

Kasama namin si Kim, Grace at Xena. 

Barkada ko sila. Since highschool magkakakilala na kami. MT din sila dito sa UST. 

Ginagawa namin yung Experiment at Research namin sa isang Major Subject namin. 

Dito na kami gumawa kasi may Wifi naman at kumakain kami habang gumagawa.

"Oy bessy I smell something fishy sainyo ni Vince ah" Si Hanna. Naku binanatan nanaman niya ako 

"Anong fishy fishy ka diyan. Duuh! I dont Care about him.  Kapanget panget eh.  May utang na loob lang ako sakanya kaya ganon sya makakulita sakin!" Sagot ko 

"Whoo oo nga Hazie.  Type ka ata nun eh!" Sabi ni Kim. 

Saka sila nagtinginang tatlo. 

Hoo may tinatago ata sila sakin eh. 

Hinayaan ko nalang. Nagconcentrate ako sa ginagawa ko. 

*Ring*Riing*

May tumatawag? Eh andito naman mga kasama ko. 

Unknown number ulit? eh parang ito ang tumawag sakin non ah. 

"Hello? Sino po sila?" Sabi ko 

Toot*toot*toot

Binabaan ba naman ako? Huh

Nagtinginan sina Hanna, Kim, Grace at Xena. 

"Alam nyo kanina pa ako nakakapansin sainyo ah. May sinisikreto ba kayo sakin ha?!" Pagsusungit ko sakanila

"Alam mo bess, Ilang taon kana oh. Anong petsa na. You're so pretty naman. Ang kinis mo. Matangkad. Sexy, Mayaman.  Saan na si boyfriend?  Ako nababagot sa tagal mo eh." si Hanna

"Maaga pa bessy. 19 palang naman ako ah. Darating din tayo Dyan malapit na" Sagot ko 

Malapit na? Ngayon lang nagsink-in sakin ang binitawan kong salita eh. 

"Dapat lang. Kapag may dumating na pogi sagutin mo agad ha!" Sabi ni Xena Sakin

"Sige kayo na!" Ako

***

Tapos na namin ang ginagawa naming Experiment at nagaantay nako ng Taxi sa Labas ng school. 

Naku 7PM na dipa ako nakakauwi .

20minutes after..

May Tumigil na sasakyan sa harapan ko. 

Si Vince ulit? Kahit kailan talaga pasulpot sulpot tong unggoy na to

"Ano nanaman? May kailangan ka nanaman?!" Pagsusungit ko sakanya

Wag naman sana magpagawa ng kahit na ano ito. Pagod na ko ngayon noh 

Dami ko ng ginawa tapos may ipapagawa pa.

"Wala po sungit! Tara Hatid na kita!" Sungit din mag-alok nito ah 

"Ayoko baka magkaroon ulit ako  ng utang na loob sayo! Alis na!" Sabi ko 

"Halika na sabi eh. Ikakalat ko yung video!" Ha?! BLACKMAIL PRINCE !! 

Pagod na nga ako iniinis pa ako 

Sumakay na ako. Hindi ko siya kinakausap. Eh sa naiinis ako eh. 

"San ka nga pala?" Tanong niya 

"Dun nalang ako sa shed kanina. Sa labas ng YK village. 

*** 

One more chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon