CHAPTER EIGHT
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
nagising ako ng 7PM na. Di pa pala kami kumakain.
Pagtingin ko ng Phone ko nagtext pala si mommy. Daming missedcalls at text messages.
Message 1 ..
Hazie Anak, Andito si Kuya at Ate Venice mo uwi ka maaga ha magdidinner tayo dito bahay.
-
Message 2 ..
Anak Uwi ka before 7 ha.
-
Message 3 ..
Anak asan kana? Uuwi ka na ba ? Hinihintay ka namin.
-
Message 4 ..
Anak kumain na kami. Sunod kana lang ha. Hihintayin kadaw nila.
Napabalikwas ako sa nabasa ko.
7PM na andito parin ako. Di ko alam naghihintay pala pamilya ko.
Eh hindi ko pwedend iwan si Vince lalo na't inaapoy siya ng lagnat.
-
"Vince, Gising. Gabi ka. Iuwi nalang muna kita. Ang init mo." Sabi ko.
Naaawa ako sakanya. Nakokonsensya ako sa nagawa ko pinilit ko siya.
Heto tuloy kailangan ko siyang alagaan. Haay
"A-ah? Hindi na. Kaya ko namang umuwi mag-isa eh. O-ok lang ako." Sagot niya sakin.
Naku hindi pwede. Kasalanan ko pa pag may nangyaring masama dito.
"Hindi pwede sobrang init mo. Uwi ka muna sa bahay. May guest room naman kami."
-
Pauwi na kami sa bahay gamit yung Hyundai ni Vince.
Para may sasakyan siya pauwi bukas. Ipapadrive ko nalang sa katiwala namin sa shop yung Kotse ko. Hindi kasi kaya ni Vince magdrive. Madisgrasya pa siya. Naku!
-
"Tara na. Ipapakilala kita sa mommy ko. Kung kinakailangan. Magkasala pa ako sayo no! Kain kana dito."
"Nahihiya ako Hazie. Uuwi nalang ako." Sagot niya
"Hindi! Sige kahit umuwi kana pagkatapos mo kumain. Alam ko namang walang maglulutong pagkain sayo no! Lika na!" Sabi ko sakanya.
-
Vince POV
Antaas ng lagnat ko kaya hindi ako pumasok.
Pinilit ko namang mag-ayos kaninang umaga pero wala talaga.
Knock out ako. Di ko Alam kung bakit ako inaapoy sa lagnat.
May gagawin pamandin kami ni Hazie mamaya.
Kailangan ko siyang puntahan. Pero hindi! Maiintindihan naman siguro niya.
Nakatulog lang ako buong maghapon nang magvibrate ang phone ko.
Sino namang magtetext sakin? Hmm.
From: Hazie
Vince, Ba't wala ka? May gagawin tayo today right? Dont tell me ako lang gagawa? Ano bang nangyari sayo? Kung nababasa mo to, Please see me later 4PM at starbucks Coffee sa Nuvali. Gawin natin don. Since wifi zone naman yon. Thanks!
Paano na to? Ayoko namang tablahin yun. Babae parin yun kahit papano.
Ayoko rin namang sabihin sakanyang may sakit ako.
Ayokong isipin niyang mahina ako.
Dapat Malakas ako Haha di ako magpapatalo dun!
3:30 na dipa ako nakakaayos. 30 minutes pamandin byahe papunta dun.
Nag-ayos na ako. Naligo kahit may lagnat at nagbihis.
4:00 ako umalis ng bahay at bumyahe.
Na-traffic pa ako. sigurado galit nanaman yon sakin.
-
Pagdating ko nagsorry agad ako sakanya for being late.
At ayon naman. Naging cold siya sakn. As expected.
Hindi nalang ako nagsalita kasi ayoko ng makipagtalo.
Gumawa nalang kami ng research sa work area niya sa starbucks nila. Sariling trabaho kami. Walang kibuan. Pero nung may pinaabot siya sakin na papel, nagdikit ang mga kamay namin.
At ayun naramdaman niyang inaapoy ako sa lagnat.
Hindi ko na maitago pa kasi halata naman sa hitsura ko.
Iinihiga niya ako sa carpet sa baba. Since malambot naman yon. At pinainom niya ako ng gamot.
Pagkatapo nun ay natulog na ako.
Naramdaman ko ang kanyang concern. Sarap pala pag may nag-aalaga sayo. Mag-isa ko lang kasi sa condo. Ayokong tumira sa bahay namin sa mansion. Gusto ko kasi maging independent. Kaya pag nilalagnat ako, Self-care lang ako. Walang nag-aalaga sakin. Lungkot no?
Pero nung inalagaan ako ni Hazie. Ngayon ko lang yon naramdaman. Parang no one else can do care for me. Kaya nagpapasalamat ako sakanya kasi kahit mabigat ang katawan ko inakay parin niya ako. Hindi ko na kasi kaya pa ang sarili ko.
Pero nung nagising ako, Naging ok naman ang pakiramdam ko. Nakakalakad na ako magisa.
Niyaya ako ni Hazie sa bahay nila pero ayoko na silang abalahin pa. Lalo na ang mga magulang niya. Kaya naman nagpasya nalang akong umuwi nalang ng condo since malapit lang naman.
-
HAZIE'S POV
Mapilit si Vince. Ayaw niyang Pumasok sa loob ng bahay. Kaya hindi ko na siya pinilit pa.
Pinahatid ko nalang siya kay manong driver kasi baka may mangyaring masama dun pag nagdrive siya pauwi.
Pagkarating ko ay humiga na ako at hindi na kumain.
Dahil pagkarating ko sa bahay wala na sila kuya at nakaligpit na lahat ng pinagkainan. Sabi ni yaya umuwi nadaw sila kuya dahil medyo may emergency daw. biglang sumakit ang ulo ni ate Venice.
Naalala ko si Vince kanina. Ang amo ng mukha niya. Hindi mawala sa isip ko. Mapupuyat nanaman ako neto. Kasalanan ko kasi pinilit ko pa siyang lumabas. Mabait pala siya pag may sakit eh. Walang masungit, Walang blackmail, walang away.
At --
Bakit ba ganito sinasabi ko. Huh?! Ginayuma ata ako non e.
Hindi pwede! Hindi ako pwdeng magpatalo dun!
Kaaway ko parin siya!
Hinding hindi ako magpapatalo kay VINCE!
_____________________________
Vote and Comment Guys!
:)
Add po ninyo ako Facebook.
https://www.facebook.com/Denise.O.o?ref=tn_tnmn
Thankyou po!
-DJucutan