Chapter Six. Partners

21 2 0
                                    

CHAPTER SIX 

"Hazie san tayo kakain? Gutom na ako." Sabi ni Grace habang nakahawak sa kanyang tiyan 

"Oo nga hazie san tayo kakain? ikaw may kotse eh Haha" Si Hanna. 

Huh. di naman ako apektado sakanilang dalawa eh.  Naiinis lang ako dito kay Hanna kasi siyempre since elementary kami kambal tuko kami niyan. Lahat ng sikreto niya alam ko at ganun din ako sakanya. Tapos isang araw ganun nalang ang makikita ko? Ni hindi man lang ako binalitaan. Sino namang hindi magtatampo dun diba? Out of Place na ako neto eh. 

"Greenwich nalang. Para maiba naman." Walang ganang sagot ko.  

"Sige. Oy grace Kim At xena sakay na kayo. Sasabay na ako kay Vince!" Si Hanna

Anak ng!  Magsasabay sila? Sasama si Vince? NAMAN!!

-

"Oh tara dito na tayo. Andun na sila Hanna oh!" Si xena

Nauna na sila. Bilis kasi magpatakbo ni Vince eh. 

Wow himala hindi sila magktabi. Magkaharap!

Nagmadaling pumasok yung tatlo at pumwesto na.  Good for 6 yung inupuan nila. 

Si grace at Kim tumabi na kay Hanna. 

Si xena nasa tabi ni Vince. Teka eh saan ako uupo? Waah! Sa kabilang tabi ni Vince!!

"So dito ako uupo? Unfair ha!" Sabi ko sakanila. 

"Eh arte mo naman bess diyan kana. Kakain lang naman tayo eh." 

Ganito posisyon namin. 

Grace    Hanna    Kim

____     _____    ____

Xena      Vince      Ako

Shete bat ambango ng katabi ko!

Shet tumigil ka Hazie!! 

Alam mo yun? Yung lalaking angbango-bango. As in mag-sstay yung amoy niya. Nakakaturn-on

Tumigil kanga hazie. Sa bestfriend mo na yan!  Sabi ng konsensya ko. 

"Uhhm Hanna Paabot nga ng pizza" Sabi ko. Diko kasi maabot eh.

Nagulat ako nang si vince ang kumuha at naglagay pa ng isang pizza sa plato ko. 

Hoo pakitang tao.    Tsk ang sama ko. Wala naiinis lang talaga ako. 

"Uhm Thankyou." Yun nalang ang nasabi ko nahihiya na ako eh. 

_

Pabalik na kaming school. at siyempre magkasama parin yung dalawa. 

Pero hindi ko dapat binibigyang malisya yung sakanila. Friendly lang talaga si Hanna. Kaya nga kami bestfriends nun eh. Wala naman sigurong namamagitan sa dalawan yun. 

"Class In this term paper, you will be needing a partner. So since you all have your seatmates, You will ---"

What?! Katabi ko si Vince eh so siya ang partner ko? Whaaaat! Di pwede to! Bago pa matapos ang sasabihin niya magwewelga ako! 

"M-maam Di ba pwedeng choose your own nalang?" Sabi ko

"Miss Cruz That's final para hindi na magulo. kung hindi ka komportable sa partner mo, Try to be friendly para maging kumportable kayo sa isa't isa ok? Participate! Para maganda ang kinalalabasan ng inyong Final Term Paper. This is very important requirement since you are all graduating this school year. Without this Term Paper, We will not allow you to receive your diplomas. You're so lucky you have 4months to do this before your defense."

Waa wala akong nagawa :( 4months yun eh! Ibigsabihin 4months kaming magsasama ni Vince :(( Wala na akong kawala eh. 

Napansin kong tumatawa ng mag-isa si Vince. 

"Hoy Anong tinatawa tawa mo diyan! Bahala ka ikaw gagawa non!" bulalas ko

"Sige bahala ka kahit hindi tayo makapasa"

Ano ba yan!! Talagang matigas to ah. 

"Dpat dalawa tayo gagawa hindi ako lang! Walang black mail black mail!" Sigaw ko sakanya

"Idedelete ko yon sa isang kondisyon." , Vince

Shete may kondisyon talaga? Wala talaga tong puso kahit kailan!

"Ano nanaman yon?!!  Buset!" , Ako

"Friends tayo?" Ayun lang naman pala eh! Yes andali non eh. 

"HAHAHAHAHAHAHA! Yun lang pala eh. Hahahahaha!" Sabi ko hahaha.

"Hep wag kang magsaya diyan! Hindi lang yon."   Shete masaya na sana eh. Inuunder na ako nito eh. 

Habang nakatulala ako sa inis. Nagsusulat si vince. Ano kayang sinusulat nito. 

"Oh! Basahin mo!" Atsaka binigay sakin ang isang coupon bond. 

1.  Simula ngayon wala ng magsusungit. 

2. Walang sisigaw.

3. Walang magagalit. Walang mag-aaway.

4. Walang KJ. 

5. Magtutulungan tayo. 

6. FRIENDS tayo.

7. Last but not Least, AALAGAAN MO AKO. 

"ANO?!! Okay na lahat eh bat ganon sa last?? Andami mo namang pinapagawa dapat patas lang tayo nito eh!! Daya mo!" Sabi ko sabay suntok sa braso niya

"ARAY! Sadista!  Gagawin mo o Babagsak tayo? Gagawin mo o ikakalat ko ang video?" The hell! Wala ng ibang gawin ito kundi isipin ang sarili. 

"Oo na Oo na !! Sa isang kondisyon ."  Haha akala mo ikaw lang ha! Bawi bawi din!

"Sige pero isa lang. Baka umiyak kapa eh." Sabi niya

"Sagot mo lahat ng gastusin. sa Apat na buwang magkasama tayo ikaw lahat gagastos ng pagkain, Lahat lahat."  HAHAHAHAHAHA! Para naman di maubos pera ko nito noh.

"Osige. Yun lang pala eh!" Sabay kindat sakin. What?!! Ganon lang yon? Sabagay mayaman eh. Huh bahala na papabili ko sayo lahat! HAHAHAHAHAHA.

Teka. Eh pano si Hanna? Baka awayin ako nun sabihin niya inaagawan ko siya. Shete. 

Sabagay friends lang naman kami nitong kumag. 

-

Ito lang muna guys. 

Short update lang siya. 

Vote and Comment po :) Salamat 

-DJucutan 

One more chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon