CHAPTER SEVEN
"Morgellons nalang." Sabi ko kay Vince
Andito kami ngayon sa City Library nagreresearch kung ano ang magandang topic. Actually kanina pa kami nagtatalo kung ano ang gagawin naming topic eh. Nasa 30s na ang naibigay namin pero until now wala paring final. E pano ba naman kasi, Nagmamatigasan kami. Gusto niya, siya ang masunod. E siyempre vice versa.
One week na since nung naging magpartner kami.
Parang hindi nga nasusunod yung mga utos niya sakin eh. HAHA away parin kami ng away hanggang ngayon. Pero siyempre tumutupad siya sa usapan. Gastos niya lahat. Ultimo Gas ng Honda ko haha. Everyday na nagmemeryenda kami sa Mcdo, Jollibee, Shakeys, Max's, Greenwich, Goldilocks, Pizza hut, o kaya naman sa Chowking.
One time pati kakainin namin pagaawayan namin.
-
"Gusto ko Chicken Barbeque pizza. Carbonara atsaka chicken." Sabi ko sakanya. Nasa shakeys kami non.
"Ham and Cheese ang gusto ko! Yun nalang! Final!"
"E sa Barbeque ang gusto ko eh! edi tig isa tayo!"
"Fine! Dapat ubusin mo!!"
Kaya ayun haha tig-isa kami ng pizza. Eh sa masarap siyang asarin eh. Haha di naman siya nauubusan ng Pera eh kaya no problem.
-
"Hindi pwede! Masyadong rare yun sa mga sakit! Mahirap iresearch!!" Aypucha! Nagulat ako sa sigaw ng kumag na to. E nagfflashback ang utak ko bigla biglang sisigaw.
Ayan pinapairal nanaman sa kung ano ang alam.
"Eh alangan namang common disease ang ilalagay natin? E kaya nga RESEARCH diba, Kasi maghahanap tayo ng mga details na pwedeng ikalat sa community! Para may silbi naman! E kung common ang ilalagay natin e di wala din!"
"Fine! Ikaw na! basta siguraduhin mong interesting iresearch yang Morgellon na yan. Kung hindi, Ikaw nalang gagawa niyan!"
"Maaasahan mo, Sir." Haha Eh sa panalo ako eh!!!
-
8PM
Kauuwi ko lang galing sa library. Topic lang ang natapos namin.
"Anak bakit gabi gabi kana umuuwi? 8 na ah." Si mommy. Makaasta naman si mommy parang 13 year-old girl naman.
"Eh kasi ma ginagawa namin yung Termpaper namin pang final na yun eh. Dapat maganda kinalabasan nun."
"Namin? Sinong kasama mo naman anak? Galingan mo diyan ha. Dapat sa graduation mo Nasa Cum-Laude ka okay?"
Demanding mommy! Ang hirap kayang maging Cum Laude. Taas ng Average. Hmm.
"Kaklase ko po ma siyempre. Opo."
"Oh siya taas na ako anak kumain kana" Atsaka tumaas na si mommy
-
Haaynako hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pano ba naman kasi, Gingugulo nung unggoy tong isip ko. Tska pag kasama ko siya napapalakas ang kabog ng puso ko. Tssk!
-
"Anak kain ka muna bago pumasok." Si mommy sabay halik sa pisngi ko
Ilang araw na kaming hndi nakakapagbonding ng family ko. Eh pano ba naman ang hectic ng schedule ko. Graduating na eh.
At ayun kumain na ako. Hindi ako masyadong nagsasalita. Puyat kasi ako kagabi.
"Anak two weeks nalang kasal na ng kuya mo. Ready na ba ung susuotin mo?"