Chapter Three
Hazie's POV
"Anak gising kana 7:30 na oh may pasok kapa." Si mommy habang niyuyugyog ako.
Whaat? magkikita pa kami ni bessy sa Cafeteria eh. Di kasya ang 30minutes sa pag aayos ko neto eh. second day na second day late ako.
***
Naligo na ako at nagbihis.
Dina ako nakapag ayos ng mukha kasi naman eh.
8:15 na ng matapos akong magayos at bumaba ng kwarto.
naku baka magalit si Hanna neto.
"Mommy una na ako malelate nako eh. kakain nalang ako sa school" sabi ko habang sinusuot ko ang primadonna heels ko.
"Anong gagamitin mong kotse anak? hiniram ni Manong Johnny mo yung civic mo sinamahan niya si manang Rita namalengke." Naku oo nga pala hiniram nila kotse ko. Driver namin si manong Johnny.
pano na to. kung kelan naghahabol ng Oras naman eh. Malas lang
Palabas na ako ng mansion at magaantay ng taxi.
5minutes nako dito wala parin dumadaang kotse. Pano na to.
Lakad nalang ako papuntang kanto. mas madaming sasakyan dun. Naglakad ako.
VINCE'S POV
7AM na ng nagising ako.
nahirapan kasi ako kagabi sa drawing.
Weakness ko talaga ang drawing.
Umagang umaga ginawa ko na ang ritwal ko.
Naligo. Nag ayos kumain.
Matagal pa naman akong Mag ayos ng sarili.
Naka Vneck Tshirt lang ako at Jeans.
Litaw ang hubog kong katawan. Di maikakailang gwapo ako. Hahaha
8:10 na ng umalis ako sa bahay.
Binilisan ko na ang takbo ko dahil baka malate ako lalo na traffic pa sa malapit sa school.