Chapter 27

56 5 0
                                    


Bryson
Pagkatapos kong patahanin si Allyson sa masakit na nakita niya kay Steve sa park, hinatid ko muna siya sa bahay niya ngunit nakatulala parin siya at walang imik ngunit patuloy parin ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa kanyang mukha. Mukhang minahal niya talaga ng buong buo si Steve. Sinayang niya lang ang pagmamahal ni Allice sa kanya. Even me naramdaman ko din ang sakit sa puso ni Allice. Parang nasasaktan na din ako kapag nasasaktan din siya. Ang swerte niya kay Allice pero itinapon niya lang iyon sa basurahan at nagmahal na lang ulit ng babae. Bakit niya ba pinagpalit si Allice? Di na talaga natuto si Steve. Argh.

Nung nasa bahay nako ni Allice para ihatid siya, gabing gabi na nun kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Sige na Allice. Alis na ako at kakausapin ko pa si Steve."sabi ko na may ngiti.

Nang palayo nako sa kanya ay bigla niya akong hinawakan sa braso para pigilan ako. Kawawang Allice.

"Brye. Wag mokong iwan. Iiwan mo din ba ako kagaya nung ginawa ni Steve?" Paluha niyang sinabi.

Ngumisi ako sa kanya. "Ano ka ba, Allice. Wag kang OA. Uuwi lang naman ako noh!"

Kumunot nanaman ang noo niya sabay tingin sakin. "Iba naman ang ibig sabihin ko eh. Iiwan mo ba ako sa ere katulad ng ginawa ni Steve sakin."

Binigyan ko siya ng malaking ngiti bago pa ako makaalis. "No, Allice. Hinding hindi kita iiwan Bestie."

Kumaway na ako sa kanya para makaalis na at umuwi sa bahay namin. Tignan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ni Steve kapag nakita niya kung gaano kasarap ang kamao ko na sasalubong sa mukha niya. Ang tanging andun lamang sa bahay namin ay si Steve at ang Maid namin. May work pa sina mama, papa, tito and tita.

Pagkauwi ko pa lang ay nakita ko na agad si Steve at binuksan niya ako ng pinto ng nalaman niyang kumakatok ako ng malakas sa pinto.

"Oh! Hello Brye. Kamusta ang lakad--"

"You F-ING BASTARD!"sabay suntok ko sa mukha niya.

"Ano bang problema mo?! Bakit moko sinuntok?! May ginawa ba akong masama sayo?!"tanong niya sakin.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan! Alam mo ba na nasa park kami kaninang umaga? Alam mo bang nakita ka namin sa park?"

Binigyan niya ako ng blankong tingin. "Na-nandun kayo?"

"Oo! Alam mo kung ano ang nakita namin? Alam mo kung bakit umiyak si Allice ng nakita ka niya? Well. Di lang pala ikaw. Kundi may kasama kang babae! At alam mo kung ano ang mas malala dun? Nakita ka namin na hinalikan mo pa siya! Di mo kasi alam kung ano ang pakiramdam na ipagpalit ka ng mahal mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Teka! Ano naman kung may kahalikan ako? Eh di ko na mahal si Allice eh. So wala ka ng pake dun."

"ANONG WALANG PAKI?!" Sa tingin mo na okay lang na makita mo ang isang taong minahal mo pero napaman mo na may iba na pala?! Di mo ba alam na minahal ka niya ng buong buo?! Alam mo ba na halos magkalasing lasing siya nung nakipagbreak ka sa kanya? Bakit? Dahil mahal na mahal ka niya!"

Natahimik siya at tumingin na lang sa kinauupuan niyang sahig.

"Oh ano? Alam mo na kung gano kasakit na iwan ka ng mahal mo na halos binigay mo ang lahat para mapasaya ka niya? Ang sayo lang naman eh ang paglaruan lang ang lahat ng babae eh. Your such a BASTARD playboy. Sa tingin mo maibabalik mo pa ang lahat kaya wala lang sayo yun? HELL NO!!!" sabay punta sa kwarto ko ng padabog.

Ang lakas naman ng loob niya na paglaruan ang feelings ng mga babae. Ngayong nalaman ko na na wala siyang pandigan sa mga babae. Sana isinaksak niya sa ulo niya ang lahat ng mga sinabi ko. Sana maramdaman niya ang sakit na idinulot niya sa puso ni Allice. Sana nga lang.

My Ex-BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon