Author
- Minsan kailangan din natin matutong lumaban pero wag yung sobra kasi baka ikaw lahat na ipinaglaban mo pero ikaw hindi pala nila kayang ipaglaban..Mark's POV
Napagpasyahan naming anim na mag mall muna pagkatapos ng klase dahil maboboring lang din naman kami..Naghiwa-hiwalay kami napansin ko nga puro pang babaeng shops ang pupuntahan nila maliban nalang kay Staz na pupunta daw ng grocery para bumili ng Kettle Corn LANG hanep diba kailangna sa grocery pa pwede namang dun talaga sa store ng mga kettle corn's lang...
Ako mas pinili ko munang pumunta sa may NBS dahil may babasahin ako dun.. Mahilig kasi talaga akong magbasa hindi lang halata.. Nung nakita ko sila Lorraine nag tago ako saglit hanggang sa makita kong aalis yung mga kasama nya... Pagka alis ng mga kasama nya nag bayad na sya pero bigla nyang hinampas ang noo nya.. Parang may hinahanap sya hanggang sa lapitan sya ng isa sa mga staff dito.. Nagulat ako ng bigla akong tinuro nung babae kaya bumalik na ako sa pagababasa ko... Feeling ko papunta na dito si Lorraine..
Teka di ko alam ang gagawin? Paano na toh? Kinakabahan ako... Teka! Anong sabi ko? Kinakabahan ako kay lorraine? Bakit naman ako kakabahan eh mag kaibigan naman kami..
Hanggang sa lumapit na sya saakin.. Nag usap kami ng kaunti kasi nagpaalam na din ako sakanya..
Nung nagkita kita kaming Anim may kinukwento silang nakita daw nilang mga magagandang babae..
Sabi ko basketball muna kami..
Pag dating namin sa Park may mga nakita kaming naglalaro na..
Pare may mga tao oh
Mickey sali natin sila
Sige pre tawagin mo..Sabi nung Mickey.. Kaya pumunta na kami sakanila...
Magsisimula na sana kami ng may marinig kaming napakalakas na tawa... Galing sa isang...
"HAHAHAHAHAHA" galing sa isang .... BABAE!! Grabe di kami makapaniwala na may ganung klaseng babae na tumatawa ng malakas in public at, At sobrang ganda nya.. Pero yung mga kasama nya pamilyar ang mga mukha.. Ng medyo makalapit na sila sa kinatatayuan namin.. Sabi na nga ba eh kaya pamilyar sila Lorraine pala 'yon..
"Tang*na!" Biglang mura ni Miguel
"Bakit?" Tanong ko
"Sya yung babaeng nakita ko sa store na pinuntahan ko eh.. Sya yung sinasabi kong magandang babae!" Sabi niya pa habang tinuturo si Trixie..
"Taragis!" Sabi naman ni Staz
"Bakit nanaman?" Tanong ko
"Sya din yun eh.. Yung babaeng nakipag agawan ng kettle corn sakin sa grocery" turo naman ni Staz kay Heather
"Putcha!" Si Max.. Ayy oo nga pala, Siya si Max Terrence Solano kaibigan din namin pero hindi sya kasama sa grupo ng X'ÆRŒ..
"Bakit?" Tanong ni Timothy
"Sya yung babaeng nadulas!" Sabi niya habang nakaturo kay Tamara.
"Amputs" si Jaz
"Ano naman?" Si Miguel
"Sya yung babaeng nakikipag agawan din sakin ng sapatos" sabi niya sabay turo kay Victoria..
"Destiny pala mga pre eh Hahahahaha" sabi ko sabay hagalpak ng tawa..
"Huh? Pinagsasabi mo?" Si Timothy
"Hindi nyo ba alam?" Tanong ko
"Ano ba kasi yun?" Si Staz
"Grupo ng PALYSHAKYTE yan ehh except dun sa babaeng maikli ang buhok" sabi ko.. Napa-"ahh" naman sila.."Ohh, Ano na? Maglalaro pa ba tayo?" Tanong nung Mickey samin..
"Malamang" sagot ni Max
"Edi simulan na natin" sabi ni Mickey...Saglit lang kami naglaro dahil malapit na din mag gabi at nagugutom na din kami...
"Pre sa tingin mo pag niligawan ko yung isa dun sa PALYSHAKYTE na sinasabe mo... Sasagutin kaya ako?" Tanong ni Max..
"Nako pre wag mo ako tanungin.. Wala akong alam dyan" sagot ko
"Hindi ka kasi matinik sa chicks ehh" sabi niya na may halong pagmamayabang..
"Aba! Nako pigilan nyo ko. Masasapak ko to" sabi ko na kunyare nagpapa pigil pero hinayaan lang ako ng mga loko at nagsitawanan pa..
"Langya naman kayo mga tol, Tinawanan nyo lang ako" sabi ko
"Para ka kasing tanga dyan" sabi ni Timothy
"TANGAyin ka sana dyan ng hangin" si miguel bumanat nanaman.. Tinginan kami lahat atsaka pumalakpak ng walang sound..
"Edi wow" si miguel
"Ngipin mo dilaw" si Timothy
Ganyan talaga yang dalawang yan puro bangayan.. Minsan naisip ko din na kung pano kaya kung ligawan ko si Lorraine? Sasagutin nya din kaya ako? I think I need to know more about her.. Para madali ko nalang syang makuha..
Third Persons P.O.V
Masaya kayo ahh.. Pwes tignan natin kung sasaya kayo sa gagawin ko.."Boss, Eto po ang picture" abot sakin ng isa ko pang kasamahan..
"Maghanda kayo, May ipapagawa ako sainyo"
"Sige boss"
Ellah's POV
Hi I'm Ellah Perone 17 years young.. Isa akong maingay na tao at matakaw na babae "HAHAHAHA" yan ang tawa kong nakakabighani ng mga lalaki.. Wahahah Charot lang syempre.. Kaibigan ako nila Heather at ng mga kaibigan nya pa hahaha... MASIYAHIN akong tao kaya hindi mo mahahalata na may problema ako yeahh hahaha... Ipaalam ko sainyo kung paano kami nagkakilala nila Heather..Flashback
"Ouch, Inaano ko ba kayo huh?" Ako"You're such a bitch" mga girlalu na umaaway sakin..
"At bakit naman?" Tanong ko habang naka upo pa din sa sahig..
"Mang aagaw ka" sabi nung isa
"Huh? Wala akong inaagaw sainyo" ako
"Anong wa-" hindi nya natuloy kasi may sumigaw..
"ANONG KAGULUHAN NANAMAN TO?!" Tanong nung magandang babae..
"Wala kayong pake" yung girl na nasa harap ko..
"Girls wala daw tayong pake oh.. " sabi nung isang maganda..
"May pake kami kasi tao kami eh ikaw tao ka ba?" Tanong nung isa pang maganda..
"Malamang tao ako.. Hindi mo ba nakikita.. Bulag ka pala eh hindi mo nakikita ang kagandahan ko" sabi nung mga babaeng umaaway sakin hahaha Ang feeler ni ate ang sarap ipang balat sa sarili nyang balat..
"Pwes tignan natin kung sino mabubulag" lumapit saamin yung limang babae at biglang inisprayan yung mga babaeng umaaway sakin sa mata.. Nagtititili naman sila sa sakit hahaha buti nga sainyo... Tumayo na ako at nagpasalamat dun sa mga babaeng tumulong sakin.. Inaya nila akong pumunta ng starbucks kaya sumama naman ako..
"Uyy girl anong pangalan mo?" tanong sakin nung babaeng matangkad tas maputi..
"Ellah nga pala" sabi ko sabay abot ng kamay.. Nagshake hands naman kaming lahat..
Pagkatapos nagdecide kaming maglakad lakad muna.. Yes, Close na kami agad dahil masaya naman silang kasama at maiingay pa.. Pare-parehas kami ng ugali..
Habang naglalakad kami sa park biglang nagjoke si Tamara kaya Natawa akong pagkalakas lakas.. Napahinto sila at napatingin sakin..
"Di ko akalain na ganyan ka tumawa" gulat na sabi ni Skylie
"Ako nga din ehh" sabay na sabi nila Victoria, Trixie at Heather..
May mga lalaki kaming nakita sa park tas yung iba tinuturo pa kami I mean sila.. Tas may isang lalaking nakakuha ng attention ko.. Yung lalaking naka jersey at may maliit na bag.. Naka sombrero rin siya.. Ang gwapo nya..
"Oy baka matunaw" sabi sakin ni Skylie ng tumatawa..
"HAHAHA Sorry na.. Ang gwapo eh" sabi ko sabay peace sign..
"Tara na nga Alis na tayo.. Baka mamaya matunaw pa yun eh tayo pa ang sisihin" sabi ni Trix ng pabiro hahaha Ang saya nila kasama..
End of flashback..
Ang saya namin diba? Oo ka nalang hahaha Sila ang mga kaibigan na dapat mong pahalagahan kasi yung iba dapat sila ang maging Good influence kesa maging Bad..
A/N: Hello guyth.. Sorry sa super duper late update wahaha.. Babawi ako ngayon 2 update ang gagawin ko kasi sa mga araw na hindi ako nag uupdate ang dami kong naiisip na idadagdag dito... Salamat sa pagbabasa..
BINABASA MO ANG
Gangster's Secrets
Fiksi RemajaThis is the story about their friendships that never end.. May limang babae ang magbibida sa storyang ito at walang makakapigil sakanilang pagkakaibigan. At may anim lalaki din ang bibida sa storyang ito. Kung gusto nyo malaman ang mangyayari.... J...