MTGG Chapter 10► Knight in shinning armor

45 20 6
                                    

Don't wait for the knight in shinning armor. His armor is shiny because he has never been to war, instead look for the knight with torn and tattered armor. He is the one who knows how to fight and is sure to be the one who can keep you safe from harm.

UPDATE---Continious...

***************************************************************************************

DARREN POV

Kanina ko pa napapansin ang kakaibang tingin ni Shane ko kay Chloe.. yes, you heard it.. Shane ko.. dahil akin lang sya.

Alam kong may gusto itong sabihin kay Chloe, alam ko ang mga ganyang tingin niya sa isang tao.. Eto nga sabay sabay kaming umakyat... nandito kami sa hallway sa taas. Nag movie marathon pa kasi kami sa theater room sa ibaba. Sila tita at tito kanina pa umakyat para matulog maging si Vincent. kami na lang lima ang gising ngayon dito bukod kay Nick na hanggang ngayon wala pa. Sabi ni Vincent, malayo daw iyon isa't kalahating oras ang byahe papunta doon.. ANg maganda lang doon nakamotor si Nick kaya mapapabilis ang byahe nya kahit papaano.

Napahinto ako ng maramdaman kong tumigil din si Shane ko, Napalingon ako dito.

"Chloe" Tawag nito.. lumingon naman ito, maging sila Kyle at mariz tumigil na rin. "Ikaw ba ang dahilan kung bakit nandoon si Mariane?" derektang tanong nito.

Nangunot naman ang noo ko at nagkatinginan kami nila Kyle at Mariz. Anong kinalaman ni Chloe doon.

"What are you talking about." Chloe asked Shane.

"Nakita kita.. Nakita kong di mo gusto ang idea'ng susunduin ni Nick si Mariane.. nakasimangot ka pa nga eh" sabi ni Shane.

"So? Porke't nakasimangot lang eh, ako na ang may kasalanan? Aba makapagbintang ka naman Shane." Chloe said.. Lumapit ito sa harap namin ni Shane. I know Chloe, mabilis at mabigat ang kamay nito sa pananakit.. and hindi ko hahayaan na saktan nya si Shane ko.

"Oo nga Shane, imposible iyon." sabat naman ni Mariz.

" I saw you with Mariane.. paalis kayo." sabi nito. nakita kong biglang nanlaki ang mata ni Chloe.. pero saglit lang iyon. " Umuwi ka, pero hindi mo sya kasama.. Ala-singko ka na nga hapon nakabalik dito. Saan nga ba nanggaling si Chloe Davis?" Napangiti ako... para kasing imbistigador si Shane ko kung makapagtanong.

" Oo nga pala Chloe.. Where have you been?" taka ring taning ni Kyle dito.

" Kung ako Chloe umamin ka na at magsabi ka ng totoo." sabi ulit ni Shane ko.

"N-No Ofcourse n-not, b-bakit ko n-nam-an i-isasama ang b-babaeng iyon sa la-lakad ko, Galing ako sa bayan, nag-s-shopping ako.. yes shopping.. kaya what time na ako nakauwi." Paliwanag nito.. pilit kong hinuhuli ang mata nito.. ngunit masyado itong malikot.

'LIAR!' sigaw ng isip ko.

"Darren." baling sa akin ni Shane ko. tumingin ako dito. "Is she telling the truth or not?" tanong nito.

I smiled at her.. and she smile too. lumingon ako kay Chloe na halatang kinakabahan ito... napailing na lang ako.

"Tell us the truth Chloe." Derektang sabi ko dito.. narinig ko pang napasinghap sila kyle sa sinabi ko.. Shane smile again, alam na nito kung ano ang ibig kong sabihin. . that's why i adore her.. she's bright ...mabilis syang maka-pick up.

"Chloe" bigkas nila Kyle.

"Geeezz, tutal pinagtutulungan nyo na ako." sagot nito.

"No, Chloe hindi ka namin pinagtutulungan." sabi ko dito.

Mariane THE GISEI  GIRL (#Watty's2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon