MTGG Chapter 2 ► Nick Axel & John Vincent Madrilejo

151 34 5
                                    

Thanks sa mga Co-Baliw ko na si CHEN HOONIE at MARIELLE GULLA... dahil sa binigay ninyong mga Surname...

Thanks din kay Stef (Choko) Sa kanya naman nang galing ang surname na MADRILEJO... pati ang  mga names ng mga lead Character... Ni-ramble ko lang ahahhaha

I LOVE YOU GIRLS

Para sa inyo itong Chapt na ito

**************************************************************

MARIANE POV

"Nay okay lang po talaga ako dito, huwag na po kayong mag-alala,Nandito po ako ngayon sa San Josef, tinawagan ko po sila Steffi at sumama sa kanya, imbes kay Tiya Hilda. Naisip ko po na kilala ni tatay Carding si Tiya Hilda, baka mabilis nila po akong matutunton doon, dito po  hindi niya ako masusundan". Paliwanag ko.

Kausap ko si Nanay habang patingin tingin sa mga paninda dito sa bayan.Bibili kasi ako ng mga gamit ko, kulang kasi ang nadala ko.Damit ko lang ang nabibit at saka  may pinabili na rin si Mama Cely dito sa palengke. Si Steffi kasi kasama ng papa niya sa Rancho Madrilejo, para tumulong doon, Tinanong ko si Mama Cely  kanina , sabi nito na  may handaan daw mamayang gabi.

"Okay lang ako anak, nag-aalala lang ako kasi dalawang araw kang hindi tumawag dito, nang tawagan ko phone mo, di ko ma-contact." Sabi nito na nagpabalik ng aking huwisyo. "Tumwag ako kay ate hilda hindi ka pa naman daw pumupunta doon."

"Sorry po talaga Nay,Dito po muna ako kila Steffi. Kayo po hindi po ba kayo  ginugulo dyan ni Tatay?" tanong ko.

"Naku, nung araw na umalis ka, araw araw din pumupunta dito at nangungulit kung nasaan ka daw. kahapon nga eh nagwala na dito, kaya dinala na nila Chairman sa presinto at pina-blotter." sagot nito. "takot sigurong  makulong ang matandang iyon kaya ngayon  hindi na bumalik at di na  ginugulo sampo ng  mga kasama ng Carding na iyon. "

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Nanay. "Mabuti naman po at  mapapanatag na ang loob ko, pwede na po ba akong bumalik na dyan?" tanong ko.  Hindi sa ayaw ko dito, nasanay na kasi akong kasama sila Nanay, kaya gusto ko ng umuwi ng bahay.

"Naku anak, wag muna dyan ka lang , di pa ako sigurado kung di na babalik ang mag lalaking iyon!"

napabuntong hininga na lang ako.

+++++++++++

"Buti  nakabalik ka na Hija."  Bunga sa akin ni Mama Cely pagpasok ko ng Bahay.. "pwede ka bang mautusan saglit?" tanong pa nito sa akin.

"Bakit po?" balik tanong ko naman habang nilalapag ang mga pinamili ko sa bayan. Natagalan ako sa bayan dahil hindi ko na kabisado ang pasikot sikot doon, kaya hirap na hirap akong maghanap ng bbilhin ko.

"Naglaboy na naman sila Biboy kaya wala akong mautusang maghatid ng pagkain  para kila Steffi. " sagot nito, 'Baka kung pepwede namang ikaw na lang muna Hija ang maghatid sa kanila nito."  pinakita niya sa akin ang  dalawang baunan. kinuha ko naman ito.

"Sige po, No Pron Mama Cely!" nakangiti kong sabi.

Mariane THE GISEI  GIRL (#Watty's2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon