MTGG Chapter 9► --No title--

32 21 3
                                    

"The future for me is already a thing of the past -
You were my first love and you will be my last"
― ,Bod Dylan- Love & theft: Piano/Vocal/Guitar


Continuation......

*********************************************************************************


NICK POV

Tinatamad at matampalay akong naglakad papasok sa loob ng mansion, para akong nawawalang ng lakas, siguro dahil sa panghihinayang na hindi sumipot si Ayan.. I expected her... di ko akalain na di niya ako sisiputin..

Gusto ko syang puntahan at tanungin.. kung bakit di sya pumunta pero hindi ko alam kung bakit dito ako dumeretso imbis sa kanya..

"O Son, ang aga mo naman ata, ang bilis ng date nyo ah. 4 pm pa lang oh..Ithought deretso dinner na ang date nyo eh." Ani ni Papa na unang nakapansin sa akin. Kasama nito si Mama... Sila lang ang naabutan kong nandito.. nanonood ng sa TV.

Nagpakawala naman ng buntong hininga bago sumagot." Hindi po kami natuloy."

Gulat silang napatingin sa akin. "Why?" Tanong ni Mama na unang nakabawi.

"Hindi po sumipot si Ayan." Mahina kong bigkas.. May dumaang awa sa mga mata nila.

"Baka may nangyari lang kaya di nakasipot.. pumunta ka na ba sa kanila at kinausap mo na sya?" Si Mama.

Umiling ako.

"Siguro nga po may nangyari lang... Tatanungin ko na lang sya bukas at saka marami pa namang araw di ba po ba." nakangiti kong sabi sa kanila... bilang assurance na okay lang ako. Kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako. 'Coz this is my time to tell her my feelings, to show my love for her. "Sige po aakyat lang po muna ako." paalam ko sa mga ito.

Tumango naman sila Papa. " Tatawagin ka na lang namin kapag dinner na."

Tumuloy na ako sa pag-akyat ng hagdan at dumeretso sa room ko.. Pagpasok ko tinungo ko agad ang mini ref ko sa tabi ng sofa.. Binuksan ko ito at naglabas ng dalawang beer in can... at pumunta sa terrace. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at pasandal sa glass door. At doon na malayang umalpas ang luhang kanina pang gustong lumabas sa mga mata ko. Bakla na kung bakla pero di ko maiwasang umiyak..

Tama nga sila kapag nagmahal ka, hindi maiiwasan ang masaktan.. at nararamdaman ko na iyon.. Ang sakit pala kapag binalewala ka ng taong mahal mo.. Na nag-antay ka sa wala.. She's my first love.. pinilit kong i let go sya noon at mag- move on pero lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya ng makita ko syang muli... pero tulad noon... ako parin ang nagmamahal..

Ayan... Usal ko sa pangalan nito... Napapikit ako ng mariin... Kinuha ko ang isang beer in can sa tabi at agad ko itong binuksan at tinungga. Nalasahan ko pa ang pinaghalong tamis at pait ng alak na dumadaloy sa lalamunan ko. Mapait akong napangiti. I think... Mom mad at me if she saw me like this, Drinking alcohol. Ayaw nitong umiinom ako.. kaya palihim lang akong bumibili ng alak at ini-stock ko sa room ko. But i think maiintidihan naman ako ni Mama. Kailangan ko lang ito ngayon para makalimot pansamantala sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatambay dito, tigmak na rin ang luha sa pisngi ko at ubos na rin ang alak na kinuha ko.. Pero andito pa rin ang sakit. hindi pa rin nawawala. Napapitlag ako ng biglang kumulog at biglang buhos ng malakas na ulan..

Magpaulan ka ya ako?' ... Napailing ako sa iniisip ko.

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ng room ko.. Kakain na siguro... Tinatamad akong tumayo at tinungo ang pinto.. Si Mama siguro iyan.

Mariane THE GISEI  GIRL (#Watty's2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon