Chapter 5: Alexander

208 10 0
                                    

      Nandito kami ngayon sa opisina ng MMDA. Nakakabored din kasi kailangan pa naming maghintay ng matagal. Akala ko saglit lang kami dito pero hindi pala. Tick. Tock. Tick. Tock. Hay!  Mukhang may kinakausap sa phone ang ungas. Matawagan nga muna si Emily.

      Si Emily yung secretary ko simula nang mag-take over ako sa kumpanya. Siya ay isang transgender woman. Wala naman issue sa akin kahit ano pa siya basta mapagkakatiwalaan ko. Buti na lang mabuting tao si Emily kaya madali kaming nakapagpalagayan ng loob. Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya dati noong lalaki pa siya. Eduardo daw ang pangalan niya dati. Ang layo sa Emily. Parang siya lang yung manika ni Princess Sarah.

(Calling Emily...)

*ring*

      "Hello! Good morning! This is Mr. Alexander Enriquez's office. How may I help you?" Sabi ni Emily.

      "Hi, Em!" Sabi ko.

      "Sir? Where are you? You missed your 1 p.m. meeting." Sabi ni Emily.

      "Nagkaroon lang ng kaunting aksidente. Anyways, I called to inform you that I'm not gonna be able to go to the office today." Sabi ko.

      "Okay, sir. I'll just move all of your appointments for tomorrow." Sabi ni Emily.

      "Thank you, Em! I-text mo na lang yung schedule ko para bukas, okay?" Bilin ko sa kanya.

      "Right away, sir. May kailangan pa po ba kayo?" Tanong niya.

      "Wala na. Thank you! I'll just see you tomorrow." Sabi ko.

      "Have a nice day, sir!" Sabi niya.

      Tinapos ko nga yung tawag ko. Nice day? Pagkatapos akong banggain ng mokong na yun. Sira na ang nice day ko. Aaminin ko, medyo nice yung day ko kasi ang guapo ng nakabangga sa akin pero ang sakit sa bangs! Nakakaexcite na nakakainis ang araw ko ngayon. Tapos na yata siyang makipag usap sa phone. Makapaglaro na nga lang ng Temple Run 2 ng makapaglibang din kahit paano. Lalala...

      Yes! 7 million na ang score ko. Malapit nang mag-8 million.

      "What the hell are you doing?" Tanong ni Mokong.

      "I'm playing Temple Run 2. Wanna play?" Alok ko sa kanya. Baka gustong maglaro o di kaya sabihin niya na bastos ako kasi hindi ko siya inaalok. Ang bait ko, di ba?

*tap* *tap*

      Ayan! Namatay na tuloy si Barry Bones! Istorbo naman to! Pinindot pa yung screen ng cell phone ko. Malapit na eh! 7,986,898 lang ang score ko. Kahit kailan talaga nakakainis siya. Isaksak ko tong Sony Xperia Z3 ko sa bunganga nito para matauhan. Bawal nga pala. Nandito kami sa opisina ng MMDA. I'm a good person kaya joke ko lang yon. Hehe.

      "Look at what you just did! You screwed up my game! I almost reached 8 million." Sinigawan ko siya. Sirain ba naman ang laro ko.

      "I don't F*CKING care! Just stop your nonsense." Sabi niya na may halong inis. Walang hiya talaga oh.

      "Mind your own business. Scratch your own galis." Banat ko kay gago. BOOM PANIS!

      "What?" Naguguluhan niyang tanong.

      "Nothing!" Sabi ko na lang sa kanya. Uulitin ko pa yung sinabi ko. Ano ka, chicks? Bahala ka dyan.

      Maya-mayang kaunti may lumapit na sa amin. Ito yata yung head ng office na to or baka siya yung magdedecide kung ipapatapon na kami sa malayong lugar. Ipapatapon talaga? Ang OA mo rin Ace, no?

      "Ipinatawag namin kayo dito kasi-" Ang sabi ni manong pero pinutol ko na. Mukhang clueless ang mokong.

      "Manong, pwedeng mag-English ka? Hindi kasi marunong mag-Tagalog yung katabi ko." Ang sabi ko sabay turo sa mokong na yun. Mukhang matatagalan kami dito ah.

      "Ganon ba? Mukhang magagamit ko yung pinag-aralan ko dati." Sabi ni manong with a smile on his face. Mukhang excited si manong mag-English ah. Inglesero yata si manong ah.

      "Anyways, I called you two here to explain what happened here." Sabi niya sabay turo sa may isang screen na kung saan kami nagbabangayan ni pogi. Wow! May American accent pa yung pag-English niya. Ikaw na, manong!

      "Wow! Ang galing mo naman mag-English manong. Parang sa US ka nanggaling ah." Pinuri ko siya. Akala ko kasi katulad siya ni manong na nanghuli sa amin kanina. Pasensya na, tao lang.

      "I studied English Literature in Michigan 10 years ago and then I became an English professor in UP Manila 5 years ago.." Sabi niya sa akin. Akalain mo yun! Nanggaling pala siya dun 10 years ago tapos naging professor din siya. E di matanda na siya. Joke!

      "Ah. Okay." Yun na lang ang nasabi ko. Lesson learned: Don't judge the book by its cover because it might surprise you. Na-surprise nga ako lalo sa sinabi niya.

      "It's his fault!" Sabi ko sabay turo ko sa kanya. Totoo naman na siya yung may kasalanan eh. Mukhang ako pa ang sisihin kaya inunahan ko na.

      "What?! No it's not-" Sabi niya pero pinutol ko na para manahimik siya.

      "Yes. It's your fault and that video can prove that I'm right, so shut up and watch." Binara ko siya. Sabi na nga ba eh. Sige, mag-deny pa. Kapag napikon ako dito, sasapakin ko to I swear.

      Pinanuod namin ang video na yun. Ha! Sabi na nga ba, siya ang may kasalanan. Nakakita na ba kayo ng mukhang napahiya? Ganon! It was epic!  I smirked at him and he looked so annoyed pero sobrang guapo pa din. Ano ba yan! Naisingit ko pa yun. Hay!

      "See? Who's the liar now? Huh? Huh? What can you say about that? Freak!" Inasar ko siya nakakatawa kasi yung mukha niya parang naubos yung pera niya sa casino. Hahaha! Buti nga sa kanya!

      "Did you just call me a f*cking Freak?" Tanong niya sa akin at mukhang kakain ng tao.

      "Yes, I did because..." you're freaking handsome! I want to keep in my house and I will never return you to your family. Obsessed much? Crap! "...you're tallest guy in this room and you almost beat the crap out of me so that makes you a freak." Pang-asar ko sa kanya. Nakakatuwa siyang asarin kasi ang guapo niya lalo pag napipikon. Hay! Tumigil ka, Ace!

      "Stop!" Sigaw ni manong. Mukhang napikon na siya.

      "Sorry po." Sabi ko na may imaginary curtsie ni Kathryn Bernardo sa isip ko. Tapos siya, poker face. Nakakahiya naman ang ginawa ko but it's worth it lalo na pag tinitignan ko ang mukha niya. Hahaha! It was hilarious!

      Hindi ko na ikukwento ang buong pangyayari baka ma-bored lang kayo. Ayun na nga, pagkatapos ng mahigit isang oras na paliwanagan at kung ano-anu pa ay okay na ang lahat. Napatunayan na siya ang may kasalanan ng aksidente. Hindi na ako nagsampa ng reklamo kasi ayaw kong maistorbo ang schedule ko but he had to pay the damages. Sapat na sa akin na napahiya siya. G*go siya. Ako pa ang iisahan niya. Utot mo!

      I found out na Jacob Andrew McIntyre ang name niya. Parang narinig ko na yun or something. Hindi ko lang maalala. Basta magreresearch ako tungkol sa kanya. Mangongolekta din ako ng pictures niya kasi ang guapo niya eh. Joke! Loyal pa rin ako James McIntyre.

      Tinapos ko na lang ang araw ko sa mall sa Makati. Nagshopping ako at kumain. Namili ako na maisusuot at yung balak kong i-feature sa blog ko. Ang saya mag-shopping! Masaya sana pero nakita ko yung guapong asungot na yun. Nagtago na lang ako baka ituloy niya ang pagbangas sa mukha ko. Natatakot din naman ako kahit paano.

      Yes! Sa wakas at nakauwi na rin ako sa aking napakagandang tahanan. Hay!  Feeling ko nag-day off lang ako. Bukas na nga lang ako magreresearch tungkol sa kanya. Ayaw ko munang makita ang guapong mukha niya. Sakit sa ulo! Makapagpahinga na nga. Maaga pa ako bukas. Babawi ako bukas. I swear.





Corporate Enemies (manXman)(m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon