Chapter 9: Alexander

247 8 1
                                    

      Hay grabe!

      Isang araw lang akong umabsent, pakiramdam ko, tambak na ang trabaho. Mabuti na lang naayos ko na lahat ng mga gawain ko. Kailangan ko munang makapagrelax ng kaunti. Ayaw ko ma-stress masyado. I don't want to look worried especially when I'm facing my clients. I might see wrinkles on my face. Nakakapangit, 'di ba guys?

      Tatlong araw na ang nakakalipas nung mangyari ang aksidente sa Cubao na nagdulot ng matinding traffic. Buti na lang napaayos ko na yung kotse ko. Hindi talaga ako makapaniwala na magiging trending topic kami sa social media ni Jacob McIntyre. Actually, tatlong araw na rin akong hindi tinatantanan ng press. Ang daming tanong na binabato sa akin simula noong mangyari ang aksidente. I'm not a celebrity para pagkaguluhan ako ng ganun. Oh wait... I'm a minor celebrity (I guess) kasi kilala ako sa business and fashion industry. Ang hirap pala maging guapo! I'm not being egotistic but I'm just stating the obvious. So far, kayang-kaya ko pa naman. Ako pa!

      As of the moment, nandito ako sa bahay namin sa Alabang at nagpapahinga kasama yung parents ko. Kakauwi lang nila galing Spain. Parang ako yata ang dahilan kung bakit sila napauwi dito sa Pilipinas. Sorry po, mom and dad! Kasi yung guapong freak na yun ang may kasalanan. In fairness naman kay Jacob, naging memorable and remarkable ang araw na yun para sa akin kundi dahil sa kanya.

      Nakakatawa nga lang kasi instead na mabwisit ako kanya, naging crush ko pa siya pero hindi ibig sabihin nun abswelto na siya sa akin. No no no. May kaunting disadvantages ang pagiging gay man but I don't really mind. Ang hirap magalit sa crush. Nagtatalo ang galit at landi. Hay!

      Kailangan kong maglabas ng hinaing na aking kinikimkim o maghimutok sapagkat hindi ko na kayang itago ang mga sari-saring emosyon na bumabalot sa aking isipan. Wow, gumaganun na ako ngayon! Straight tagalog kapag super stressed na. Joke! Ganun talaga kapag maraming palaisipan na gumugulo sa aking isip nitong mga nakaraang araw. Alam ko na kung sino ang paghihimutukan ko. Tutal siya rin naman ang may pasimuno ng #ThatKiligMoment na hashtag. Magtiis siya ngayon. BWAHAHAHA!

(Calling Mandz via Skype...)

      “Hello!” Sabi ni Mandz na may pagkaway ng Ms. Universe.

      “Hello Mandz! Kumusta ka na?” tanong ko na nakangiti. Actually, panimula pa lang 'to may kasunod pa.

      “Ito, Dyosa pa din! Ikaw?” pagmamayabang niya.

      “Ito, kailangan magpahinga nang maigi dahil sa mga nangyari noong mga nakaraang araw,” sabi ko sa kanya na nakangiti pa rin.

      “Oh my God! Talaga? Ano bang nangyari sa'yo? Magkwento ka, bilis!” sabi niya. Painosente pa siya. Akala niya hindi ako nakapag-online. I also received some private message from my close friends.

      “Nakita mo ba yung mga hashtags online?” tanong ko na medyo exaggerated. Susubukan ko lang siya.

      “Oo nga! Ang daming kayang nag-tweet sa ginawa kong #ThatKiligMoment. Mga 3 million din yung retweets. Ang taray, di ba?” excited pa siyang magkwento. Huli ka balbon!

      “Aha! So ikaw nga ang nagpasimuno ng hashtag na yun ah,” pambibisto ko sa kanya. Tama si Emily. I should give her a raise.

      “Sorry na. Okay na yun, at least nagtrending ka. Magpasalamat ka na lang kasi,” sabi niya. Naka-peace sign pa siya nung sinabi niya yung sorry na. Aba! Ako pa ang magpapasalamat sa kanya. Matindi!

      “Gusto mong malaman kung gaano ako ka-thankful sa ginawa mo?” tanong ko sa kanya na parang naghahamon ng away.

      “Um... Ililibre mo ako ng bagong LV monogram bag?” suggestion niya. Wow ha, yun pa talaga ang unang pumasok sa isip niya?

Corporate Enemies (manXman)(m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon