Ang Babae

42 7 11
                                    

Chapter 10

Pagka-kita sa larawan na pinrint screen niya kanina. Ipinakita n'ya ito kay Martin.

"Ano yan?" nagtatakang tanong ni Martin.

"Tignan mong maigi," pagpipilit ni Rustel.

"Kotse ko yan, pero saan mo nakuha yan?" sagot nito, pero ang ipinagtataka niya hindi n'ya maalala na nagpunta siya sa lugar na iyon.

"Kuha yan noong gabing nawala si Marcia," pagbubunyag nito.

"Ha?" gulat na tanong nito.

"Pero hindi ako yan, hindi ko natatandaang lumabas ako ng gabing namawala si Marcia," pagtatanging paliwanag Martin.

"Alam ko, kaya nga ako nandito para sabihin ko sayo ang nalaman ko," saad ni Rustel. " may nakikita ka bang kakaiba dito?" tanong nito at itinuro ang larawan.

"Wala, wala akong nakitang mali, maliban diyan sa driver," sagot niya.

"Maliban pa diyan, nakikita mo ba yung loob ng kotse? Patay yung ilaw," malinaw at may diin nitong sabi. Ang naka-patay na ilaw ang noo'y pinagpipilitan niyang mali sa CCTV footage. 

Dahil ang alam niya noo pa'y ayaw mag-maneho ni Martin ng kotse kapag naka-patay ang ilaw gusto nito'y lagi itong nakasindi, nagsimula ito matapos niyang gumaling sa sakit.

"Oo nga, pero sino yan?" nagtatakang tanong ni Martin.

"Iyan pa ang aalamin ko. Kaya't sinisiguro ko sayong makakalabas ka rito," pagsisiguro nito.

Tumingin siya sa oras ng makita niyang madilim na sa labas na tanaw sa maliliit na siwang ng pader.

Tumayo siya para magpaalam, "Mauuna na ako, at pupuntahan ko pa si Jhony para ipakita itong larawan," nagmamadaling sabi ni Rustel. Nagkalad siya papalabas ng visting area, pero bago pa siya makalabas muli siyang lumingon sa kinaroroonan ni Martin at tinitigan n'ya ito ng marahan.

"Wag kang mag-alala ako ng bahala sa lahat, sa susunod na buwan lalabas ka n rito,!" may kompyansa sa sariling sabi ni Rustel.

"Aasahan ko yan," sagot ni Martin.

Pagkuwa'y inihatid na siya ng pulis na kanina pa sa kanila nag-banantay.

....

Gabi ng makarating si Martin sa restaurant na napagkasunduaan nila ni Jhony na tagpuan. Pagka-upo ninalay omorder si Jhony ng sweet and sour pork samantalang ice tea lang ang kay Martin.

"Ok na ba sayo yan?" nagsisigurong tanong ni Jhony.

"Oo, busog pa ako." maigsing sagot nito. "Kaya nga pala ako nakipagkita sayo ngayo'y dahil may mahalaga akong ipapakita sayo." Inilabas niya ang kanyang cellphone at muling hinanap ang larawng ipinakita niya rin kay Martin. "Ito," ang maikling sabi ni Rustel at ipinakita iyon kay Jhony.

"Ano ito?"

"Larawan ng kotse na nakunan ng CCTV malapit sa crime scene kung saan nakita ang sunog na bangkay ni Marcia, at kotse yan ni Martin," paliwanag ni Rustel.

"Diba wala naman ito sa mga ibedensya naten," nagtatakang tanong ng abugado.

"Itinago ko yan," maigsing sagot ni Rustel.

"Pero bakit?"

"Mas lalong madidiin si Martin sa kaso," matigas nitong sabi.

"Pero mas lalo mo lang siyang idiniin sa kaso!" mas matigas na sabi ni Jhony.

Tumayo si Martin at nagsalita ng ganito, "sabihin mo ang gusto mong sabihin, ako nalamang ang gagawa ng paraan para makalaya si Martin. Hindi ko na kaylangan ang tulong mo," at lumabas ng restaurant ng hindi manlang nagalaw ang inorder.

Hindi akalain ni Martin na sa ganon ang kalalabasan ng kanilang pag-uusap. Dahil ang nais lang niya ay protektahan ang taong ayaw niyang mawala sa kanya.

.....

Hindi umuwi si Rustel sa bahay niya. Punta siya sa bahay ni Martin, nag park siya sa harapan nito at tinitignan ang bahay. Kahit hindi pa niya alam kung saan uumpisahan ang muling pag-iimbistiga ay minabuti muna niya itong kalimutan kahit sandali. Bumasita at pumunta siya sa bahay ng kaybigan. 

Wala na ang kordon sa paligid ng bahay. Maayos na ang labas dahil siguro'y naayos na ito ni Lanie. Naka lock ang pinto kayat pumunta siya sa pinagtataguan ng susi. Alam niya ang pinagtataguan noon.

Malinis na ang loob, ngayun na lamang niya ulit ito napasok mula ng mawala si Marcia. Doon parin naka pwesto ang mga laruang binili niya kay Mico at larawan nilang dalawa ni Martin noong graduation nila sa pagiging pulis. Ang sala ay ganun pa rin, pati ang roster figurine na nasa lamisita ay naroon pa rin.

Bigla na lang may mga ala-alang nag balik sa isipan ni Rustel. Mga alala-alang nasaksihan niya kung gaano kasaya ang pamilya ng kaybigan.

Hindi rin siya nag-tagal at umuwi na rin. Nang nakasakay na siya sa kanyang sasakyan. Isang  itim na kotse ang huminto malapit sa bahay nila Martin. Tanaw  sa pwesto ni Rustel ang babaeng driver na nakatanaw sa mismong bahay ng kanyang kaibigan, mukhang may hinihintay ito. Susubukan sana niyang lapitan ito, pero umalis din nang makita siya nitong bumaba. 

Ipinag kibit balikat niya na lang ito. 


A/N: Hi guyz, pasensya na sa pag-papahirap ko sa inyo, sa pag-iisip kung sino ang pumatay. Wag ka mag-alala malapit n'yo na malaman. At yung mga dahilan kung bakit niya ito ginawa nabangit na po siya sa ibang chapter, kayo na lang maghanap.



The Left Hand Murder CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon